Case #366: Kabanata 13
"Kung hindi siya ang partner niya, sino?" tanong ni Elle.
"Kung nasa labas pa ang kasama niya, paano sila nag-uusap? Walang ibang bumibisita kay Miss Fiasco liban sa pamilya at abugado niya." ani Gedrick.
"Malamang nag-iingat ang mga iyon na mahuli, pero mag-uusap at mag-uusap sila. Ang tanong ay kung paano?" nag-iisip ding sabi ni Cyrus.
Napabuga ng hangin si Denver. "It's already late, uwi muna tayo at magpahinga." Anito. "Maaga na lang tayo bukas."
Nagsitayuan na ang mga ito at bumalik sa sari-sarili nilang mga mesa. Sabay-sabay na rin silang umalis ng opisina.
"My favourite team." Napatingin sila kay Lance na nasa tabi ng police mobil nito. "Discovered anything yet?"
"We're working on it." sagot ni Hannah. "Pauwi ka na rin?"
"Hindi pa. Magroronda pa ako. Sige." Paalam nito bago sumakay sa sasakyan.
"Is the love bug around?" pabulong na biro ni Elle kay Hannah.
"Umuwi na tayo." Sagot na lang ni Hannah.
"Mag-iingat kayo." Huling habilin ni Denver bago sila nagtungo sa kani-kanilang sasakyan.
###
"Hey, look at me. Look at me, doctor. There,"
"Please... Stop this, please."
"Hindi pa tayo tapos. Hindi pa."
"HINDI PA TAYO TAPOS."
"No!" napapitlag si Luna sa kanyang hinihigahan. Madilim ang selda pero nakikita niyang maliwanag sa labas ng bintana. Liwanag na galing sa buwan.
Bumaling siya sa kanyang kanan, kaharap ang malamig na pader. Nananaginip siya gabi-gabi, pare-parehong eksena.
"Kumusta ka na?"
Napalingon si Luna sa may rehas. Ngumiti ito sa kanya. "Doc." Anito.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Binibisita ka."
Naglabas ito ng kutsilyo na ikinabangon niya. "Anong ginagawa mo?"
"Hindi pa tayo tapos, dok."
Ikinagulat niya ang narinig na iyon. "Umalis ka na kundi sisigaw ako." Banta niya pero ngumiti lang ito. Hinawakan nito ang rehas at nabuksan iyon. "Tulong!" sigaw niya. Napatayo siya, nakapa niya ang librong ibinagay ng kapatid. Kinuha niya iyon bilang proteksiyon sa sarili. "Christine, huwag mong gawin ito. Nakikiusap ako sa'yo."
"Bakit ako makikinig sa'yo? May magagawa ba iyong mabuti para sa'kin?"
"Madadagdagan ang kaso mo kapag ginawa mo 'yan? Hindi ka ba naaawa kay Corrine? Madadamay siya rito."
"Wala na si Corrine, dok."
"Christine, huwag mong gawin 'to." patuloy niya sa pangungumbinsi.
"Ang alin, dok?" tanong nito. "Ito?"
"Huwag!" hindi na niya nagawang pigilan ang babae sa pagsaksak nito sa sarili. "Christine," dalo niya rito. "Bakit mo ginawa iyon? Tulong!" sigaw niya.
"Dok,"
"Christine, huwag ka nang magsalita." Pigil niya rito. Sa may sikmura ang tama nito. "Ipunin mo ang lakas mo, okay? Dito ka lang tatawag ako ng tulong."
Lumabas siya ng selda. "Tulong! Tulungan niyo kami!" tawag niya ng tulong sa pagkabilang pasilyo ng kulungan, nagbabakasakaling may guwardiyang makarinig.
"Dok,"
Napasinghap si Luna pagkapihit niya, bumagsak kasi sa kanya si Christine. Hawak-hawak na nito ang duguang kutsilyo. Tinanggal ni Luna ang jacket at ginamit para pigilan ang pagdurugo ng sugat nito. "Christine?"
"Dok, sorry po." Napaluhang sabi nito.
"Corrine?"
"Sinubukan ko siyang pigilan pero ayaw niyang magpapigil. Sabi niya kapag ginawa namin ito makakalaya na kami. Ayokong mamatay, dok."
"Hindi, Corrine. Hindi ka mamamatay, hindi ngayon." Tugon niya bago lumingon sa paligid. "Tulungan niyo kami!"
"Hindi pa siya tapos, dok." Napatingin si Luna sa babae. "Iligtas mo siya, dok." Mahigpit nitong hinawakan ang braso ni Luna. "Iligtas niyo siya."
"Corrine?"
###
"Vic's name is Corrine Alba, former patient of Miss Fiasco." Ani Elle kay Denver na kadarating pa lang doon.
"Paano siya nakalabas sa selda niya? Nakita niyo na ba ang CCTV footages?"
"Iyon ang inaalam namin sa ngayon, sir kasi walang nakitang kahit anong kakaiba sa mga CCTV footages. Hindi nakita roon si Miss Alba na tumakas at pumunta rito. Theory is, in-overpower niya ang lady guard na bantay, knock her down. Pagkatapos niyon ay pumunta ng kusina, kumuha ng kutsilyo at pinuntahan dito si Miss Fiasco."
"Pero wala lahat iyon sa footage?"
"Iniimbestigahan na po nina Gedrick at Cyrus, sir."
"Si Miss Fiasco?"
"Hindi po namin siya nakita kahit saan, sir. Nairadyo na po namin sa ibang mga istasyon, sir."
"Puntahan mo si Jess, kailangan nating malaman kung anong nangyari sa biktima. Si Hannah? Sabihin mo kay Hannah, kontakin ang pamilya ni Miss Fiasco. Pupuntahan ko lang si Mr. Lopez."
"Sir," pigil ni Elle pagkatalikod ng head. "May isa pa kayong kailangang malaman."
"Ano 'yon?"
"Sir, wala na rin po si Mr. Lopez?"
"What do you mean? Tumakas din siya?"
"Patay na po siya, sir. Suicide."
###
Kabanata 13: I kept an eye to everything comingby, no night to spare, and the darkness to fare.
YOU ARE READING
Case #366
Misterio / SuspensoStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...