Naaaninag ko mula sa malayo ang nagiging pagtutunggali ng dalawang lider ng gang. Sina Josh at Sir Kevin. Halatang nanghihina na si Josh sa laban.
Nakapalibot-libot sila sa gitna ng ring habang nakikita ko rin sa labas nito ang isang lalaking may masamang intensiyon sa isa sa naglalaban sa gitna.
"Don't." Pigil ni Frey habang nakahawak sa braso ko. Bakit hindi pwede? Nakita kong para kay Sir Kevin ang ipapatama nilang baril.
"Babarilin nila si sir ng walang kamalay-malay, Frey! Tingnan mo yon!" Turo ko sa lalaking malapit sa ring na pasimpleng kinakasa ang baril.
"Tapos ayon!" Turo ko parin sa kabilang bahagi ng ring. Katulad ng isa ay ganoon din ang ginagawa niya.
"Alam ko. Wag ka nang makialam. Kaya na ni Kevin yon. Baka mapahamak ka lang." Hindi niya parin binibitawan ang braso ko pero hindi parin ako nagpapaawat.
"Look Haylie. Alam nina Daren yan. Alam ng mga gangmates niya yan. Pero hindi sila nakikialam kasi may tiwala sila sa leader nila. So, stop it." Tsaka binitawan na ang braso ko.
Binalik ko ang tingin sa ring kasi lumakas na naman ang hiyawan ng mga tao.
Si Josh...
Si Josh ang natalo!
"Frey! Frey! Panalo si Sir Kevin! Panalo si sir!" Walang humpay kong niyuyugyog si Frey sa harap ko habang tuwang-tuwa sa nakikita.
Nagmadali akong lumapit sa labas ng ring habang nakasunod si Frey sa akin.
"It's not new to me and to all of people here in the underground Haylie. That's so common. He always win, he's always on top." Naiiling na sambit niya.
Biglang nawala ang saya at ang matinding pasasalamat sana sa amo ko. Tsk tsk. Kaya pala mukhang alam na alam na niya ang mangyayari.
"I have to go, Haylie. It's getting late na rin kasi. Baka hinahanap na ako sa bahay. Hmmm. You can ride on my cousin' s car nalang para masolo mo siya at maka score ka sa steps natin. Okay? Bye." Bineso niya ako t'saka naglakad palabas ng exit.
Naiwan akong nakatingin sa bugbog saradong katawan ni Josh. Hinanap ko sina sir Kevin pero nawala nalang sila bigla sa paningin ko.
Lagot! Wala akong kasama palabas sa magulong lugar na ito! Wala akong masasakyan pauwi.
Nanginginig akong hinahanap sa kung saan-saan si sir Kevin. Umuwi na kaya sila? Pati sina Chris wala na rin dito.
Aalis na sana ako sa kanina ko pang kinatatayuan nang may humawak sa braso ko dahilan upang mapatigil ako sa paglalakad.
"I saw you talking with top. So mind as well fight us tonight? You're even tough to compete for his attention girl. You have to be punished." Sambit ng isang babaeng halos kaedaran ko lang. Nakasuot siya ng lahat itim, pati lipstick niya itim din. Naka ngisi siya habang nakikitang natatakot ako sa kanya.
"Ha? Bakit ako m-makikipag laban s-sa inyo?" Nauutal na tanong ko kaya't mas lalong lumapad ang ngiti niya.
"Damn, stupid! Ugh!" Naiirita na sabi ng katabi niya. Apat sila lahat kaya wala akong nagawa para tumutol nang hilain nila ako paloob sa ring.
"A-anong ginagawa niyo? Bitiwan niyo ako!" Takot na sabi ko t'saka sila tumawa.
"You're pathetic. Didn't even thinking first what actually will happen upon talking to top. It's prohibited. Well, in my rules...stupid! "Nagsimulang magsigawan ulit ang mga tao sa labas ng ring.
Pero ang ipinagtataka ko lang, sinong top ang tinutukoy niya?
"Sinong top ang tinutukoy niyo?" Ngumisi siya ng nakapagpanindig ng balahibo ko.
BINABASA MO ANG
The Jerk & His MAID ( Completed )
AksiA girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE...