K2

8 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 2

Napapikit si Luna. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Awtomatiko siyang napamulat nang marinig ang pagbukas ng pinto.

"Ate," tawag sa kanya ng kapatid, si Caitley.

Tuluyan na siyang napaluha nang yakapin siya ng ina. Bumitaw rin ito sa kanya at naupo sa upuang kaharap niya. Hinawakan nito ang kamay niya. "Luna, sabihin mo na kung anong nangyari. Sinong gumawa nito kay Angel? Anong nangyari sa inyo noong gabing iyon? Sabihin mo na, anak parang-awa mo na nang malinis mo na ang pangalan mo."

Patuloy lang ang pagluha nila habang magkahawak-kamay. Samantala, nakamasid lang naman sina Cyrus at Hannah doon sa labas at inoobserbahan ang kilos ng mga ito. Kasama nila ang ama ng suspek na piniling huwag na lang pumasok.

"Hindi magagawa ni Luna iyon." Wika ng ginoo habang pilit pinipigilan ang pagpatak ng luha. "Parang kapatid na ang turing niya kay Angel. Siya ang laging pumoprotekta sa kababata kapag nabu-bully ito kaya imposibleng saktan niya si Angel. Angel is a very kind person, so sweet and lively."

"Pero hindi po natin malalaman kung anong tunay na nangyari hangga't hindi siya nagsasalita." Ani Hannah na nakatingin sa magkahawak-kamay na mag-ina.

"Hindi palasalita si Luna, pero alam kong sa mga oras na ito marami nang tumatakbo sa isipan niya at sasabihin niya rin iyon."

"Bukod po ba kay Angel may iba pa siyang kaibigan na maaari naming makausap?" usisa ni Cyrus.

"Hindi ko alam, wala siyang inuuwi o pinapakilala sa'min simula noong nag-aral siya hanggang ngayon. Hindi kasi siya kasing palakaibigan ni Angel at madalas lagi siyang nasa bahay."

"Introvert type." Sambit ni Cyrus.

"Hindi pa rin siya nagsasalita." Puna ni Hannah habang nakahalukipkip. Tumayo na ang ina at kapatid nito pero wala pa rin itong sinabi. Pinagbuksan sila ni Cyrus ng pinto.

"Kate,"

Agad naalerto ang dalawang pulis pagkarinig ng boses na iyon ni Luna. Lumingon ang tinawag. Hindi nila narinig ang sinabi nito pero naintindihan nila ang binigkas nitong mga salita.

"You okay?" tanong agad ni Hannah kay Caitley. Naiwan pa kasi itong nakatingin sa kapatid kahit na nauna nang umalis ang mga magulang.

"She didn't kill her."

"Pa'no mo naman nasabi?"

"Because she values life. Nagdo-donate siya ng dugo every year, active din siya sa mga outreach, volunteer doctor siya at libre pa siyang nanggagamot ng mga hayop na may sakit."

"Nanggagamot siya ng hayop? Akala ko ba Psychiatrist siya?"

"May tito kaming vet, siya nagturo kay ate kung paano manggamot ng mga hayop."

"You're sister is very talented." Nakangiting wika niya. Sinamahan niya na itong lumabas roon. Naabutan nilang magkakasama ang mga magulang nila. Tumingin sa kanila si Mr. Fiasco pero sa halip na sumama sa mga ito, naglakad na si Caitley palabas ng istasyon.

###

"Anong nangyari?" salubong agad na tanong ni Denver.

"Take care of mom, iyon lang ang sinabi niya." sagot ni Hannah.

"Inaamin na ba niya ang krimen?" ani Elle. "Para siyang nagpapaalam."

"Mahigpit rin ang hawak niya sa kamay ng nanay niya,puwedeng natatakot siya o humihingi ng kapatawaran sa ginawa niya." dagdag ni Hannah.

Kinuha ni Cyrus ang M.E. report. "A-huh? Look, cuts were precise and could have been made by surgical instruments. Ayon sa kapatid niya may practice siya ng panggagamot ng mga hayop."

"We already have solid evidences. Pero, wala pa rin tayong makitang motibo sa krimen." si Denver.

"Hmm..." napangalumbaba si Hannah.

"At ano ang nasa likod ng 'hmm' na 'yon?" tanong ni Elle.

"Kanina pagkatapos naming kausapin ang pamilya ni Luna, napansin ko lang na parang hindi masyadong malapit si Caitley sa papa niya."

Sumilip si Denver sa labas ng salaming bintana. Nandoon pa rin ang dalawang pamilya pero paalis na ang pamilya ng biktima. Sumabay sa kanilang umalis si Mr. Fiasco pero nagpaalam muna ito sa asawa. Si Caitley ay nandoon din pero nakatingin lang ito sa cellphone.

Lumabas si Denver ng silid pagkaalis ng mga ito at pinuntahan ang naiwang partido. Napatingin sa kanya ang mag-ina. "Puwede ka bang makausap sandali?" aniya kay Caitley.

Hinawakan ni Mrs. Fiasco ang kamay ng anak nang nakangiti, tanda ng pagpayag. Tumayo si Caitley at sinundan si Denver sa isang silid.

"Caitley, gusto ko lang tanungin kung kumusta ang relasyon ninyo sa mga magulang ninyo?"

"Mabuti naman, sir. Minsan masaya, minsan magulo, nagkakatampuhan pero nagkakabati rin naman. Typical family."

"Sa anong bagay kayo nagkakatampuhan?"

"Sa mga simpleng bagay, sa channel ng TV, pagkain sa ref, minsan pera, minsan sa achievements. At ayaw na ayaw ko iyong kinukumpara nila kami. I hate that."

"Kinukumpara? Kanino? Kayong magkapatid?"

"Alam ko namang mas matalino si ate sa'kin, hindi na nila kailangang sabihin."

"Minsan ba kinukumpara rin kayo sa iba? Sa kapitbahay, pinsan o kaibigan?"

"Minsan, pero kadalasan kay ate Angel."

"Anong sinasabi ng ate mo? Naiinis din ba siya?"

Nagkibit-balikat ito. "Minsan, pero hindi ibig sabihin nun na kaya na niyang saktan si ate Angel."

"Iyan ang hindi natin masisiguro lalo na kapag galit na ang kalaban. Some people commit crimes because of rage."

"No!" tutol ng dalaga. "Hinding-hindi gagawin ni ate 'yon! Mahal niya si ate Angel kahit pa lagi siyang kinukumpara sa kanya, kahit pa parang mas anak na ang turing sa kanya ni papa kaysa sa'min. Hindi niya iyon isinumbat kahit kailan. Malawak ang pag-intindi niya at mas mahaba ang pasensiya niya kaysa sa'kin kay imposibleng mananakit siya dahil lang sa galit."

"Caitley, may mga pangyayaring hindi natin lubos akalain at hindi lubos inasahan. Mahirap tanggapin pero nangyari na ang nangyari at maniwala ka ginagawa namin ito para sa mga ate mo."

###

Kabanata 2: The world may loathe you but my love is true, pieces of justice I will seek for in you my heart believes.

-

Case #366Where stories live. Discover now