Case #366: Kabanata 23
[The night of Murder]
"Masyado ka yatang stressed, dok." Anang crew na lumapit sa mesa ni Luna. Iniabot nito ang menu.
"As usual."
"Si Dok Angie?"
"Nauna na siyang umuwi. Anong specialty niyo ngayong gabi?" tanong niya habang pinapasadahan ng tingin ang nasa menu. "Gusto ko yata ng Ramen ngayon, and hot choco."
"Parang iba yata ang panlasa niyo ngayon."
"Yup, young at heart." Nakangiting sabi niya. "And face."
Natawa ang crew. "Okay, dok."
Napabuga ng hangin si Luna pagkaalis ng crew. Inilabas niya ang resulta ng promotion. Hindi iyon alam ni Angel.
"May I share a table with you?" Agad napaangat ng tingin si Luna sa nagsalita. Ngumiti ito bago umupo sa bakanteng kaharap na upuan ni Luna. "Is this a celebration for your promotion?"
Napaismid si Luna. "I turned it down." Gulat na napatingin sa kanya ang lalake. "Hindi ko makakayang hawakan ang dalawang demanding na posisyon nang sabay."
"May bagong research?"
"Bagong hypothesis kaya kailangan kong mag-revise." Tumigil sila sa pag-uusap dahil dumating na ang order niya. "Thanks."
"Hindi ko alam na may bagong date ka pala, dok."
Natawa si Luna. "Hindi rin. Matagal ko nang sinukuan ito. Ilang taon ko ring niligawan pero ayaw akong sagutin."
"Hi, ako nga pala si Noemi. Puwede rin ba kitang ligawan?"
Lalong natawa si Luna sa gulat na ekspresyon ng kasama. Inabot ng lalake ang nakalahad na kamay ng dalaga. "Dovan Floyd Arte." Pakilala rin nito.
"Hindi ako maarte, kahit saang simbahan pakakasalan kita."
Nangingiti na rin ang lalake sa lakas ng loob nito. "I appreciate that, lovely, but all I want right now is a bottle of beer. Can you help me with that?"
"Okay, sir. Kahit with pulutan pa kung gusto mo." Anang crew bago ito tuluyang umalis.
"Ano bang tinuturo mo sa kanya?" tanong ni Dovan kay Luna.
"Ways to intimidate men like you." Biro niya.
"Balita ko ikinasal na siya."
Nangiti na naman si Luna. "Wala akong balak ikuwento sa'yo. Ano bang ipinarito mo? Huwag mong sabihing makikitsismis ka lang."
"Kakauwi ko lang para magbakasyon sandali bago ako masabak ulit."
"Ph.D.?"
Tumango ito. "So? Baka naman puwede mong sabihin sa'kin kung bakit tinanggihan mo ang promotion?"
"Ibinalik sa'kin ang thesis ko from eight years ago. Gusto nilang tapusin ko."
###
[Present day...]
Napalitan ng gulat ang bagabag na ekspresyon nina Cyrus at Gedrick nang makita si Denver sa lobby ng ospital dahil sa taong kausap nito.
"Sir," bati ni Cyrus sa bagong kasama sa pormal na tono. "Mabuti at nandito kayo, pupuntahan sana namin kayo kung hindi."
"Ipinahanda ko ang conference room, doon muna tayo." Ani Denver bago sila umalis roon at dumeretso sa naturang silid. "Siguro alam niyo na kung sino siya." Anito pagkasara niya ng pinto.
"Alam naming siya si Liutenant Arellano pero hindi namin alam kung isa rin ba siyang Eaven Paige o commander nito."
"Eaven Paige? Pa'nong napunta sa usapan si Eaven Paige?"
"Den," awat ng Liutenant. "Tingin ko umabot na kayo sa puntong iyon."
"Ibig mong sabihin, nandito ka hindi lang dahil sa isang pulis na nawawala kundi dahil kay Eaven Paige. Ikaw ba ang commander niya?" tanong ni Denver.
"Yes, I am." Pag-amin nito. " Malamang alam niyo na rin na hindi lang iisa ang taong gumagamit ng pangalang Eaven Paige."
"Who is Eaven Paige here, Liutenant?"
"Ang kaso ni Miss Doria eight years ago ay hinawakan ni Eaven Paige pero hindi lang ng isa kundi ng dalawa. At kilala niyo silang dalawa, magkaibigan sila."
"Miss Fiasco, too?" hindi makapaniwalang tanong ni Gedrick. "Sinasabi niyo bang isa itong set-up?"
"Si Miss Fiasco ang unang humawak ng kaso at noong magpunta ito ng Amerika ibinigay naman ito kay Miss Cortes na isang rookie. Bumalik si Miss Fiasco para sa isang rescue operation pero hindi na namin kinailangang ibalik ang kaso sa kanya. Nagpakamatay ang nag-iisang pamilya ng biktima, no foul play. Pero ipinagpatuloy pa rin ni Miss Cortes ang imbestigasyon."
"Nang ganoon katagal?" tanong ni Cyrus sa pagkamangha.
"It was not a top priority but it was in her list."
"Tumagal siya nang ganoon, ibig sabihin wala na siyang lead na nakuha."
"Ang murder case ni Miss Lopez ang nakapagbukas muli ng kasong iyon. Pero kagaya ng una, nawalan na rin siya ng lead. Hindi nga lang ganoon kadaling sumuko si Miss Cortes."
"Iyon ba ang dahilan kaya siya pinatay?"
"Noong na-engage siya, doon lang namin ibinalik ang kaso kay Miss Fiasco. At nangyari nga ang hindi inaasahan. Akala ko mabibigyang linaw na ang tungkol sa kaso pero mas lalo pa itong lumabo." Tila frustrated na sabi nito. "Any news on the missing police officer?" pag-iiba nito.
"Wala pa rin, Liutenant." Sagot ni Denver. Tumunog ang cellphone niya kaya naman hinayaan muna siyang sagutin ito. "Elle,"
"Sir, nag-send na po ako ng e-mail sa mga phones niyo tungkol sa pitong unsolved cases ng murder."
"Okay, salamat."
"Ang pinakaunang kaso ay ang Doria Murder Case eight years ago."
"Iyon ang pinag-uusapan namin."
"Sir, may nahanap po kaming record ng abortion niya before the murder. At sir, ang ex-fiance niya at ang unang respondent sa lahat ng crime scene ay si Lance."
###
Kabanata 23: In the face of unknown whatquestion would be thrown, if a whisper in the wind be blown what song therecould be to be drawn?ind on�

YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...