Biyernes ngayon at alam kong papasok ng maaga ngayon si sir Kevin.
Naligo ako at inayos ang laman ng bag ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto.
"O anak, napaaga ka yata ngayon? Siguro maaabutan mo pa si Sir Kevin. Makisakay ka nalang kung ayos lang sa kanya." Bungad ni nanay nang makalabas ako sa kusina.
"Talaga po?" Tumango si nanay kaya't tumakbo na ako.
"Bye po nay!" Habang iwinawagayway ko ang kanang kamay palabas. Nakita kong nailing lang si nanay sa pagmamadali ko.
"Sir, hintay. Sir!" Sigaw ko pero dire-diretso lang siyang magmaneho palabas ng gate.
Sayang! Libre na sana sa pamasahe. Walang puso talaga yon! Nakita nang makikisakay ako e!
Padabog akong lumabas sa taxi na sinakyan ko. Kailangan kong kumalma. Huminga ako ng malalim bago magsimulang maglakad papasok ng gate sa school.
Ngayon ko sisimulan ang panliligaw ko kay sir Kevin. Dahil galit ako sa kanya sa pang iiwan niya sa akin kanina, manliligaw ako sa ayaw at sa gusto niya!
Naglakad ako sa hallway at sumakay sa elevator. Hinanap ko sa 5th floor ang office ni Sir Kevin. Sa labas ay nakalagay ang KEVIN SETH FUENTES (OWNER). Sa katabi nito ay ang Presidential Office at kahilera ang iba pang offices ng staffs.
Kumatok ako ng tatlong beses na agad namang may sumagot ng pasok. Wala pa kasi sa labas ng room ni sir Kevin ang Assistant niya kaya't pumasok na ako sa loob.
Nakita kong nakaharap siya sa laptop na titig na titig at unti-unting nag angat ng mukha.
Bahagyang nangunot ang noo niya nang makita ako.
"What are you doing here, Miss Rivera?" Kaswal na tanong ni Sir Kevin. Tumikhim pa ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko bago mag simulang mag salita.
"Hi! Hehe." Awkward kong pagkakasabi.
Teka, anong sasabihin ko? Parang umurong kasi yung dila ko nang makitang nakakunot ang noo ni sir. Halatang hindi niya nagugustuhang nandito ako.
"Sir Kevin..."
"SPEAK!" Sigaw niya na ikinataranta ko. Napatalon ako sa sigaw niya.
Ganito ba pag manliligaw? Sobra-sobra yong kaba? Nakakapanginig. Grabe.
"P-pwede bang manligaw?" Nakayuko ako habang sinasabi ang labas sa ilong na mga katagang iyon. Hindi ako magaling magsinungaling pero napapansin kong magaling akong umarte.
"What the f@ck??!" Gulat na sigaw ni sir Kevin.
"What the hell are you saying, Haylie? Are you that stupid?" Sigaw niya ulit. Nagalit ko na yata ng tuluyan si sir. Pero hindi ko dapat sukuan to. SAYANG ang effort ni Frey sa paggawa ng steps. Sayang din ang nasimulan ko nang pangako kay mada'am Layra.
"B-bakit? Hindi ba pwede, Kevin?" Nanghihina kong tanong. Kailangan ko pa yatang galingan ang pag arte kasi hindi parin kumbinsido si sir.
Nakita kong napalunok siya.
"Are you hearing your words, Miss Rivera? Do you know who you are asking courtship? At nakakalimutan mo na bang BABAE KA? Kaya't gusto mong ibaba ang dignidad mo?" Sunud-sunod niyang tanong. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
"Bina-busted mo ba ako?" Saan ko ba nakuha ang mga pinagsasabi ko ngayon? Nakakasuka kasi.
Napanganga siya sa tanong ko. Hindi siya nagsalita kaya't inunahan ko na.
"Hindi mo ako ma ba-busted kasi sa ayaw at sa gusto mo, MANLILIGAW AKO!" Sabi ko tsaka nagmadaling lumabas ng office ni sir Kevin.
Pagkalabas ko ay saka na ako huminga ng malalim.
BINABASA MO ANG
The Jerk & His MAID ( Completed )
ActionA girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE...