K3

4 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 3

"Sir," salubong ni Elle kay Denver na noo'y pabalik na ng silid nila. "May nakuha kaming impormasyon mula sa ospital na pinagtatrabahuhan nila. They were both candidates for promotion."

"And Angel got the promotion."

"Yes, sir."

Isinara ni Elle ang pinto pagkapasok nila. "We ran through their academic records, and checked their social media accounts and it seems like they were the exact opposites. Angel is like getting all the good things while Luna is doomed."

"Kailan lumabas ang results ng promotion?"

"Last week pa po, sir."

"Any other recent stressor?"

"Whoa..." napatigil si Gedrick sa pagkalikot ng laptop. "Kasama na ba doon ang usapang kasalan?"

"Sinong ikakasal? Si Angel?" tanong ni Hannah.

"That's one. Na-engage si Angel sa boyfriend niya two days ago, a day after Luna's ex got married."

"I think we found the motive we're looking for." Ani Denver bago sila mapalingon sa pinto. Binuksan ni Cy iyon at tumambad ang isang kasamahang pulis.

"Sir, dumating po ang attorney ni Miss Fiasco." Balita nito. "Gusto niyang makita ang kliyente niya."

"I hope she gets a very good lawyer 'cause she won't get away with this." Iyon lang ang nasabi ni Denver bago umalis ang kasamahang pulis.

###

"Luna, kailangan kong malaman ang nangyari noong gabing iyon." Anang abogado, si Attorney Antonio Borja sa nakatulalang kliyente. Nasa pansamantalang piitan na sila sa mga oras na iyon at magkaharap na nakaupo. "Luna, nakikinig ka ba? Para matulungan kita kailangan kong malaman ang nangyari."

Naglabas ng papel at ballpen ang abogado. "Maaari mong isulat dito."

Kinuha iyon ni Luna, nagsimula siyang magsulat. Maya-maya pa'y tumigil siya sa pagsusulat bago pumatak ang mga luha niya sa sinusulatang papel.

"Kahit ako ay nagulat pero handa akong tulungan ka. Hinding-hindi kita iiwan sa labang ito anuman ang maging resulta." Alo nito sa dalaga.

Pinunasan ni Luna ang mga luha niya at ipinagpatuloy ang pasusulat. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na siya at ibinigay iyon sa abogado niya.

Pinasadahan iyon ng tingin ng abogado. "Luna, sigurado ka ba rito?"

"Opo, ninong." Sagot niya.

Napabuntung-hininga siya. "Hihingi ako ng tulong sa mga kakilala ko, pansamantala manatili ka muna rito. Huwag kang magbibigay ng statement kahit kanino."

Lumabas na ang abogado at iniwang nag-iisip ang akusado roon. Hanggang sa narinig niyang muli ang pagbukas ng pinto ng selda.

"Ate." Tawag ni Caitley at niyakap ito. "Sorry, ang tanga ko kasi. Dahil sa mga sinabi ko mas madidiin ka pa tuloy. Sorry, ate."

Hinagod ni Luna ang likod ng kapatid. "Tahan na, Kate. Papangit ka niyan sige ka. It's okay. I'm okay."

"Huwag kang mag-alala, tutulong ako sa pag-iimbestiga ng kasong ito."

Kunot-noong tumingin si Luna sa nakaunipormeng pulis na kasamang pumasok ni Kate. Nakangiti pa ito sa kanya na para bang magkakilala sila.

"Si sir Lance nga pala, kasama siya sa mga pumunta sa bahay ninyo ni Ate Angel."

"Kasama ako sa mga humuli sa'yo pero maniwala ka, wala sa isip kong ikaw na kaagad ang salarin. Marami na rin akong na-encounter na mga ganitong kaso kaya huwag kang mag-alala, hindi ako magiging bias."

Napatingin lang si Luna rito bago ibinaling ang atensiyon sa kapatid. "Mag-iingat ka palagi, okay? Huwag kang mag-iisa lalo na 'pag gabi. Be vigilant, be alert, and remember what I taught you. Aye?"

Hinawakan ni Luna ang kamay ni Caitley. Nababakas sa mukha nito ang pagkabahala. "Aye?"

"Aye, aye, captain..." iyon ang itinugon ni Caitley bago siya niyakap ni Luna.

"Sige na, may pasok ka pa. Ikaw na munang bahala kina mama, ha?"

Tumango si Caitley. "Mag-iingat ka rin dito. Dadalaw ako nang madalas." Nakangiting tumango si Luna bago lumabas ang dalawa. Pero bago pa tuluyang maisara ang pinto, may pumasok na mga pamilyar na tao sa silid.

"Miss Luna Fiasco, ililipat ka na namin ng kulungan. Naisampa na ang kasong murder laban sa'yo at marahil nasabi na sa'yo iyan ng abogado mo." Pagpapaalam ni Denver sa kanya.

"Wait!" pigil niya habang pinupusasan siya ng mga pulis na kasama ng mga nag-i-interrogate sa kanya. Tila nagulat pa ang dalawang opisyal sa pagsasalita niyang iyon. Sa loob kasi ng 24 oras na nakadetene siya ay hindi niya kinausap ang mga ito.

"Nasabi na sa'min ng abogado mo na may mga nakapiit dito na dati mong kliyente. Huwag kang mag-alala, hindi ka namin isasama sa kanila. We can't let you die without atoning for your sin." Ani Cyrus.

"Hindi iyon." iling niya. "Si Angel... Si Angel, naghirap ba siya bago siya mamatay?"

Nagkatinginan ang dalawang opisyal. Nagtataka sa pagtatanong nito ng ganoong bagay. "Why do you ask? You're a doctor, aren't you?" balik na tanong ni Cyrus. "Are you trying to play innocent?"

"Hindi, hindi po." Mariing tanggi niya. "Please, gusto kong malaman. Natuluyan ba siya kaagad?"

"Miss Fiasco, gaano ka ba ka-insecure kay miss Angel para patayin mo siya?" tanong naman ni Denver.

"Did I really kill her?" pigil ang mga luhang tanong niya.

"Sinusubukan mo ba kami, miss Fiasco? Lahat ng ebidensiya nakaturo sa'yo. Unless, may sasabihin kang mag-aalis sa'yo sa kasong ito pero sinasabi ko na sa'yo, malabo iyong mangyari." Ani Denver.

"Kung ako talaga ang pumatay sa kanya, hindi ko iyon itatanggi."

"Ilipat niyo na siya." Utos ni Denver bago sila lumabas ni Cyrus.

###

Kabanata 3: I am your friend in a crowd of deceit, I will keep you company until the end of this agony.

irationkF

Case #366Where stories live. Discover now