K10

1 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 10

"Kaya pala ganoon na lang ka-concerned si Mr. Fiasco sa biktima dahil anak niya ito. Tama ka, Hannah."

Sinulyapan ni Hannah si Elle na nakaharap sa laptop bago niya ipinagpatuloy ang pangingilatis ng mga files nina Angel at Luna. "Nakakagulat pa rin."

"Siguro iyon ang pangunahing motibo sa pagpatay kay Miss Cortes. Lagi silang pinagkukumpara, ang biktima ang tila ideal daughter, at ginawa lahat ni Miss Fiasco ang lahat to please them. They almost have the same interests and activities. Nalaman ngayon ni Miss Fiasco na kapatid niya pala si Miss Cortes at para parusahan ang tatay niya pinatay niya ito."

"At ang pagtanggal sa bahay-bata niya?"

"They could be saying that she's not worthy to have a child since she's a product of a forbidden love affair."

"Kumusta ang paghahanap?" tanong ni Denver pagkapasok niya sa opisina.

"Hindi naging pasyente ni Miss Fiasco ang suspek. Mga files na ito ni Miss Cortes." Sagot ni Hannah.

"Kumusta sila?" usisa ni Cyrus, tinutukoy ang pamilya ng biktima. Tinutulungan niya si Hannah sa paghahalungkat ng mga papeles.

"Alam ni Mr. Cortes na hindi niya anak si Angel pero tinanggap niya pa rin ito dahil alam niyang hindi niya mabibigyan ng anak ang asawa, ang mas nangangailangan ng adjustment ngayon ay ang mga Fiasco. Sila ang nag-aabsorb ng shock sa rebelasyong iyon."

"Kaya pala hindi rin nila masisi si Miss Fiasco dahil may ganoon din palang lihim." Ani Gedrick.

"Ang sabi natin sa pares na ito si Mr. Lopez ang dominante pero kanina parang hindi ko makita iyon." Ani Elle. "Para silang naglalaban na dalawa."

"Dahil walang maalala si Miss Fiasco?" hula ni Gedrick. "O baka parehas silang dominante, rare type."

"Noong unang dumating si Mr. Lopez, nagmamakaawa pa siya, takot at hindi alam ang gagawin. Hindi siya iyong kagaya ng taong kayang kontrolin ang sarili o pangunahan ang iba. Pero bigla siyang nag-iba noong nalaman niyang maaaring maabsuweldo si Luna. He confessed, but why?"

"That only proves na siya ang dominante sa grupo." Punto ni Elle. "He's punishing her for forgetting. Hindi siya babagsak mag-isa."

"Pero sa ganoong ka-stressful na sitwasyon mas kontrolado si Miss Fiasco habang naging emosyonal kaagad si Mr. Lopez." Si Denver naman ang nagsalita. "Noong inaamin niya ang ginawang krimen, umiyak siya na para bang naaawa siya sa biktima."

"Kung naaawa siya bakit siya ang tumakas at si Miss Fiasco ang naiwan?" tanong ni Hannah.

"Dahil may itinapon pa siyang ebidensiya." sagot ni Elle.

"Isipin niyo ito, lahat ng fingerprints at ebidensiya nakaturo kay Miss Fiasco making her the prime suspect. Nagawa niyang umalis para sirain ang ibang ebidensiya pero bakit sa malapit lang niya itinapon ang iba pang ebidensiya na agad magdadawit sa kanya sa kaso? Bakit di na lang niya dinispose sa ibang lugar?" pag-aanalisa ni Cyrus.

"Dahil nagmamadali na siya. Nag-panic noong hindi na niya makontrol si Miss Fiasco." Sagot ni Elle.

"Why not just kill her and make it look like suicide? Mahalaga ang kontrol sa katulad niya pero bakit hinayaan niyang mabuhay si Miss Fiasco gayoong hindi na niya ito makontrol at maaari pa siya nitong isuplong?" Nagkatinginan silang magkakasama. "Walang ebidensiyang magtuturo sa kanya, patunay lang iyon na matalino siya, hindi siya basta-basta magkakamali. Kaya bakit siya nahuli?"

"Parang sinasabi mong hindi dapat siya mahuli." kunot-noong tanong ni Hannah.

"Ang sinasabi ko, madali lang siyang mawalan ng kontrol at madaling mag-panic, hindi niya kayang planuhin ito."

Napatango si Hannah, napagtanto niya ang ipinupunto nito. "He's the submissive partner."

"Pero noong bandang huli ng pag-uusap namin, nag-iba siya. He dropped the honirifics and he took control of the situation. It doesn't make sense if he's the submissive one." si Elle.

"Dahil marahil wala na itong kontrol sa kanya, dahil sinabi nating wala na itong maalala at napagtanto niyang ginagamit lang siya nito. Bago pa man siya tuluyang madiin, inamin na niya ang krimen nang sa ganoon pareho silang makulong." Ani Gedrick.

"Nagpahuli si Miss Fiasco pero nag-iwan siya ng clue na may kasama siya. Ngayong nahuli ang kasama niya, ito ang nagsiwalat sa krimeng ginawa nila. Sinadya ba nilang magpahuli? Seriously? Anong laro ang nilalaro nila?" Paglalabas ni Elle ng saloobin.

"Siguro sinusubukan nila ang kakayahan natin." Hula ni Hannah bago isinara ang huling folder na hawak. "Wala rin akong makitang pangalan si Mr. Lopez sa files ni Miss Cortes."

"Or..." nakatutok si Elle sa screen ng laptop. "Sinusubukan nila kung makakatakas ulit sila sa kasong ito. Guys," tawag niya sa mga kasama. "Four years ago, may isang babaeng natagpuan sa loob ng isang sasakyan sa Quadron Highway. May 16 stab wounds, possibly sexually assaulted at,"

"Tinanggalan din ng bahay-bata." Hula ni Cyrus.

"Copy cat ba ito ni Jack the ripper? Napakasadista." Patuloy ni Elle sa pagbabasa. Natigagal na naman siya sa sumunod na nabasa. "Ni-report ito ng magkapatid na Fiasco. Aksidente raw nilang nabangga ang kotse at akala nila sila ang nakapatay pero turned out hindi sila kaya hindi sila kinasuhan, sila ang naging witness."

"Nahuli ba ang pumatay?" usisa ni Denver.

"Walang nahanap na ebidensiya sa lugar. The case went cold."

"Until it happened again. Siguro dapat na rin nating isali ang kasong 'yan sa imbestigasyong ito. Sino ang biktima?"

"Ang pangalan ng biktima," pinanatili ni Elle ang mga mata sa screen na para bang sinisiguro kung tama ang nakikitang pangalan. "Leah Lopez."

"Lopez?" react agad ni Cyrus.

"Anak ni Mr. Ronaldo Lopez."

Napanganga si Hannah at kahit ang iba ay saglit na natigilan. "That explains why there are no hesitation marks. This is not their first kill." Ani Hannah.

"Kakausapin ko si miss Caitley." Napatayong sabi ni Cyrus.

"Research more on that." Utos ni Denver kay Elle. "Hannah, samahan mo ako. May mga tao pa tayong kakausapin."

"Yes, sir." Napatayo na ring sabi ni Hannah.

###

Kabanata 10: Those eyes were cold but they havejust told, in the road that's dark a light of hope will spark.    

Case #366Where stories live. Discover now