Chapter 38

4.9K 163 3
                                    

"Bessie! Okay ka na ba?" Nag aalalang tanong ni Ashley. Tumango ako at saka nag crossed arms.

"At bakit kompleto kayo ngayon dito?" Sabi ko habang nakatingin sa kanila.

Tinignan ko sila isa-isa. Kompleto ang barkada ni Kevin. Habang nagkakantiyawan naman ang tatlo, sina Daren, Chris at Carl sa mahabang sofa. Si Kevin at ang anak ko ay kumakain ng chichirya habang nanonood ng tv. Si Ashley ay nakaharap sa akin na ngiting-ngiti.

"They said that there's a friend who's coming today. Right guys?" Sabi niya at tumingin sa tatlo.

Ngumisi lang sila bilang sagot. Nagtaka ako. Who?

"Wait! Ako na ang mag bubukas!" Presinta ni Ashley nang tumunog ang doorbell. Bago pa ako magtanong ay tumakbo na siya papunta sa pinto.

"Haylie! Oh my god! Kyaaaah!" Sabi ng babaeng tumatakbo at dinambahan ako ng yakap.

"F-Frey?!" Nauutal na sabi ko. Niyakap ko rin siya dahil sa tuwa. Oh my god! Is this for real? She's back!

"God, I missed you Haylie! Where have you been? Ang daya mo naman, you left me that's why nagpakalayo-layo rin ako." Naiiyak na sabi niya. I also can't help but cry,

Nagpunta kami sa loob ng kwarto ko kasama si Ash. So tatlo kaming nandito, ang boys naman ay nasa sala.

"By the way this is Ashley, Ash, she's Frey." Pakilala ko sa kanila. Nagkamay sila at nagyakapan pa. Napangiti ako at ikwenento ko sa kanya lahat mula noong umalis ako sa mansiyon hanggang sa kasalukuyan.

"Kaya pala hinanap ka ng pinsan ko, believe me he was just like a ghost. After you left at nakita kong sising sisi siya. Hindi na alam noon nina tita at tito kung anong gagawin sa anak nila kasi nga pati rin sila hindi ka nahanap. Kamuntik pang malugi ang kompanya na hinahawakan ng pinsan ko dahil hindi niya napagtutuunan ng pansin ang kompanya dahil sa pag hahanap sa'yo." Sabi ni Frey at hinawakan ang kamay ko.

"I'm happy that you gave him a chance, at nalaman ko pa na may anak na kayo. Walang mapagsidlan ang tuwa ko Haylie kasi okay kalang at okay na kayo. Magiging masaya na ang pinsan ko." Tuwang-tuwa na sabi niya.

Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na kami sa sala at nakita ang mga lalaki na masinsinang nag uusap-usap. I guess they're planning something.

Hinayaan ko nalang at lumapit naman sa amin ang anak ko.

"My god Haylie! Ang cute naman ng pamangkin ko! Nakakagigil!" Sabi niya at niyakap yakap ang anak ko. My son just giggled at hinayaan ang tita Frey niya na lambingin siya.

"Sa kusina muna ako, I'm going to make a snack." Sabi ko at tumayo. Sumunod naman sa akin si Ash at tutulong daw siya. Naiwan sa sala si Frey kasama ang anak ko na hindi na niya naiwan iwan.

We're making a sandwich at si Nana Lynda naman at Nanay Henya ay lumabas para mamalengke ng pang hapunan para mamaya.

Si Ash naman ay gumagawa ng manggo shake.

"Lee, what's your plan for the birthday celebration ng inaanak ko?" Nakangiting tanong ni Ash. Nagkibit balikat lang ako and shake my head.

"Hindi ko pa kasi alam eh, but for me, I just want a simple celebration together with family and friends. My family's coming galing sa ibang bansa and they already want to see Kenneth." Sabi ko. Tumango naman si Ash in return. I just want my baby to be happy that's all.

Maya-maya lang ay natapos na rin namin ang ginagawa at bumalik na kami sa sala.

Tinulungan ako ni Kevin and give something to me. A flower, a bouquet of flowers. At saan niya naman to nakuha? Sa pagkakatanda ko kasi mula nung dumating siya dito kanina,wala naman akong nakitang dala niyang bulaklak.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon