Case #366: Kabanata 8
Nakatingin sina Denver, Cyrus at Elle sa nahuling suspek mula sa salaming bintana ng interrogation room. Nakaupo lang ito roon at halatang pinapanatiling kalmado ang sarili. May ilang sugat ang suspek sa kamay nito at may kaunting galos din siya sa kamay at mukha.
"Simulan na natin. Hannah, siguro naman handa ka nang umintindi ngayon." Biro ni Cyrus at binuksan na ang pinto.
"I'm still functioning very well."
"Sir, wala po akong kinalaman sa nangyari." Simula agad ng suspek na ipagtanggol ang sarili.
Ipinatong ni Cyrus ang folder sa mesa bago hinila ang upuan. Naunang naupo si Hannah sa kanya.
"Sir, ma'am, hindi ko po magagawa iyon. Hinding-hindi ko po magagawa iyon. Maniwala po kayo sa'kin."
"Mr. Ronaldo Lopez," inilabas niya ang litrato ni Angel Cortes. "Kilala niyo po ba siya?"
"Si Doktora, oo kilala ko. Sa fourth floor sila nakatira pero minsan ko pa lang siyang nakakausap."
Inilabas naman niya ang litrato ni Luna. "Siguro siya ang madalas mong nakakausap."
"Magkaibigan sila, iyon ang alam ko pero ni minsan hindi ko pa siya nakausap. Napakatahimik niyang tao at minsan nakakatakot siyang lapitan."
"Paano mo nasabing nakakatakot siyang lapitan?" tanong ni Elle. "Nananakit ba siya? Nambubulyaw?"
"Hindi naman po, ma'am. Pero minsan kasi nakakatakot tumingin sa mga mata niya. Para kasing handa siyang manakit anumang oras, na para bang wala siyang kinakatakutan."
"Nakita niyo na po bang manakit si Miss Fiasco ni minsan ng ibang tao o kahit hayop?"
"Hindi, po." Iling nito.
"Nanira ng gamit sarili man niya o hindi?"
"Wala po pero minsan narinig ko siyang pagbantaan ang isang lalake."
"At tungkol saan ang banta?" si Cyrus.
"Hindi ko alam, hindi ko narinig lahat pero sabi niya kung hindi daw titigil ang lalake, magsisisi daw ito."
Tumango si Cyrus. "Mr. Lopez, nasaan kayo noong gabing maganap ang krimen?"
"Umuwi ako sa amin dahil nagkasakit ang nanay ko."
"Umuwi ka pero nandito ka kinaumagahan at ikaw ang unang nakakita sa krimen. Anong ginagawa mo sa apartment ng magkaibigan?"
"Magtatanong sana ako kina doktora kung anong maaari kong gawin sa nanay ko dahil may kondisyon na ang nanay ko dala ng katandaan niya at wala akong ibang mahingan ng tulong."
"Sabi mo minsan mo lang nakausap si Miss Cortes, ibig sabihin hindi kayo sabihin na nating close, pero bakit hindi ka na lang tumungo ng ospital at doon humingi ng tulong? Bakit ka pa bumalik ng apartment kung pupuwede ka namang dumiretso na lang sa ospital ng bayan?"
"Dahil may kukunin din ako sa apartment ko."
"Kagaya ng?"
"Damit at ilang gamit sa trabaho."
"May nakakita ba sa'yong umalis?"
"Hindi ko po alam pero gabi na po noon nang matapos ako kaya baka tulog na silang lahat."
"O baka sinadya mong walang makakita sa'yo dahil hindi nila puwedeng makita ang gamit na sinasabi mo."
Nagsimula nang mabakas ang pagkabahala sa mukha ng suspek. "Hindi po, sir. Hindi po, maniwala kayo sa'kin, wala talaga akong kinalaman sa nangyari."
Si Elle naman ang naglabas ng mga litrato mula sa hawak na folder. Ang pader na puno ng hiwa, ang kusina at basurahang may lamang mga sunog na papel, ang bintana sa kusina at ang hagdanang nasa labas ng exit door sa kusina rin. "Ano sa tingin mo ang mga ito?"
"Pumasok kayo sa apartment ko?"
"Dahil walang nakakita sa'yong umalis." Sagot ni Cyrus. "Iyon ang naging pagkakamali mo."
"Sir, hindi ko po alam kung ano ang mga 'yan."
"Nakita ang rain coat mo pati na ang mga gamit mo sa archery sa ilog hindi kalayuan sa apartment, all confirmed by people who know you." Pakita niya sa iba pang mga litrato. "Nasaan ang laptop mo, Mr. Lopez? Wala silang nakita sa bahay niyo at wala din sa apartment mo. Anong meron sa laptop na iyon at kailangan mo iyong i-dispose agad?"
Napailing lang ang suspek. "Gusto ko ng attorney."
Napangiti si Cyrus. "You're asking that now?"
"Gusto ko lang makasiguro na magiging patas ang labanan sa kasong ito."
"Patas? O ang ibig mo bang sabihin ay gusto mong makausap si Miss Fiasco?"
"Did she say anything?"
"Scared?" tanong niya pero hindi natinag ang suspek. "Ikaw ba ang kasama niya sa pagpaslang kay Miss Cortes?"
Lumuwag ang ekspresyon nito at nakunot-noo. "Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi lang iisang tao ang pumatay kay Miss Cortes."
"Pa'no kayo nakakasiguro?"
"Dahil may ilang bagay na hindi kayang gawin ang isang babae."
Nanatili pa rin ang kunot sa noo nito. "At si Miss Fiasco?"
"Alam mo bang walang maalala ngayon si Miss Fiasco at sa kalagayan niyang iyon, maaaring mauna ka pang masakdal sa kanya? Alam mo ba ang background niya?"
"I want a lawyer."
"Ang pamilya niya ay binubuo ng mga abugado, doctor at pulitiko. Higit sa lahat, may mga kamag-anak din siyang huwes sa korte. Gusto mo ng attorney? Pa'no ka nakakasigurong magiging patas ang paghawak sa kasong ito." Nanahimik ang suspek pero halatang nagpipigil lang ito. "Sa kondisyon niya ngayon maaaring ituro lang sa'yo ang krimen at tuluyang makakalaya si Miss Fiasco. Pero ikaw? Mabubulok ka sa kulungan. Hahayaan mo lang iyon?"
Napailing si Elle at napabuga na lang ng hangin si Cyrus. "Alright, tapos na tayo rito." Anang huli at sabay silang tumayo.
"I'll confess."
###
Kabanata 8: Words do cut like a sword, biteslike a snake, sharp and venomous they turn to for survival's sake.le Saf
YOU ARE READING
Case #366
Misteri / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...