Chapter 8

6.1K 233 9
                                    

"What? So you're studying here because tita Layra asked you to do so. Bakit? Alam kong may dahilan si tita."

Sinabi ko lahat kaya't nalaman niya ang pakay ko rito.

"Sinasabi ko sa'yo girl. Mahihirapan ka sa gagawin mo. Kevin's as hard as stone. Pretty ladies, models, artists and lots of beautiful ladies already tried to seduce or even tried to make him fall for them but they all failed. That's why tita Layra thinks her son's a gay for sure." Napangiwi ako sa narinig mula sa pinsan ni Sir Kevin. Ibig sabihin ba non ay wala na akong chance? Tsk.

"Kaya nga kailangan ko ng tulong mo. Gusto kong magplano kung paano mapapaibig si sir Kevin." Nangingiti lang si Frey habang nagsasalita ako. Siguro may naisip na siyang paraan.

"May naisip ka na?" Tanong ko. Tinaas-babaan lang ako ng kilay t'saka pumalakpak.

"May itatanong lang ako. Crush mo ba si Kevin or may something ka diyang nararamdaman para sa pinsan ko?" Napatda ako sa kinauupuan at natawa sa tanong ni Frey.

"Nagbibiro ka ba Frey? Ako? Magkakagusto sa halimaw na lalaking 'yon? Naku, imposible yata ang naiisip mo."naiiling kong sagot. Totoo naman e. Kung iba pa akong babae ay posible 'yon. Pero hindi. Wala talagang ni katiting na paghanga sa kanya. E ano ba ang hahangaan ko don? Kasamaan? Isang malaking TSS.

"Talaga lang ah? O sige, bukas bibigyan kita ng steps. Gagawa ako mamayang gabi. Tapos idi-discuss natin bukas kung okay lang sa'yo ang ganon. Ayos ba?" Masiglang sabi niya tapos ay nakipag apir pa.

Isip bata.

---

"Kumusta ang unang pasok sa eskwela, anak?" Salubong ni nanay sa akin pagkarating na pagkarating ko lang sa mansiyon.

"Ayos lang po nay. May kaibigan na nga po akong isa. Si Frey po. Yung pinsan ni Sir Kevin." Sabi ko na ikinatuwa ni nanay.

"Naku! Mabuti naman at may nakakausap ka roon sa eskwela anak. Halika, nagluto ako ng hapunan. Kumain ka muna. Hindi na rin magtatagal ay maghahapunan na rin si sir Kevin."

"Opo."

Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa kusina para maghanda ng pagkain para kay sir Kevin.

"Haylie, anak. Ikaw na muna ang mag asikaso kay sir Kevin. May gagawin lang ako sa labas. May ginagawa rin kasi ngayon si ate."

"Opo nay. Okay lang po."

"Kanino ka sumakay pauwi?" Sabi ni sir habang kaharap ang pagkain. Lumingon ako sa likod ko pero wala akong nakitang tao. Nagpalinga-linga ako sa gilid pero wala naman---

"Stupid. Ikaw ang kausap ko." Malamig na sabi niya kaya't napalunok ako.

"H-ho? Kaibigan ko po sir." Sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

Hindi na muling nagsalita pa si sir at ipinagpatuloy ang pagkain.

Nakita kong wala ng laman ang baso ni sir kaya't lumapit ako at sasalinan sana ang baso ni sir pero may biglang parang gumagapang sa binti ko kaya't imbis na malagyan ko ang baso ay napatalon ako kung kaya't natapunan ko pa ng tubig ang mukha ni sir.

"Kyaaah! Ipis! Ipis! Kyahh ipissss!" Sigaw ko. Pilit kong pinapadpad sa binti ko ang ipis pero hindi ko matanggal.

Nang matanggal ko ay hingal akong napaupo sa sahig.

Naalala kong natapunan ko pala ang mukha ni sir ng tubig. Dali-dali akong tumayo tapos hinugot ang panyo sa bulsa ko at marahang ipinunas sa mukha ng nakakunot noong si Sir Kevin.

"S-sorry sir. Sorry talaga---"

"Stupid--cockroach." Sabi niya bago ako iniwan sa kusina.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon