Case #366: Kabanata 17
~
Simple puzzle: One night, a man receives a call from the police. The Police tell the man that his wife was murdered, and that he should reach the crime scene as soon as possible. The man drops the phone, shocked, and drives 20 minutes to the crime scene. As soon as he reaches the crime scene, the police arrest him and he is convicted of murder. How did the police know that he committed the crime?
~
"Anong nalaman niyo?" tanong ni Denver pagkabalik niya sa opisina nila.
"Sir, ang sabi sa report right hand ang ginamit ni Miss Fiasco para patayin ang kaibigan niya." ani Hannah.
"At?"
"Sir, left handed si Miss Fiasco. She may also be ambidextrous pero ginagamit lang niya ang kanang kamay sa pagsusulat, pagdating sa ibang bagay, sa archery, o sa mga physical activities niya, dominanteng kamay ang gamit niya. Nandito lahat iyon sa mga litrato nila."
"Anong iniisip mo?"
"Na baka, baka lang, sir, na hindi talaga si Miss Fiasco ang pumatay sa kaibigan niya. And that would explain the amnesia."
"What would?" tanong ni Gedrick pagkapasok pa lang nila ni Cyrus sa silid. Iyon lang kasi ang naabutan nila sa usapan. "May na-miss ba kaming importanteng bagay?"
"Me." ani Elle.
"Huh, what about you?" sabay na asar ni Cyrus.
"Anong nakuha niyo?" balik ni Gedrick sa usapan.
"Ambidextrous si Miss Fiasco pero mas dominante ang kaliwang kamay niya. Pero ang kutsilyo ay nakitang hawak niya sa kanang kamay."
"Spur of the moment?" ani Cyrus.
"Hindi, kung sa biglaang pangyayari, mas mangingibabaw ang paggamit niya ng dominanteng kamay." Si Denver. "Sinong unang dumating sa crime scene?"
"Si Mr. Lopez, siya ang nag-report ng nangyari. Then rumesponde ang mga nasa malapit na nagroronda kasama na sina Lance." Sagot ni Cyrus.
"Sa pamilya nila?"
"Sa pagkakaalam ko wala ni isa sa dalawang pamilya ang nakapunta roon. Teka, ang ibig mo bang sabihin ay isinet-up ni Mr. Lopez si Miss Fiasco para madiin siya sa kaso? Pero kung ganoon, paano niya nalaman ang nangyari sa apartment?"
"Asan na iyong mga litrato sa apartment nila?" Iniabot naman ni Elle ang nasa tabing mga folder sa kanya. In-scan niyang muli ang mga litrato mula roon. "Nandito pa ba ang mga Fiasco?"
"Yes, sir. Nasa conference room po sila. Dito na raw sila mag-aantay ng balita." Sagot ni Hannah.
"Kakausapin ko lang sila."
Lumabas na si Denver sa opisina nila at tinungo ang conference room. Napatingin kaagad sa kanya ang mag-asawa na nasa magkahiwalay na bahagi ng silid. Bakas sa mga mata ng ginang na kagagaling lang nito sa pag-iyak.
"Sir, may balita na po ba sa mga anak ko?" tanong ni Mrs. Fiasco.
"Hanggang ngayon ay inaalam pa namin kung saan sila maaaring magpunta. Pero ma'am, may gusto po sana kaming ihingi ng tulong sa inyo." Inilabas niya ang mga larawan mula sa folder at ipinatong sa mesa. "Mga larawan po ito galing sa apartment ng mga anak ninyo. May nakikita po kayong kakaiba? Iyong hindi niyo naman madalas makita kapag bumibisita kayo sa kanila."
Napailing ang ginang habang tinitignan ang mga litrato sa apartment nina Luna at Angel. "There's so much blood."
Ang ginoo naman ang tumingin sa mga larawang iyon habang ibinaling naman ng ginang ang atensiyon sa mga litrato sa apartment ni Caitley.
