Dumating si nanay sa kwarto kaninang umaga dala-dala ang mga school uniform, sapatos, bag na may lamang school supplies, cellphone na may number sa phonebook ni Mada'am Layra. At wallet na may lamang 20,000 cash.
Napatakip ako sa bibig. Omg! Kumpleto talaga. Ang laki namang halaga ng perang to sa 1st day palang. Aanuin ko ba to?
Hinalungkat ko pa ang laman ng bag at doon ko nakita ang isang sobre na may sulat.
Haylie Dear,
Please accept these things. It's my way of thanking you for agreeing my favor.
Mommy Layra
M-mommy? Napangiwi ako sa nabasa sa huli ng sulat. Umaasa talaga si Mada'am na magkakagusto sa akin ang anak niya? Tsk tsk. Pero susubukan ko.
--
Unang araw ng pasok ngayon sa pinapasukan ni Sir Kevin kaya't maaga palang ay ayos na ako. Pagkatapos kong magluto ay kumain na rin ako ng almusal.
"What??? Mom, I can't. Bakit ko naman isasabay ang babaeng yon sa school ko? Pasakayin mo nalang ng taxi. Tsk!" Sigaw ni sir kevin ang naabutan ko malapit sa garahe.
"Aarg! Mom naman, hindi ko gustong makasabay yon! Tsk. She's stupid and you know I hate stupid girls."
Kung makalait sa akin para namang perpekto siya. Eh ang sama naman ng ugali niya.
Hindi ko pinansin si sir Kevin at nagdere-deretso sa labas.
Edi, magtataxi! Mahirap ba yon?
Kanina pa ako naglalakad pero hindi ako makahanap ng taxi na dumadaan. Puro kotse lang ang nakikita ko dito.
Isang oras na ako naglalakad nang maalala kong nasa Subdivision pala ako.
Naku! Stupid nga naman. Ugh!
Nagulat ako sa busina na sunod-sunod sa likod ko.
Inis akong lumingon. Grabe! Muntik pa akong atakehin sa puso.
"Hey, stupid girl. Get in!" Ma autoridad na sabi ng pamilyar na boses. Sino pa nga ba?
"Ayaw mong sumakay? Okay." Sabi niya saka iniliko ang kotse niya. Ibang daan pala ang tinatahak ko.
"Hoy! Sir! Sir, hintay! Sir!" Habol ko sa kotseng dahan-dahang umaalis. Pinapalo-palo ko pa ang salamin ng sasakyan ni sir Kevin pero hindi parin tumitigil.
"Sir Kevin, papasukin niyo ako! Hoy!" Hingal akong umupo sa gitna ng kalsada na nakahawak sa magkabilang binti ko.
Walang hiyang lalaki yon?!
Hinimas himas ko ang binti ko tapos minasahe.
"I said, get in. Idiot." Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang marinig ko ang boses sa likod. Dali-dali akong pumasok at isinara ang pintuan ng kotse ni sir Kevin.
Buong byahe ay hindi ako inimik ni Sir Kevin. Asa namang papansinin ko rin siya.
Walang imik akong umibis ng sasakyan at dumeretso sa hallway. Binuklat ko ang registration form ko at binasa kung saan ang unang klase ko.
Paikot-ikot ako sa isang building.
Naku! Ang tanga naman! HRM building pala to. Dapat sumama nalang ako kay Sir Kevin. Tsk tsk.
Ang nakalagay sa registration form ko ay Business Administration at nasa HRM building ako!
Lumabas ako sa building at ang layo pala ng Business Ad building. Hingal pa akong nakarating sa building namin.
BINABASA MO ANG
The Jerk & His MAID ( Completed )
ActionA girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE...