Case #366: Kabanata 27
"Argh!" pinigil ni Lance ang gumalaw matapos bumaon sa laman niya ang mga bubog mula sa sahig. "Damn that woman. Babalikan kitang hayop ka."
###
"Kumusta?" bungad na tanong ni Denver kay Elle.
"Sir, pabalik na po sina Hannah rito, hindi raw po nila nakita ang hinahanap pero nalaman nilang nag-order ng pang-dalawahang tao si Kate sa isang diner malapit sa apartment niya. Good for a week. Sina Cy at Ged nagpunta po sa isang communal forest to investigate."
"Si Miss Caitley?"
"Sir, stable naman po pero hindi pa rin nagigising."
"Alam niya kung saan natin siya hahanapin kaya iiwasan niya iyon." Anang lieutenant. "Saan pa kaya siya puwedeng magtago na hindi natin mahahanap?"
"Sa lugar kung saan hindi natin iisiping pupuntahan niya." ani Denver. "She's trained, well informed, she also have connections." Humarap siya kay Ben. "May mga kasama ba siyang Eaven na naninirahan malapit rito o on vacation?"
"Miss Cortes is the closest, Dovan, and there were only a few I know of. Pero tingin ko kung may tutulong man sa kanya, hindi magmumula sa'min iyon. Nakausap na namin lahat ng nakasama niya at minomonitor na rin namin ang ilan sa kanila. Wala pang palatandaan na kinontak niya ang mga ito."
Napaisip na naman si Denver."She's smart, where on earth could she possibly hide? Somewhere secluded, somewhere... Elle, na-check mo ba ang mga properties ni Lance?"
"Ang mga properties ni Lance, right." Agad bumalik sa paghahanap si Elle. "Ahm... Sir, may isa silang bahay kung saan siya nakatira ngayon. At sir, may ipinamana pa sa kanyang tatlong ektarya ng lupain sa Krisma, with a rice mill and granary. 27 kilometers away from the city."
"Sina Cyrus?"
"Sir, papunta po ng Zackze."
"Tawagan na lang natin sa daan. Tara na." tawag ng lieutenant. "I'll call my men to meet us there."
###
Nagmulat si Luna. Ramdam niya pa rin ang pananakit ng katawan mula sa pagkakabagsak ng mga kabinet sa kanya. Iniinda niya rin ang ilang sugat sa braso at sa hita niya. Sinubukan niyang itulak ang nakadagan sa kanyang kabinet pero hindi niya ito kayang itulak. Tinignan niya ang paligid, wala na si Lance, hinawi niya ang mga nakaharang sa may ulunan niya at unti-unting inalis ang sarili roon.
Napabuga siya nang marahas. "At may lakas pa pala ng isang 'yon." Kinuha niya ang cellphone sa isang vault na nakatago roon at tinignan kung nasaan na ang bihag. Ibinulsa na niya iyon pagkatapos. Mabilis niyang benendahan ang mga sugat bago kinuha ang baril. "It has began. I love mazes now more than ever."
Naglakad na siya palabas ng silid. May bakas ng dugo si Lance sa daanan kaya alam niya kung saan ito nagpunta kahit hindi niya gamitin ang GPS na inilagay niya rito.
"Base to Eaven. Eaven, do you copy?"
Napatingin si Luna sa radyo niya. Pinatay niya iyon matapos iparinig kay Lance ang gusto niyang malaman nito.
"Eaven—Luna, si Dovan ito. Please respond."
Natigilan si Luna nang marinig ang boses ni Dovan. Dumeretso siya roon at pinatay muli iyon. Lumabas na siya nang tuluyan sa silid pagkatapos.
###
"Wala na po, sir." Anang kasamahan ng Lieutenant kay Dovan. Nakabalik na sila sa ospital ng mga oras na iyon.
"May kontak ba kayo sa iba pang Eaven?"
"Sir, lahat po sila ay may kasong hinahawakan at kinausap na rin po namin sila pero wala raw nakakaalam kung nasaan si Luna. At tingin ko wala ring magsasabi sa kanila kung nasaan siya kahit pa alam nila."
"Ibig mong sabihin?" may pagkairita na tanong niya.
"Sir, lahat ng Eaven Paige ay independent agents. At bilang mga agents na humahawak ng mga confidential cases na sobrang delikado rin may mga sarili silang rules na sinusunod."
"Nonsense. They are law enforcers."
"This is personal now." Singit ni Hannah. "Hindi siya kumikilos ngayon bilang isang law enforcer kundi bilang isang nagluluksang kaibigan at kapatid. Plus, this is her case."
"Nasaan na si Lieutenant?" pag-iiba ni Dovan.
"Pumuntang Krisma with a possible lead." Sagot ni Elle. "Ged and Cy went to Zackze with the same motive. Both takes time to travel, no news yet." Pagkasabing-pagkasabi niya niyon. "Si Cy," pakilala niya sa tumatawag. "You're on speaker, Cy."
"Sabi ng Ranger na nagronda nitong linggo, hindi raw pumunta rito si Luna pero mag-iinspect na rin kami. Anong balita diyan?"
"Nandito na sina Hannah, sina Sir Denver nagpuntang Krisma, sa property ni Lance."
"Si Miss Caitley? Ang mga magulang niya, alam ba nila ang nangyayari?"
"Hindi. Wala silang alam pero siguro may hinala. But they're being monitored."
"Hindi pa nagigising si Miss Fiasco?"
"Hindi pa."
"Tatawag na lang ulit kami mamaya. Balitaan niyo kami."
"Sige."
"Hey, Han." Rinig nilang tawag ni Cy bago hinand-set ni Elle ang tawag. Inabot na lang ni Elle ang cellphone sa kasama.
"Yup?" sagot ni Hannah.
"How's the man on vacation?"
Napatingin si Hannah kay Dovan na kausap si Elle bago lumayo nang kaunti. "Wala naman siyang ikinikilos na kakaiba. Pero mukhang agitated siya sa nangyayari."
"Cy," rinig ni Hannah ang pagtawag na iyon, sanhi rin para hindi siya masagot ni Cyrus. "Ano 'yon?" tanong niya.
"May mga bakas ng dugo rito."
"Pagpapadala ako ng forensic team diyan."
"Hmm."
"At para saan iyon?" nagtakang tanong ni Hannah.
"May iniwan siyang mensahe."
###
Kabanata 27: Three lettersthat speaks words mums the mind that talks diverse.

YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...