"May isa pa po palang bagay na gusto kong tanungin." Ani Denver. "Ambidextrous po ba si Luna? Nagagamit niya ang pareho niyang kamay sa pagsusulat o sa mga gawain niya?"
"Oo," sagot ng ginang. "Right handed siya kung magsulat pero sa ibang bagay left hand ang ginagamit niya."
"Something's missing." Anang ginoo na nakaagaw sa atensiyon ng dalawa. "Dito." Turo niya sa isang litrato sa sala kung nasaan ang TV at mga stuffed toys ng magkaibigan. "May isang purple na teddy bear dito."
"Sigurado po ba kayo?"
"Oo, sigurado ako. Nakita kong dala-dala ni Angel nang bumisita ako sa apartment nila. Bigay daw ng isa sa mga kapitbahay niya, araw iyon ng Pebrero, Valentines."
"Kilala niyo po ba kung sinong kapitbahay nila iyon?"
"Hindi. Hindi ko na tinanong."
"Bilib din ako sa'yo, alam na alam mo." Mapang-uyam na sabi ng ginang.
"Liza, hindi ito ang oras para pag-awayan pa natin ito."
Napabuga ng hangin ang ginang bago ibinalik ang mga mata sa mga larawan. "I'm actually surprised na maayos ang apartment ng batang iyon. Minsan sa sobrang pagka-busy niya sa pag-aaral, nakakaligtaan na niyang maglinis sa apartment niya. Ako pa minsan ang naglalaba para sa kanya o kaya ang ate niya."
"Ang ate niya? Nagagawa niya iyon kahit may trabaho siya?" tanong ni Denver.
"Nagba-bonding sila minsan tuwing weekends, by appointment kasi ang pagtanggap ni Luna ng kliyente kaya sabay din silang bumibisita sa bahay. Nagluluto pa nga-" natigilan ang ginang at tinignang muli ang isang larawan ng kusina. "Nawawala ang kutsilyo niya."
Tinignan na rin ni Denver ang sinasabi ng ginang pero may kutsilyo naman. "Anong klase po ng kutsilyo?"
"Medyo malaki, medium, na ang handle ay nalagyan ng maraming stickers." Nagsimula na namang mabahala ang ginang. "Hindi kaya-"
"Ma'am, huwag muna kayong mag-isip ng kung anu-ano. Hindi po tayo puwedeng mag-assume ng mga bagay-bagay, huminahon lang po kayo. Hindi kaya dinala niya ang kutsilyong iyon sa inimpake niya."
Umiling ang ginang. "Hindi po. Hindi niya dadalhin iyon kasi hindi naman namin iyon ginagamit panluto, ginagamit lang namin iyon panghiwa ng tinapay o cake. Please, sir hanapin niyo sila."
###
"May nawawalang teddy bear sa apartment ng magkaibigan at kutsilyo naman sa apartment ng kapatid." Balita kaagad ni Denver sa mga kasama.
"Anong kutsilyo?" kunot-noong tanong ni Cyrus. "Mukha namang walang nawala sa kusina noong nandoon kami."
"May palamuti raw ang hawakan. Ginagamit lang daw iyon sa mga tinapay at hindi sa pagluluto kaya hindi puwedeng dalhin ni Miss Caitley. Ang teddy bear naman, bigay raw kay Miss Cortes ng isang kapitbahay sa apartment pero hindi nila kilala kung sino."
"Sir," napapaisip na tawag ni Elle habang tinitignan ang isang folder. "Ito po bang kutsilyong ito ang hinahanap nila?"
Inabot ni Denver ang litratong ipinapakita ni Elle. Mas lalo siyang nagtaka. "San mo ito nakita?"
"Sir, iyan po iyong kutsilyo na hawak ng namatay nating preso."
###
Kabanata 17: Twisted fate or could it just behate, a might weakened by mistake what sacrifice would it take?reen\":6-�7N��
YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...