Chapter 14

5.6K 217 7
                                    


Date. Naalala kong may date kami mamaya. Sa ayaw at sa gusto niya ay mag de-date kami!

Steps to make him fall for you:

Step1. Court him

Step2. Give him your time

Step3. Be friend with his close friends.

Step4: Ask him for a date and kiss him on your first date

Habang patuloy na inuulit-ulit ang pagbabasa ay naisip ko na kahit na sinabihan ko siyang magdedate kami mamaya. Paano kung hindi niya ako siputin? Paano kung hindi niya talaga ako gusto?

Kung patuloy ko kasing ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya, mas lalong hindi niya ako magugustuhan.

Pero masama bang umasa? Kahit kaunting pag-asa lang.

Haaaay...ipagpapatuloy ko ang date. Pagkatapos ng date mamaya o kung matuloy man ang date, huli na siguro yon para tumigil na ako.

Hinintay ko ang oras. Ang tagal!

Pakiramdam ko mas lalong tumatagal ang oras kapag lalong minamadali mo to.

Cut off na ng ten ang mga klase kasi may general meeting ang mga staffs at teachers. Iyon ang boosting knowledge and ideas towards teaching daw.

Alam ko na yan kahapon pa kaya't malakas ang loob ko na magyaya ng date sa boss ko.

Hinintay ko si sir sa labas ng room namin at bago pa maglabasan ang mga studyante ay hinila ko na siya palayo at doon dumaan sa likod ng building para hindi ako makita ng mga fans niya na hinihila ko ang idol/dream guy nila.

Ang nakapagtataka nga ay hindi siya umalma o nagreklamo manlang sa panghihila ko sa kanya.

Lumabas kami sa short cut at saktong malapit ito sa dinaraanan ng jeep.

"Sakay na." Tulak ko sa kanya papunta sa jeep pero tumigil siya na nakakunot ang noo.

"What the fck are you doing? I'm not going to ride into cheap vehicles!" Raklamo niya. Hindi kasi niya nakuha ang kotse niya kasi sa likod kami dumaan.

Awtomatikong napa ikot ang mga mata ko.

"Ang arte mo naman. Sakay na kundi iiwan kita mag-isa rito." Sabi ko. Nauna na akong pumasok sa pangalawang jeep na dumaan. Iniwan kasi kami nung unang dumaan. Sino ba naman kami para hintayin pa diba?

Hindi din nagtagal ay inis siyang pumasok sa jeep at tumabi sa akin.

"Bessy, ang pogi nung guy."

"Yiii. Oo nga no? Ang hot niya. At mukhang rich kasi tignan mo yung uniform galing pa sa FUENTES ACADEMY."

"Ang gwapo ni kuya. Hihi"

Yun ang naririnig kong bulungan sa jeep.

Naiiling akong tumingin sa malayo. Sino ba naman ang hindi makakapansin sa itsura ni sir Kevin?

"Pakiabot ng bayad kay manong." Sabi ko kay Sir habang inaabot ang twenty pesos sa kanya.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Dalawa po manong." Sabi ko tapos siniko si Kevin para ipasa sa unahan ang pera.

"Nine pesos lang ang pamasahe. Kunin mo ang sukli pagkatapos." Utos ko ulit na mas lalong ikinakunot ni sir ng noo.

Hindi niya parin ibinibigay ang pera sa unahan. Ibinalik niya ang pera sa akin t'saka kumuha ng pera sa wallet niya.

1 thousand pesos?

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon