Seryoso ko siyang tinitigan t'saka bumuntong hininga.
"Sa tingin mo nagbibiro ako?" Sabi ko.
"Alam mo bang mahirap ang gagawin mo, Haylie? Look, I'm just concerned towards you. You're too innocent to do that. I can't imagine you--courting a heartless stone like Kevin. I'm his friend and I know who he is. I know what he can do....to you." Sabi niya. Lahat nalang yan ang sinasabi sakin ng mga taong lubos na nakakakilala kay sir Kevin.
Ayokong itigil ang nasimulan ko na. Gusto kong tapusin to. Ang HAPPINESS na Tinutukoy ko.
"Okay. Okay. Alam kong sasabihin mo iyan, Chris. Pero liligawan ko parin siya hanggang sa siya na mismo ang sumuko at sagutin ako. Kailangan ko lang ng tulong mo. Ilakad mo naman ako sa kaibigan mo." Sabi ko na mas nagpailing sa kanya lalo.
"Hindi ko talaga inasahan ang gagawin mong to. Pero dahil gusto mo talaga siya, tutulungan kita. Teka, ako nalang kaya? Tayo nalang?" Suhestiyon niya na ikinagulat ko.
Namula ako ng tuluyan. Grabe, ngayon lang ako nailang ng ganito. Humahanga ba ako kay Chris? Kung pagbabatayan kasi ang ugali, mas gusto ko yong kay Chris. Pati naman sa itsura siguradong pasok sa tipo ng mga babae. Tapos mabait pa at mayaman din katulad ni sir Kevin.
"Hahaha. Sabi ko na nga ba't maniniwala ka. I'm just kidding around, Haylie. Gusto mo turuan kitang manligaw?"
"TALAGA?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Marahan siyang tumango na ikinatuwa ko.
"Kyaaah! Salamat talaga. Salamat!" Napalundag pa ako at saglit siyang nayakap sa tuwa.
"Gusto mo talaga siya no?" Narinig kong bulong ni Chris sa tenga ko na nakapagpa tayo ng balahibo ko. JUSKO! Ano bang ginagawa niya?
"Akala ko ba, ako ang nililigawan mo? Bakit ang kaibigan ko ang kasama mo? Tss." Sabi ni Sir Kevin sa likod ko bago kami iwan na nakasunod ang tingin sa kanya na papaalis habang nakapamulsa.
May napansin pa ako,
H-hawak niya yong box ng cookies ko. Tinanggap niya?!
"Tatanggapin lang pala eh, nagawa pang magpakipot." Naiiling na sambit ni Daren habang si Carl ay ngiting-ngiti.
"Anong nangyari doon?" Tanong ni Chris tungkol sa papaalis na si sir Kevin. Pero nagkibit balikat lamang ang dalawa bilang sagot.
"May laban tayo mamayang gabi." Pagbibigay alam ni Carl sa dalawa. Lumingon ako sa kanila na may pagtataka sa pinag-uusapan nila.
"Anong laban?" Nagtatakang tanong ko.
"Ha? Laban? May sinabi ba akong laban?" Balik tanong ni Carl sa akin habang siniko si Chris at siniko naman ni Chris si Daren.
Tungkol ba to sa gang nila?
"Ah, hehe. Wala yon, angel. Diba pare?" Sabi ni Daren kay Carl na sinang-ayunan naman ng dalawa.
"S-sige, may klase pa diba? Oh shoot! Late na tayo!" Tapos nagtakbuhan na yung tatlo at iniwan ako sa hallway mag-isa. Anong nangyari doon?
---
"You're bothered, Haylie. What's running on your mind?" Nakapangalumbaba pa siya habang titig na titig sa akin.
"Tsk. Nagtataka lang ako kung saan ginaganap ang laban na tinutukoy nina Daren." Nagtatakang tanong ko. Kanina ko pa iniisip. Posibleng matulungan ako ni Frey ngayon. Pinsan niya yon eh.
"W-what? Naku, Haylie...delikado don!" Sabi niya habang ikinukumpas ang mga kamay bilang pagtutol.
"Bakit? Akala ko ba ibibigay ko ang oras ko at susundan siya kahit saan? Bakit ngayon? Ang gulo mo ta---"
BINABASA MO ANG
The Jerk & His MAID ( Completed )
ActionA girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE...