Chapter 23

5.4K 176 5
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan magmula nang makauwi kami galing sa Resort.

Isang buong linggo ko na ring hindi nakikita si Kevin. Abala panigurado 'yon ngayon sa kompanya nila.

Nami-miss ko na nga siya eh, bakit kaya hindi umuuwi yon dito sa mansiyon?

Nagsisisi na kaya siya sa ginawa namin sa resort? O iniiwasan niya talaga ako?

"Anak, nami-miss mo na siya ano? Hindi ko na yata nakita si sir Kevin magmula noong dumating kayo galing sa bakasyon." Puna ni nanay Henya.

Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti at tumango.

"Abala lang po siguro nay sa kompanya nila." Sagot ko. Yon naman talaga ang sabi niya sa akin dati diba? Na magiging abala na siya kapag nakauwi na kami dito sa maynila.

"Pero anak, ang sabi kasi ng tita Haireen mo ay umuwi si sir kevin kahapon noong oras na nasa pamamalengke tayo." Nagtatakang sabi ni nanay Henya.

"T-talaga?" Biglang nabuhayan ako ng loob sa ibinalita ni nanay.

"Pero si Suzette ang naririto kaya siya ang inatasang maglinis ng kwarto niya. Diba ikaw lang ang nakakapasok doon?" Nagtataka ulit na tanong ni nanay Henya.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon pero may kaunting parang kumurot sa dibdib ko.

Hindi niya man lang ako hinintay o di kaya'y hindi niya manlang ako hinanap?

***

"Gabi na pala." Sambit ko sa kawalan nang makitang ang dilim na pala. Sembreak ngayon kaya't palagi akong naririto sa mansiyon. Hindi pa man din napaparito ang mga kaibigan namin na sina Frey at yung tatlo. Paniguradong may pinuntahan pa silang lugar na mapagbabakasyunan.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina.

Isang nakaitim ang balot sa kanyang katawan ang nakita ko sa bandang dulo ng kusina.

M-multo ba yon?

Nailing ako. Hindi ba't puro puti ang multo?

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

Pati ang mukha niya ay may nakatakip na itim. Lumapit siya sa akin.

Isang metro ang layo niya sa akin nang hablutin niya ang braso ko.

"Agent Kataleya. It's nice to see you again!" Nakangising sabi niya at nanggigigil sa higpit ng hawak niya sa braso ko.

Pakiramdam ko ay bumaon na ang kuko niya sa balat ko.

"S-sino ka? Hindi Kataleya ang p-pangalan ko!" Nauutal sa takot na sabi ko.

Tumawa siya nang nakakatakot at naiiling na sabi,

"So, totoo nga ang sabi nilang the famous Agent Kataleya has an amnesia. Isn't great? It's all my advantage now right?" Tatawa-tawang sabi niya.

Bumunot siya ng baril at itinutok sa ulo ko.

"A-anong gagawin mo?" Kinakabahang sabi ko.

"It is your fault kasi hindi ka pa namatay, Agent Kataleya. Our team did all we can to kill you but, what a surprise? Buhay ka pa pala. Nakakatawa lang kasi hindi ka nakakaalala. Funny right?" Napasinghap ako nang kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril.

Kusang kumilos ang katawan ko sa pag depensa laban sa lalaki.

Hinampas ko sa mabilis na pagkilos ang kamay niyang may hawak na baril dahilan upang mahawakan ko ang baril niya.

Nag aagawan kami sa baril niya. Minsan natututok sa akin at minsan naman sa kanya kaya nang mapupunta ulit sa akin ay dinambahan ko na siya ng tuhod sa sikmura niya kaya napa igik siya sa sakit.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon