K19

2 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 19

"Ano? Saan siya tumawag?" tanong ni Denver kay Efin sa telepono.

"Sir, tumawag siya mula sa isang pay phone galing din diyan mismo sa ospital. Sa may parking lot."

"Sir, naka-ready na po ang CCTV footage." Tawag ni Gedrick na mula pa sa silid ng mga security guard. Ibinaba na ni Denver ang telepono at pumasok na rin sa silid. "Sa parking lot." Aniya.

Kinalikot ng guwardiya ang keyboard bago napunta sa video mula sa parking lot ang pinapanood. Noong una wala pang tao roon, pero ilang sandali pa ay may isang taong nakasuot ng sweater na grey at naka-hood ang pumunta roon. Hindi ito nagtagal at umalis din kaagad.

"Hm." Napaismid si Cyrus. "May benda siya sa kamay. Posibleng siya na nga 'yan."

"May iba ba kayong anggulo ng kamera?" tanong ni Denver.

Kinalikot muli ng guwardiya ang keyboard at muli nilang nakita ang hinahanap na palabas ng gate ng ospital.

Napakunot-noo si Gedrick. "Dumaan siya sa eksaktong ruta na dinaanan natin pero bakit hindi natin siya napansin? Hindi kaya may kotse siyang dala?"

"O baka napansin tayong parating at nagtago." Ani Cyrus.

"May malapit po bang bus station o sakayan dito?" tanong ni Denver sa guwardiya.

"Meron po pero kadalasan mga taxi, madalang ang mga bus o jeep. Ang mga empleyado naman kasi rito may kanya-kanyang kotse o tumitira sa malapit."

"Sarili nila o inuupahan?"

"Hindi po, sir. Pag-aari po ng ospital para sa mga staff ng ospital na malayo ang inuuwian."

"Saan ang building na 'yan?"

"May ilang metro lang po rito, samahan ko po kayo." Boluntaryo ng guwardiya. Sabay-sabay silang lumabas ng silid at naglakad palabas ng ospital. "Actually, hindi lang basta-basta building ang tirahan ng mga staff lalo na ang mga doktor. Mga mini-cottages ang mga iyon, for privacy."

Habang papalabas sila ay may nakasalubong silang isang pamilyar na tao. Tila nagulat pa ito nang makita sila. "Mr. Isla." sambit ni Denver. "Go on, ahead." Aniya sa mga kasama.

"Anong ginagawa mo rito, Mr. Isla? Tinawagan ka rin ba ni Miss Fiasco?"

Hindi kaagad nakasagot ang lalake dahil may parating na mga nars. "Good afternoon, doc." Bati ng mga ito na ikinakunot-noo ni Denver.

"Good afternoon." Payak na bati nito pabalik.

"Doktor ka rin? Akala ko ba nagbu-business ka?" buong pagtataka pa ring tanong niya. "Wala kang sinabi tungkol sa medical background mo noong imbestigasyon."

"Bumalik ako sa practice pagkatapos ng nangyari kay Angel."

"Nagtatrabaho ka rito?"

"Yes. Surgeon." Sandaling nanahimik si Denver. Napabuga naman ng hangin ang doktor. "Okay. Okay. Tumawag si Luna sa'kin para ibilin si Caitley."

"Hindi mo sinabi sa mga magulang niya?"

"Sinabi ni Luna mag-antay muna ako ng dalawa o tatlong araw. Make sure she's stable. We also kept it a secret from the police to keep her safe, the killer might come back for her if he learns she's alive."

"He?"

"Sabi ni Luna."

"Imposible 'yan, nagpakamatay ang partner niya noong gabing tumakas siya. Malamang pinatay rin siya bago tumakas si Miss Fiasco."

"Ano? Paano siya namatay?"

"Why do you care?"

"Sabi niya kasi, tatapusin na niya ang kaguluhang ito. No, the exact word she used was I will punish him. Pero kung ginawa niya na iyon bago siya tumakas, bakit kailangan pa niyang sabihin iyon sa akin? Hindi siya ang pumatay."

"Mr. Isla, siya ang prime suspect sa pagpatay sa fiancée mo pero wala ni isa sa inyo ang galit sa kanya. Bakit?"

"I was-" nabakas ang galit sa mukha nito pero pinalis niya rin iyon kaagad. "It was a shock. Galit ako pero paano ko siya sisisihin kung ni magulang nga ni Angel hindi siya masisi."

"Ano pang ibang sinabi niya?"

"She'll take responsibility." Natahimik ito sandali. "She left a knife on my doorstep."

"Asan na ang kutsilyo?"

"Sa locker sa office ko." Anito. "I checked the blood to see if it was Kate's."

"Was it?"

Napabuntung-hininga ito. "Yes, sir. It was hers."

Nabaling ang atensiyon nilang dalawa sa tumunog na cellphone ni Denver. "May nakita kayo?" napatingin si Denver sa doctor matapos marinig ang sinabi ni Cyrus. "Sige, pupunta ako."

"Mr. Isla, hindi ka lang kinausap ni Miss Fiasco sa telepono, hindi ba?" hindi na itinago ng doktor ang katotohanang iyon. "Kailan mo siya huling nakausap?"

"Kahapon lang. Nasa cottage ko siya hanggang umaga kahapon pero umalis din siya nang hindi nagpapaalam."

"At hindi mo kinontak ang pulisya kahit alam mong takas siya?"

"I didn't because I'm also a doctor."

"You gave her first aid." Hula ni Denver. "Saan sila galing?"

"Hindi ko alam."

"Mr. Isla, doctor rather, you are aware that you can be an accessory to a crime."

"I'm telling you, I don't know. Dumating ako sa cottage at nandoon na siya."

"Siya? Ibig mong sabihin dinala muna niya si Kate sa'yo bago siya dumeretso rito?"

"Si Kate?" naguluhang tanong ng doktor. "No, Kate is not with her. Siya ang binigyan ko ng first aid. Nalaman ko lang ang tungkol kay Kate pagkatapos ko siyang gamutin."

"Doc Justin!" humahangos na tawag ng isang nars. "Kailangan po kayo ni Doc Albert, Room 037."

###

Kabanata 19: It was a shame I could not name tomake a blame I could not claim.%

Case #366Where stories live. Discover now