K22

1 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 22

Nagising si Lance. Nakatali pa rin ang mga kamay at mga paa niya sa silyang nagsilbing kaibigan niya sa loob ng hindi niya matukoy na araw o oras. Nakatapat pa rin ang nag-iisang bumbilya ng ilaw na nagsilbing liwanag niya sa madilim na silid na iyon.

"Doc, nandiyan ka pa ba?" mahina siyang natawa. Wala siyang makita, hindi lang dahil sa madilim ang paligid niya kundi dahil namamaga na ang kanyang kanang mata. "Kahit hindi ka magsalita, alam kong ikaw 'yan doc."

"Come on, Doc. Don't tell me, this is all you can do? Hindi ko alam na madali ka lang magpatawad." Naagaw ang atensiyon niya ng dumausdos na folder sa paanan niya. Isang pamilyar na litrato ang nakita niya na nakaipit kasama ng mga papel. "Oh... Nalaman mo na rin? Ang dahilan kung bakit namatay ang kaibigan mo."

"Sino ba talaga ang hinahanap mo?"

Nangiti si Lance na sa wakas ay narinig niya ang boses nito. "Hi, doc."

"Sino siya?"

"Hindi mo ba talaga alam, dok?"

"Tingin ko, ikaw ang hindi nakakaalam."

"Ano nang gagawin mo? Irereport mo ba ito sa mga kasama ko?"

"You murdered your ex-fiancée and was not prosecuted. Doon mo ba unang naramdaman ang tuwa sa atensiyong ibinigay nila sa iyo at sa krimeng ginawa mo?"

Nangiti ito. "Until she came." May galit na gumuhit sa duguang mukha nito. "Sa isang iglap lang. Sa isang iglap lang, nakuha na niya kaagad ang atensiyon ng lahat."

"Isa bawat taon, isa sa tuwing ikaapat na taon."

"Kailangan kong makuha ulit iyon. Kailangan kong bawiin iyon pero inagaw mo na naman sa'kin iyon! Dapat pala pinatay na rin kita noong gabing iyon. Kagaya ng pagpatay ko kay Eaven Paige."

"Sino si Eaven Paige?"

###

"Nandito po lahat ng CCTV footages na nakuha noong araw na sinabi ninyo, sir." Anang guwardiya ng isang bahay na napuntahan nina Cyrus at Gedrick.

"Salamat." Si Gedrick ang naupo sa harap ng computer at nangalikot roon. Nag-fast forward siya para mabilis na mapanood ang buong kuha. Wala masyadong movement silang nakita sa mga kuha bukod sa dumaraang mga residente at ilang pampublikong sasakyan. Itinigil lang niya ang video nang may makitang isang sasakyan na dumaan.

"Bakit?" usisa ni Cyrus. Tinignan niyang mabuti ang sasakyan sa screen. "Sir, pamilyar ba ang sasakyang ito sa inyo?" tanong niya sa guwardiya.

Umiling ito. "Hindi po. Ngayon ko lang nakita ang sasakyang 'yan dito. Sa tagal kong naninilbihan rito, memoryado ko na ang mga sasakyan ng mga tagarito luma man o bago, pero hindi ko pa nakita ang isang 'yan."

"Sabi ko nang medyo kakaiba ang itsura ng sasakyang ito para mapunta rito." Kinunan ni Gedrick ng larawan ang video at sinubukang palakihin ang imahe ng driver. "At mukhang tama ang hinala ko."

"Ano 'yon?"

"Iyong driver kamukha ni Liutenant Arellano, Army."

"Army? At anong ginagawa ng isang mataas na opisyal ng army dito?"

"Nabanggit mo si Eaven Paige kanina."

"Oo, tinatanong ni Hannah."

"Hindi kaya hawak din ito ni Eaven Paige?"

"Kung hawak ng isang Eaven Paige ang kasong ito, isa kaya siya sa kanila o siya ang commander-in-charge?" nakita niya ang pagtataka nito. "Hindi mo rin alam? Sabi ng tiyuhin ni Niel, hindi lang iisa ang taong gumagamit ng pangalang Eaven Paige."

"Bumalik na tayo sa ospital. Lumalawak na nang lumalawak ang sakop ng kasong ito." Bumaling siya sa guwardiya. "We'll have a copy of this, sir."

###

"Si Eaven Paige ay walang iba kundi ang kaibigan mo rin, doktora. Ilang taon ko ring inimbestigahan ang tungkol sa kanya. Kahit gaano pa kagaling magtago ang gobyerno ng sekreto, hinding-hindi nila ito mapagtatakpan panghabambuhay." Napaubo siya. "Ang lamig rito, hulaan ko, nasa basement tayo, hindi ba?"

"Tama ka."

"Nilalamig ako, nagugutom na rin ako." Sinubukan nitong igalaw ang ulo pero napangiwi siya sa naramdamang sakit sa katawan. "Hindi ko na masyadong maramdaman ang mga kamay ko, parang nanigas na. Pero, siguro mas malamig na ngayon ang kapatid mo." Pang-aasar niya sabay ngiti.

"She's alive." Putol ni Luna sa kasiyahan nito.

Natahimik ito pero napatango rin. "Oo nga pala, isa ka ring unlicensed vet. Hindi ba parang parehas na tayo niyon? You also rip animals alive."

"You're not a human and you're not an animal either. Isa kang demonyo kaya huwag mong ilebel ang sarili mo sa kahit kanino."

Natawa ito sa narinig mula sa doktora na hindi niya makita sa kadilimang kinaroroonan nito. "Ganoon ba? Ibig sabihin din ba niyon na kung papatayin mo ako, parehas na tayo."

"Hindi."

Sinubukan niya ulit na igalaw ang katawan. "Aray, aray, aray..." daing niya. "Nabugbog mo ako nang husto. Ang sakit ng buong katawan ko. Ano ba talagang balak mong gawin? Alam mo dok, hinding-hindi ako magmamakaawa sa'yo o hihingi ng tawad kung iyon ang dahilan mo para buhayin ako."

"Huwag kang mag-alala, hindi ko hihingin iyon."

"Kung anuman ang balak mong gawin sa'kin, gawin mo na ngayon hangga't hindi ka pa nahahanap ng mga pulis."

"Ano bang iniisip mong gagawin ko sa'yo?"

"Ewan ko." Kibit-balikat nito. "Alam mo bang minsan, para maging isa kang magaling na detective, kailangan mong mag-isip katulad ng mga kriminal na hinahanap mo?"

"Sinasabi mo bang alam mo kung anong binabalak ko?"

"Anong hinihintay mo, dok?"

"Base to Eaven Paige. Base to Eaven Paige." Narinig nilang dalawa mula sa isang radio transmitter. Tinawanan lang ito ni Lance. "Gusto mong marinig ko ang magiging reaksiyon nila sa pagkamatay ng isa nilang 'secret agent'? Tingin mo matatakot ako?" anito.

"Eaven, do you copy? Naririnig mo ba kami, Eaven?"

"Sige na, sabihin mo na dok." Hikayat pa nito.

"Eaven, nandiyan ka ba?"

"Yes, sir. Nandito pa ako."

###

Kabanata 22: There it happened a meeting thatdoesn't need a greeting, with words that intends to slaughter and did never hadnot ended with laughter.8

Case #366Where stories live. Discover now