"Tingnan mo nga naman, akala mo kung sinong yayamanin, alam kong inakit mo lang at pinikot si sir Kevin. Tsk.tsk." naiiling na sabi ni Suzette.Ang isa sa mga kasambahay rin dito na kasing edad ko rin siguro. Matagal na siya sa tatlong taon niya rito. Siya ang tumutulong sa paglilinis ng mga kwarto nina mada'am.
Ako kasi ang taga linis ng kwarto ni sir Kevin kaya laging naiinis at lagi akong tinataasan ng kilay ni Suzette.
"Suzette, hindi ako ang may gusto nito. Si mada'am ang nagpaayos sa akin." Sabi ko pero inirapan niya lang ako saka tumawa ng nangungutya.
Papunta na kasi sana ako sa dining area pero hinarang ako ni Suzette.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Wag ka nang magkaila Haylie, alam kong inutusan ka ni mada'am para paibigin si sir Kevin." Nakangisi niyang sabi.
Gulat ako sa narinig. Alam niya? Paano niya nalaman??
"Paano ko nalaman? Simple, narinig ko." Sabi niya tapos nilagpasan ako.
***
"Haylie, meet my nieces, Shiela and Tiffany. My nephews, Tyrone, Levi and Tristan." Pakilala ni madaam sa mga pamangkin niya.
Yung tatlong lalaki na sina Tyrone, Levi at Tristan ay isa isang nakipagkamay. Tahimik lang sa tabi ko si sir Kevin.
Si nanay Henya na kasama sa pagsisilbi sa mga bisita ay nalilitong patingin tingin sa akin at sa katabi kong si sir Kevin.
Mamaya ko na ipapaliwanag nay. Yan ang pahiwatig ng tingin ko kay nanay.
Naguguluhan siguro si nanay kung bakit ako kasali sa hapagkainan ng pamilyang Fuentes.
Ang dalawang babaeng mga pinsan ni sir na sina Shiela at Tiffany ay tipid lang na ngumiti tapos bumalik na sa pagkain.
"So where do you study, Haylie?" Tanong ni Tiffany.
"Sa F.A din." Sagot ko. Tumingin pa ako sa gawi ni Kevin at ganoon din naman siya.
"We're classmates, Tiff." Bored na sabi ni sir Kevin.
"And who are your parents? Are you somewhat a daughter of a known people in Business Industry?" Gatong naman ni Shiela.
Nabitawan ko ang kutsara't tinidor ko.
Ginigisa nila ako ng tanong.
Tanong na hindi ko masagot-sagot.
"Shiela stop. Don't ask my girlfriend like that." Malamig na sabi ni sir.
"Why? Tito, can you accept Kevin's girl who have nothing to be proud of? She is nothing but a maid!"
"I said stop, Shiela. I don't need a wealthy girl. I love her. Can you just shut up?" Galit na sigaw ni sir.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba? M-mahal niya ako?
"Don't expect too much. I am just defending you here." Bulong niya sa tainga ko.
Ouch.
"Don't speak harsh words in front of the foods darlings, mamaya na kayo mag away-away pagkatapos kumain. And to tell you all about my son and Haylie, they looked good together. I can't see any wrong about their relationship."
"We'll talk about this later honey." Tukoy ni sir William kay mada'am Layra.
Pagkatapos kumain ay naiwan kami sa sala pati ang mga pinsan ni Kevin. Nakakailang nga eh.
"Sorry sa kapatid kong si Tiffany. At kay Shiela, they're both brats." Bulong ni Tyrone sa akin.
Napangiti ako, hindi naman pala sila lahat ayaw sa akin.
BINABASA MO ANG
The Jerk & His MAID ( Completed )
ActionA girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE...