K7

1 0 0
                                    


Case #366: Kabanata 7

Tumakbo si Elle papunta sa kinaroroonan ni Denver. "Sir," tawag niya.

"Excuse us." Paumanhin ni Denver sa mga magulang ng mga sangkot sa kaso at lumayo sila kaunti. "Hindi daw nila kilala ang lalake."

"Nahanap na nila siya, sir. Sa ngayon dinadala na siya papunta rito."

"Escort-an niyo agad papunta sa interrogation room."

"Yes, sir." Umalis na si Elle at bumalik naman si Denver sa mga kausap.

"Nahuli na po ba ang salarin, sir?" tanong agad ni Mrs. Cortes.

"Opo, ma'am, pero kailangan po muna namin siyang imbestigahan. Huwag po kayong mag-alala dahil ipapaalam po namin ang magiging resulta sa inyo. Maaari na po kayong umalis, alam ko pong inaasikaso niyo pa ang burol ng anak ninyo."

"Hihintayin ko siya." Matatag na sabi ni Mr. Cortes. "Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa iyon sa anak ko."

"Kung ganoon, maghihintay din kami." Segunda ni Mr. Fiasco. "Gusto kong makita ang hayop na iyon."

"Kung iyan po ang desisyon niyo." Walang magawang sabi ni Denver. "Maiwan ko muna kayo."

Pinuntahan na niya ang mga kasama na nasa opisina. Magkatabing nagbabasa ng files sina Cyrus at Elle samantalang kaharap ni Gedrick ang isang laptop at nanonood ng video footages. Si Hannah ay nakatanaw sa bintana habang nakahalukipkip.

"Anong oras makakarating ang suspect dito?" tanong ni Denver.

"Mga humigit kumulang isang oras po, sir." Sagot ni Elle.

"Hannah," napatingin siya rito pero sa halip na may iuutos siya ay iba ang naitanong niya. "Anong ginagawa mo diyan?"

Napalingon si Hannah at napangiti. "Sorry, sir."

Napakunot-noo siya. "Ano 'yon?"

"Wala sir, may naisip lang ako."

"If that's realated to the case, you can tell us."

Napabuntung-hininga siya. "Okay, hindi ito masyadong related sa kaso. Napansin ko lang na parang mas may pakialam pa si Mr. Fiasco sa nangyari kay Miss Cortes kaysa sa sarili niyang anak."

"Siguro malakas ang pananalig niyang maa-absuwelto ang anak niya sa kasong ito. Or maybe denial?" nagkibit-balikat na sabi ni Cyrus.

"I just find it unusual." Sabi na lang niya bago kinuha ang isang folder. "Kinumpirma nga pala ni Jess na ang sugat niya sa magkabilang braso, sa paa at tagiliran ay maaaring mula sa iba pang matulis na bagay bukod sa kutsilyo, smooth edge."

"Bagay tulad ng palaso." Pakita ni Elle ang litratong kuha ng mga kasamahan nila sa ilog.

"Ano namang dahilan niya para patayin ang biktima?" si Hannah.

"That, we will never understand." napailing na tugon ni Elle.

Napangiti siya. "Nasasabi mo 'yan kahit ilang taon mo nang ginagawa ito?"

Bumuga ito ng hangin. "Human behaviour is complex."

"Na kailangan pa rin nating intindihin."

"He was divorced, had a daughter who died four years ago." Balita ni Cyrus. "Isa siyang homebased online tutor at athlete at kasali rin sa isang Archery club."

"Homebased?" napatigil sa panonood na ulit ni Gedrick. "Wala akong nakitang laptop o desktop sa apartment niya."

"Baka iyon ang dahilan kung bakit nanahimik si Miss Fiasco, para magkaroon sila ng oras para sirain ang anumang ebidensiyang magpapatibay sa kaso laban sa kanila." Ani Denver.

"Saan sila nagkakilala? Sa Archery club o sa clinic?" tanong ni Elle.

"Either, pina-pull out ko na ang mga files nila sa clinic nila. Pagdating rito, Hannah take care of it."

"Yes, sir."

"Bakit di na lang silang tumakas na dalawa?" si Elle.

"Iyan ang aalamin natin pagdating niya." tugon uli ni Denver.

Napalingon sila sa may pintuan dahil may kumatok, binuksan din iyon ng taong kumatok. "Lunch anyone?" nakangiting sabi ni Jessica, ang Medical examiner nila.

"Nag-order na ako." Sagot ni Elle.

"Working lunch ulit?"

"Wala tayong magagawa, may mga bagay na kailangang asikasuhin."

"Talaga bang dalawa ang suspek?" usisa niya. "Nagtataka lang kasi ako, sa mga ganitong tandem, minsan may hesitation marks akong nakikita especially sa mga first kills pero sa kasong ito, wala. Akala ko nga isa lang talaga ang killer. Did the woman participate?"

"Siya ang may hawak ng kutsilyo. Pero maaari ring minimal lang ang participation niya at nanood lang siya the whole time." Sagot ni Cyrus.

"Baka ang hesitation mark na hinahanap mo ay ang mga may kalalimang sugat na gawa ng mga palaso." Ani Denver. "Ano pa lang sabi ng mga kasama mo tungkol sa rain coat and arrows?"

"Nada." Iling nito. "Walang bakas ng krimen. Wala silang makuhang impormasyon bukod sa may posibilidad na pagmamay-ari nga ito ng sinasabi niyong suspek as identified by some witnesses."

"Oo nga pala." Tumigil ulit si Ged sa panonood at tumingin sa mga kasama. "Miss Fiasco's ex is also an archer."

"Now that you mention it, umalis sila kinahapunan pagkatapos ng murder. Sinabi ko lang pero tingin ko he's the least to suspect right now."

"We still need to question him." Pagdidiin ni Denver.

"Nandiyan na ang lunch niyo." Napatingin sa isang lalakeng may dalang pagkain si Jessica. "Maiwan ko muna kayo crime busters. Kailangan ko na ring kumain at nang makapagtrabaho na rin mamaya." Paalam niya. "Sana ma-solve niyo na ang kasong ito para naman maka-rest-in-peace na ang biktima."

"Happy lunch, Jess!" tugon ni Hannah. "Happy lunch," ulit niya pagkakitang may isang pulis na dumating na may hawak na dalawang box.

###

Kabanata 7: Behind this mask I must ask, whatlies beyond those paper files?

Case #366Where stories live. Discover now