Magba-bar daw sina sir Kevin ngayon kasama sina Chris ngayong gabi. At ang plano ng gagong Chris na to na pupunta rin ako sa bar!
"Nay, mag s-sleep over po sana si Haylie ngayong gabi kasi may gagawin kaming project. Ayos lang po ba?" Paalam ni Frey kay nanay na paawa effect pa.
Jusko! Patawarin niyo po kami sa pagsisinungaling naming ito! Kung hindi lang dagdag points to sa pagpapaibig ko kay sir ay sana hindi ko na ginagamit sa pagsisinungaling ang kaibigan ko. Haaay.
"Ganoon ba? Oh sige basta mag ingat kayo sa byahe papunta roon ah?" Paalala ni nanay.
"Salamat nay." Tugon ko.
"Don't worry nay, ibabalik ko po ng buo itong anak niyo. Ako pa? Atsaka, hindi ko po gugutumin si Haylie. Maraming pagkain sa ref." Sabi ni Frey na ikinatawa ni nanay.
"Ikaw talagang bata ka! Oh sige humayo na kayo't pagabi na." Huling paalala ni nanay bago kami umalis.
Palagi kong sinasama si Frey dito sa mansiyon. Kilala na rin naman siya ng mga tao dito sa mansiyon kasi kamag-anak siya ni Kevin. At naging malapit na rin si Frey kay nanay.
***
"Wow, just wow! Haylie you looked like a seductress queen tonight. And my dress suits on your body. It's just so perfect on you." Natutuwang sabi niya.
Nakaharap ako sa salamin ngayon suot ang isang color red na dress na hapit sa katawan at medyo kita ang cleavage. May pares na isang five inches red stilettos. Nilagyan ni Frey ng makeup ang mukha ko para daw bumagay sa suot ko. Nakalugay ang unat na unat kong buhok.
"Sigurado akong ikaw ang pagtitinginan sa bar ngayong gabi." Positibong sabi niya.
Si Frey ay suot ang isang black na dress pares ang isang black na stilettos din habang nakalagay ng light makeup.
Dumating kami sa bar na tinutukoy ni Chris saka kami pumasok.
"Saang banda ba sina sir Kevin dito?" Tanong ko sa palinga-lingang si Frey.
"VIP lounge. Come on!" Sabi niya tapos nakahawak siya sa braso ko habang papunta sa VIP lounge daw.
"There they are! Oh Kevin! You're here!" Pa inosenteng bungad ni Frey.
Hindi nila ako nakikita kasi nasa likuran ako ni Frey.
Nag-uusap silang magpinsan nang tawagin ako ni Chris.
"Haylie! Dito ka sa tabi ko!" Agaw pansin na tawag ni Chris sa akin. Nagsitinginan na rin sa akin ang mga lalaki lalo na sa malapit sa table nina Chris.
"Hi!" Bati ko kay sir Kevin na napatingin din sakin pero agad nag bawi ng tingin nang batiin ko siya.
Tss! Ang tigas talaga neto. Kahit pa yata hubaran sa harapan ng babae ay hindi parin maaakit.
"You're seducing him already don't you?" Tanong ni Chris sa tabi ko kaya napangiti ako.
"Grabe, hindi naman yata tinatablan yon eh!" Reklamo ko.
Masasayang lang ba lahat ng efforts ko sa pang-aagaw ng pansin sa lalaking bato? Arrg!
"Chill. You're just starting." Pagpapagaan niya ng loob ko. Oo nga naman. Why don't I just continue the thrill he is waiting for a girl like me?
Mukhang napapa english na ako sa mga iniisip ko. Nababaliw na ba ako?
Wala akong lakas ng loob para gawin ang mga kahiya-hiyang ito.
"Come on. Drink this, pero walang kasunod ah? Baka malasing ka. Pandagdag lang ng confidence." Alok niya sa alak na hawak niya.
Madali kong inagaw yon at walang sabi-sabi na ininom ang laman nito.
BINABASA MO ANG
The Jerk & His MAID ( Completed )
AcciónA girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE...