Case # 366: Kabanata 28
"Ha!" napangiti si Lance pagkakita sa isang pintuan. Hindi na niya ininda ang mga sugat, pasa at ang mga baling buto sa paa at kamay. Mas binilisan pa niya ang paghakbang papunta sa nasabing pintuan.
###
"Nandito na kami." Ani Denver sa kausap sa teleponong si Elle habang nakatingin sa tila abandonadong gusali. Malaki ito at malawak, matataas na rin ang mga damo na umaabot sa kanyang tuhod.
"Sir, nasa Zackze pa po sina Cy at may nakita silang bakas ng dugo roon. Kapapadala ko lang po ng forensic team doon."
"Update me on the result."
"Yes, sir."
Ibinulsa na ni Denver ang cellphone at tumingin sa dumating na mobil ng pulisya. "We'll take the back, Ben. " aniya sa lieutenant pagkalapit ng isang grupo sa kanya. Tinanguhan lang siya ng kasama bago sila tumuloy sa pakay roon.
Narating nina Denver ang likurang pintuan pero nakakandado ito. "Back off." Aniya bago binaril ang kandado nito kasunod nito ang isang kalampag na lalong nagpaalerto sa kanila. Maingat at mabilis naman itong binuksan ng isang kasamang pulis. Pero, kadiliman ang tanging sumalubong sa kanila.
Kinapa niya ang flashlight sa tagiliran bago nanguna sa pagpasok ng lugar. Isa-isa nilang binuksan ang mga silid na naroon pero wala silang nakita kundi mga napabayaang mga mesa, upuan at mga double deck na higahan.
"Denver, you in?" rinig niyang tanong ni Ben mula sa nakakabit sa kanilang device.
"Oo, nandito na kami. Mukhang quarters dito ng mga empleyado."
Napalinga na lang sina Denver sa paligid nang biglang lumiwanag. "Kayo ba 'yon?"
"Someone from my group, yes that's us."
Mas naging madali kina Denver na pasukin ang mga silid roon pero wala silang nakitang bakas na may nanirahan doon. Narating na din ng grupo nila ang mismong trabahuhan ng gusali. Maraming makinarya at iba't-iba pang kagamitan sa pagsasaka ang nakatambak at hindi na naaalagaan doon.
"Police!"
"It's me." Ani Denver sa nasalubong na pulis. "Kami lang 'to."
"Sorry, sir." Paumanhin nito.
Sunod namang nagpakita ang lieutenant. "Anything?"
"Negative."
"I'm glad you're not hurt." Anito na ipinagtaka ni Denver.
Natawag lang ulit ang kanilang atensiyon ng tunog ng isang kadenang tila hinihila. Tinunton nila kung saan ito nagmumula at dinala sila nito sa isang blankong pader gawa sa kahoy. Tumigil ang tunog pero nagpatuloy itong muli. Nagsenyasan ang mga ito at pagkatapos ang bilang na tatlo ay sinipa na ng dalawang pulis ang pader, hindi ito tuluyang nabuksan pero may siwang itong ginawa. Inilawan iyon ni Ben at nakita niya ang kadena.
"Krisma PD? May tao ba diyan?" Anang isang pulis. Nag-antay sila ng tugon pero wala silang narinig. Tuluyan na nilang sinira ang pader. Sunod-sunod nilang pinasok ang madilim na silid.
Sinundan ng lieutenant ang kadena at sa ibang ruta naman si Denver.
"Don't!" pigil ni Ben sa kamay ng sumunod sa kanyang police officer pero umalingawngaw na sa lugar ang tunog ng pinutok nitong baril.
###
"Who? As in the question 'who'?" nakataas-kilay na paniniguro ni Elle. "Ring a bell, sir?" baling na tanong niya kay Dovan.
"Hindi ko rin alam." Anito na halatang napapaisip. "Who? Ibig ba niyang sabihin, who is he or she? Sinulat ba niya iyan bago pa niya dukutin si Lance?"
Napakibit-balikat si Hannah. "Puwede ring who is the killer? Who killed her?"
"Ang tanong niya ay 'sino'?" kunot noo pa ring sabi ni Dovan. "Hindi ko maintindihan."
"Well, wala talaga tayong maiintindihan sa isang salitang patanong pa."
"Bukod doon, sa pagkakakilala ko kay Luna, mas interesado siya sa 'whys' kaysa sa 'whos'. So why asked who?"
Nagkatinginan na lamang sina Elle at Hannah sa kawalang ideya sa kung anuman ang ibig nitong sabihin. Agad ibinaling ni Elle ang atensiyon sa tumunog na cellphone. "Sir."
"Kakatapos lang naming i-check ang lugar. Wala sila rito at mukhang hindi rin sila napadpad rito. Magtatanong-tanong lang kami sa ilang malapit na residente rito. Anong balita kina Cy at Ged?"
"Sir, nasa Zackze pa rin po. At may nakita silang note mula roon. Just a question who, sir."
"Anything on what does that mean?"
"Clueless pa rin, sir."
"Any possible location?"
"We're working on it, sir."
"Babalik kami agad pagkatapos namin dito. Anyway Elle, may makokontak ka bang vet diyan."
"Veterinarian, sir?" napalingon si Elle nang nakakunot-noo. "I think so, sir."
"Okay, sabihin mo may bago silang pasyente pagbalik namin."
"Y-yes, sir." Nagtataka pa ring sagot niya.
"Ano 'yon?" usisa ni Hannah pagkababa niya ng phone.
"Nagtatanong siya kung may vet dito, I suppose meron kasi ospital naman ito." Napatayong sagot niya. "At kailangan kong magbigay ng mensahe. Ikaw na munang bahala rito."
"Would that be a wild boar or a deer?"
"Don't know, maybe a lion."
###
Dismayadong napatingin ang lieutenant sa police officer na kasama. "Be alert, be quick but don't be in a rush."
"Sorry sir, nagulat lang po."
"Masyado kang kabado na hindi mo na narinig ang pagtahol niya."
"Wala po akong narinig."
Tinapik ng lieutenant ang balikat nito. "Be careful officer, who knows maybe next time it won't just be a dog."
###
Kabanata 28: Who will say whom is innocent whenthey who shall speak hath nothing to comment?sib?)?

YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...