Chapter 31

5.8K 236 13
                                    

"OF COURSE I CARE BECAUSE, THAT CHILD IS REALLY MY SON, HAYLIE! MY SON TOO!"
Ganti niya. Napatda ako sa kinauupuan ko.

Kasabay non ang pagtulo ng mga luha ko. Alam niya na, well who am I deceiving? Hindi ko maikakaila ang anak ko. Anak ko na kamukhang kamukha ng ama niya. Hindi ko rin habang buhay na maitatago ang anak ko.

Hindi man lang sa itsura niya na feel na anak niya si Kenneth, siguro pati na rin sa lukso ng dugo.

"Why did you kept him all by yourself? Why didn't you bother tell me that I have a son to raise and to love? Anak ko yan eh! Mahal ko rin ang anak ko!" Sabi niya pa. I saw a tiny glitter on his cheeks before the car stops. Nasa parking lot na pala kami ng...

Mansiyon nila?

Hindi ko napansin yon ah? I was so lost to the point that I never noticed na papunta pala ito sa mansiyon nila.

Gabi na kaya't wala ng tao sa loob na pakalat-kalat.

"Dito na muna kayo matulog. I want to be with my son. Kailangan kong bumawi sa anak ko. Tatlong taon mo siyang itinago sa akin." Sabi niya bago marahas na pinunasan ang pisngi niya gamit ang palad niya.

So he cried.

Dahil ba nakonsensiya siya? O ako pa talaga ang sinisi niya na ako naman ang naagrabyado dito! Ako ang nagtiis. Ako ang nasaktan at ako ang niloko't pinaglaruan!

Dala ko ang anak ko at siya naman ang naghatid sa amin sa kwarto, kwarto ni Kevin.

Inilapag ko siya sa kama at inayos ang pagkakahiga. I removed my son's shoes together with his small polo kaya naging sando nalang at maliit na boxer shorts ang suot niya. Ang cute ng anak ko!

I kissed my son's forehead before I stormed out of the room. Binuksan ko ang dati kong kwarto.

It stays the same as before I left it. Bakit ako nasasaktan ngayon? Am I not over him? Naka move on na ako diba? Puro sakit nalang 'yong natira niya sa akin.

Hinubad ko ang damit ko at tanging bra nalang ang natira. Nahiga ako sa kama and rested for about five minutes.

I was about to get up when the door opened at walang anu-anong pumasok si Kevin.

Of course this is his place kaya he can do what he want.

Agad-agad kong tinakpan ang dibdib ko ng kumot.

"What do you need?" Cold kong sabi.

Diretso lang ang tingin niya sa akin at kunot na kunot ito.

"You're not answering my questions yet." Kunot noong saad niya pero ginantihan ko lang siya ng isang malamig na tingin.

"You met my son. You want to be with him and I don't complain. Kung gusto mo siyang makasama, hindi kita pipigilan. Huwag mo lang akong tanungin ng mga gusto mong itanong sakin kasi hindi ko pa masasagot yan ngayon! At wag na wag mo akong susumbatan ng ganyan kasi wala kang alam sa pinagdaanan ko! So please shut the hell up! Stop this bullshit! You can get your ass out of here now." Ma autoridad na sabi ko sa huli.

Tumayo ako kahit na makikita niya ang dibdib ko. Tahimik akong pumasok sa c.r at ini-lock ang pinto. Sumandal ako roon at ipinikit ang mga mata.

I'm strong. But what am I now? I am weak. Ang hina-hina ko ngayon. Ang anak ko, sasaya siya kapag nalamang may ama pa siya pero hindi madali ang posibleng mangyari eh. Hindi ko kayang ipakita sa anak ko ang isang totoong masayang pamilya.

***

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang iyak ng anak ko. Nagmadali akong bumangon at inayos ang sarili ko.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon