Case #366: Kabanata 15
"I'm sorry, sir. Hindi ko po nakita ang parteng iyon ng file niya." paumanhin ni Elle sa head nila pagkabalik nila ng opisina.
"It's okay." Anito. "Kahit ako hindi ko napansin iyon. We better look closer into these files again, we might have missed something."
"Yes, sir."
"Kailangan din nating tignan ng ibang anggulo ang pagkamatay ni Mr. Lopez. Ngayong lumalabas na ang ilang impormasyon, baka may makita rin tayong iba pang ebidensiya kay Mr. Lopez. It may not be suicide after all."
"Sir, hindi ko po makita si Lance. Ang sabi nasa duty pero hindi ko rin po makontak sa cell niya o sa radio niya." balita ni Hannah pagkabalik nito sa opisina nila.
"Ang partner niya?"
"Mag-isa lang po niyang umalis, sir. Kadarating lang ng partner niya kani-kanina lang. Late."
"Saan ang ruta nila ngayon?"
"District 2, sir."
"Any words from Cy and Ged?"
"Nakausap ko sila kanina, sabi nila wala raw sa bahay nila si Miss Caitley kaya itinuro sila ng mga magulang nito sa boarding house niya. Tatawag din sila to update, iyon ang sabi."
"Bakit ba ang taong 'yon wala kung kailan kailangan?" halos pabulong na sabi ni Elle.
"He's doing his duty." Tugon naman ni Denver. "Let's start reviewing our profile for now."
"Review?" nangunot-noong ulit ni Hannah. "Bakit? May bago ba kayong nalaman?"
"May Split PD ang pasyente ni Miss Fiasco." Sagot ni Elle.
Napatango si Hannah. "Multiple personality? Kung ganoon nga, puwede kayang iba ang persona na nagbalak patayin si Miss Fiasco at iba rin ang sumaksak sa namatay? Kaya may bakas ng dugo ng dalawa sa crime scene."
"Iyon ang isang posibilidad. Pero ang mas malaking tanong, sino ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon at paano nila naisakatuparan ang plano nilang pagtakas sa suspek?"
Umupo si Elle bago binuksan ang gamit na laptop. "In that case, I have to widen my search to other related stabbings in the area."
"Keep in touch with Efin. Baka sakaling may mag-overlap sa research ninyo. Include those robberies or home invasions with related incidence of violence."
"Yes, sir." Ani Elle bago tinawagan si Efin.
"Hannah, iyong mga files ni Miss Fiasco, nandoon din ba ang folder ni Corrine Alba?"
Napaisip ito. "Sorry, sir pero wala akong matandaan sa mga na-scan ko." Agad nitong tinungo ang mga boxes doon sa gilid ng mesa nila. "Pero baka nasa mga files na na-scan ni Cyrus." Anito habang kinakalkal ang box.
Tinungo ni Denver ang white board na ginagamit nila. Nandoon pa rin ang mga inaanalisa nilang mga ebidensiya at ang mga larawan ni Miss Fiasco at Miss Cortes. Nandoon rin ang mga larawan mula sa kaso ni Miss Lopez.
"Why kill someone close?" naibulong niya.
"Sir, nakita ko na." balita ni Hannah bago binuklat ang folder. "Yes, sir. Na-diagnose siya ng Multiple Personality Disorder way back 2009, nanatili siya sa psych ward ng ilang buwan hanggang sa i-clear siya to stand trial and was released from the institution."
"Sabi ng kamag-anak niya may napapansin na silang kakaiba sa kanya nitong nakaraang mga araw lang. Bakit hindi nila sinabi sa mga pulis?"
"Excuse me, sir." Napalingon sila sa kumatok sa kanilang pinto. Ang partner ni Lance. "Sir, susundan ko na po siya sa patrol area namin. May ipapasabi pa po ba kayong iba?"
"Papuntahin mo na lang siya rito." Anito.
"Yes, sir."
"At next time maaga kang pumasok." Pahabol niya na tila ikinahiya ng pulis. Bahagya itong napatango bago umalis. Ibinalik naman niya ang tingin sa mga larawan. "Two different women, two different location, why go public to private?"
"Not really private. Kung ikukumpara natin ang nakukuhang atensiyon ng kaso ni Miss Cortes, mas malaking balita ito kaysa sa nakaraan." Ani Hannah. Nakapa niya ang bulsa at sinagot ang dumating na tawag. "Hindi, wala pa kaming balita mula sa kanya."
"Nandito na kami sa apartment ni Miss Fiasco pero walang tao. Sabi ng landlady may pinuntahan raw na community outreach at tatagal iyon hanggang bukas. Nandito na kami sa university nila para alamin kung saan sila nagpunta." Balita ni Cyrus.
"Sige, balitaan niyo na lang kami." Aniya at ibinaba na ang cellphone. "May outreach daw po sina Miss Fiasco kaya wala rin silang nakuhang impormasyon." Paalam niya sa mga kasama.
"Talk about timing." Nasambit na lang ni Elle.
"I think I have something else." Ani Hannah. "Look at these," abot niya kay Denver. "Pirmado ni Miss Cortes. Pero ang files na 'yan ay pag-aari ni Miss Fiasco. Bakit si Miss Cortes ang pumirma? Nasan si Miss Fiasco?"
Tumingin si Denver sa kanya. "I'll call the building management." Sabi na lang niya. Napailing na lang si Elle na nagingiti na rin. "Focus, Hannah."
"Ha-ha." Biro nito sa kanya.
Tumingin na naman si Denver sa white board. Nabaling lang ang atensiyon niya nang tumunog ang cellphone niya. "Sigurado ka? Okay, sige, papunta na ako diyan. Secure the area."
Kasabay ng usapan nina Denver ang pagtunog din ng cellphone ni Elle. "Hey," sagot niya. "Sorry, medyo busy ngayon. Uh-huh, sige."
"Si Bardon, nakita niya ang police mobil na gamit ni Lance. Wala si Lance but a broken window and a trace of blood. Pupunta ako doon. Ano pa lang sabi nina Cy?"
"Miss Fiasco didn't go to the outreach."
"At isa pa," tawag-pansin ni Hannah. "Ayon sa attendance log ng building nila, hindi pumasok si Miss Fiasco ng ilang buwan sa clinic nila. They think she was on a seminar those months."
Muling binuklat ni Denver ang folder ng pasyente. "Si Miss Cortes ang umasikaso sa kliyente niya noong mga panahong iyon. Walang pirma si Miss Fiasco."
###
Kabanata 15: I left a pain and a tear would soonwane. I left a heart broken and a piece I hope be not forsaken.E'
![](https://img.wattpad.com/cover/81719427-288-k345150.jpg)
YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...