Chapter 4

7K 245 8
                                    

"Bakit niyo po ako ipinatawag mada'am?" Diretsahang tanong ko sa nakangiting ginang sa harapan ko. Wala naman yata siyang balak tanggalin ako kasi nga ay nakangiti siya tapos hindi naman harsh siyang magsalita.

"I just want to ask you a favor."

Automatikong napatanong ako ng,

"Ha?"

"Favor. Please help me." Pagmamakaawa niya. Posible palang magmakaawa ang mayaman sa mahirap? Bakit naman kaya?

"O-opo. Ano po ba 'yon mada'am?" Tanong ko kaya't nagliwanag ang mukha ni madaam Layra. Mukha siyang bata kung umasta. May pa nguso-nguso pa siyang nalalaman eh.

"Please help my son fall in love with you. I will pay how much money you like. I will give you millions of money just agree on my plan. Please..."

"WHAT???!" napataas na talaga ang boses ko. Ano bang pinagsasabi ni Mada'am Layra? Nag-iisip ba siya? Kapag nalaman ng anak niya 'to, iisipin ni sir Kevin na pinaglalaruan siya ng sarili niyang ina. Na pinapangunahan siya nito.

"Sweswelduhan naman kita iha. Kung ma in love man siya sayo tapos magkagusto ka rin sa kanya, Edi maayos. Mapapanatag ako." Sabi niya.

"Ano po ba'ng dahilan kung bakit gusto niyo pong ma-inlove ang anak niyo sa akin, mada'am? Wala po ba siyang girlfriend o kaya ay nagugustuhang iba? Paano po kapag hindi siya nagkagusto sa akin? Alam naman po nating hindi niya ako type. Tsaka mahirap po ang pinapagawa niyo sa akin." Naiiling ako habang naiisip ang mga mangyayari kapag sumang ayon ako sa ina ni Sir Kevin.

"Isa sa rason ko ay gusto kong patunayan mong hindi bakla ang anak ko---"

"A-ano p-po? B-bakla?" Putol ko sa sasabihin ni mada'am. Bakla? As in gay? Bading?

"Hindi pa kasi nagdadala ng babae o girlfriend dito ang anak ko, iha. Syempre gusto ko ring magka apo sa hinaharap."

"A-apo? Po?" Maiiyak na yata ako sa gulat ngayon. Nakakagulat naman kasi ang pinagsasabi ni mada'am Layra. Jusko! Naway patnubayan niyo po kami sa aming mga desisyon sa buhay.

"Oo naman. May isa pa akong rason iha pero saka ko na sasabihin sayo kapag napaibig mo na ang anak ko."

Hindi pa nga ako sumasang ayon eh. Haaay.

"Mada'am, parang hindi ko po talaga kaya e. Ang sungit po ng anak niyo parang pinaglihi sa sama ng loob. Nakakaloka." Sabi ko. Nahahawa na rin yata ako sa mga tono ng pananalita ni tita Haireen.

Nakarinig ako ng malakas na tawa mula kay mada'am.

"Sinasabi ko na nga ba't yan ang sasabihin mo, iha. Pero gwapo naman ang anak ko, tapos maganda ka. Siguradong magiging maganda ang bunga niyo." Hindi ko na talaga napigilan ay naubo na ako kasabay ng pagkalunok ng sarili kong laway.

NAKAKALOKA TALAGA!

"P-po? Hindi nga po yata kakayanin ng pasensiya ko ang ugali ng anak niyo mada'am. Paano po kapag sesantehin niya po ako? Wala po akong tutuluyang iba. Nandito po nagtratrabaho ang pamilya ko po mada'am." Napangiwi ako sa alaalang patalsikin ako dito sa bahay at sa kalye na ako pulutin.

Hindi naman siguro.

"Don't worry dear. I will be the one to handle that. You'll never get fired as long as I'm here to back you up whenever you needed me. Just please accept my offer."

Napangiwi na naman ako sa sinabi ni mada'am. Kung hindi ko siya pagbibigyan ay baka siya na mismo ang magtanggal sa akin.

"E paano po kung hindi ko po kayo pagbigyan?" Namamag asang sabi ko na mas lalo pa yatang lumala ang sitwasyon ko. Naiipit ako sa ina ng isang masungit na nilalang na yon.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon