Case #366: Kabanata 6
Nakarating na rin sina Denver sa apartment na tinitirhan ng magkaibigan. Apat na palapag iyon, nasa pinakadulong bahagi ng ikaapat na palapag ang crime scene.
"Sir, sinimulan na po namin ang paghahanap sa bakanteng lote." Pagpapaalam sa kanya ng isang kasamahan. "At mukhang nahanap na namin ang isa pang murder weapon. Ang problema, sir. Malabong makuhanan pa iyon ng fingerprint."
"Bakit?"
"Natagpuan namin iyon sa may ilog malapit rito, mga 50 metro mula rito, mukhang itinapon ng suspek iyon matapos ang krimen. May nakita rin kaming isang bonnet at raincoat. Pinadala ko na sa lab baka sakaling may ibang makuhang impormasyon."
"Salamat, magtatanung-tanong na rin kami sa mga tenants baka sakaling may napansin sila. Paki-inform na lang sa'min anuman ang lumabas sa examination."
"Yes, sir."
"Dito ako sa baba." Ani Cyrus.
"Samahan na kita." Boluntaryo na rin ni Hannah.
"Sa fourth floor kami." Sabi na rin ni Elle bago sila naghiwa-hiwalay.
Unang pinuntahan nina Cyrus at Hannah ang unang silid, kinatok nila iyon at habang nag-aantay ng magbubukas nakita nilang pumarada ang sasakyan nina Ged at Lance. Bumaba ang dalawa at agad naman silang nakita. Sakto ring bumukas ang pinto ng apartment.
"Hi, good morning." Bati ni Hannah sa tila kakagising lang na babae.
"Bakit po?" tanong nito.
"Magtatanong lang sana uli kami tungkol pa rin sa nangyari rito."
"Again? Why?" nakunot-noong tanong nito pero tumango rin. "What? Anong gusto niyong tanungin?"
"Miss, noong gabi ba ng krimen o mga naunang araw bago ang krimen, may nakikita ka bang bisita sina Miss Fiasco at Miss Angel na estranghero sa'yo?"
"Ahm..." napaisip ito. "Wala akong matandaan na may bisita sila. Usually mga magulang at kapatid ang nakikita kong umaakyat sa room nila."
"How about postmen? Delivery men? Sales agents? Anyone suspicious or out of the ordinary?"
"No. We don't let them in this building, we always close our gates and whenever we have deliveries we wait for them in front of the gate. Mails are always straight to the mailbox just beside the gate."
"Okay, thank you, Miss." Nakangiting pasasalamat ni Hannah. "Kung sakaling may maalala ka pang iba, tumawag ka lang sa opisina namin."
"The world gets scarier. I am thinking of moving out, too."
"Huwag kang mag-alala, Miss. Simula ngayon ay may magpapatrolya na rito araw at gabi." Ani Cyrus.
"Sana lang ginawa niyo na 'yan bago pa nangyari ito." Anang babae bago isinara ang pinto.
"She's just upset." Ani Gedrick sa mga kasama.
"Tutulong na rin kami." Si Lance naman. "Sa third floor na kami ni Ged."
###
"May napapansin ba kayong mga hindi pamilyar na tao na pumupunta rito o kasama si Miss Fiasco?" tanong ni Denver sa binatilyong nasa katabing apartment ng crime scene.
"Wala po, sir. At isa pa po, hindi po namin madalas makita sina doktora. Minsan masyado silang maagang umaalis at minsan din masyado nang gabi umuuwi."
"Kayo ba rito, magkakakilala?" tanong ni Elle.
"Opo, ma'am pero hindi po kami ganoon ka-close. Kami lang po ang estudyante rito, mga katabi namin, mga professional na. Iyong dalawa pang kuwarto diyan mga call center agents kaya hindi rin kami nagkikita-kita."
"Ganoon ba? Kaya pala walang nagbubukas ng pinto." Ani Elle. "Maraming salamat sa oras ninyo."
"Walang anuman, po." Anang binatilyo at sinara na rin ang pinto.
"Kung hindi sila nagkikita rito, saan?" napatanong si Elle.
"Sabay silang umaalis at umuuwi. Pero noong gabi ng krimen, nahuling umuwi si Miss Fiasco. Bakit? Nagkita kaya sila sa labas bago ang krimen?"
"Zenshi, iyon ang restobar na sinabi niyang huling pinuntahan niya pero nakita ko na ang CCTV footage at wala, mag-isa lang niya buong stay niya roon."
"Let's check it again."
"Yes, sir."
Napatingin si Denver sa cellphone. "Si Ged." Aniya. "Ano 'yon?"
"Sir, tingin ko kailangan niyong makita 'to."
"Nasaan kayo?"
"Second floor po, Room 8 ,Sir."
"Pababa na kami." Pagtatapos niya sa usapan. "Second floor." Sabi niya kay Elle at mabilis na silang bumaba ng second floor. Inabutan nila si Gedrick na nasa labas ng silid na katapat ng apartment ng biktima. Sira ang lock ng bukas na pintuan.
"Anong nangyari?" tanong niya kay Gedrick.
"Sinabi ng kapitbahay niya na may tatlong araw na raw na hindi niya nakikitang lumabas ang nakatira rito."
"Isa na namang bangkay?"
"Hindi, sir. Possible suspect."
Dali-daling pumasok sina Denver sa silid. Walang masyadong makikita sa sala, napaka-plain lang, walang dekorasyon o kahit ano. "Gaano katagal nang nakatira rito ang taong iyon?"
"Mga tatlong taon na raw po at halos kasabay daw niya sa paglipat dito ang magkaibigan." Sagot ni Gedrick. "Pero ito ang dapat niyong makita."
Iginiya niya ang mga ito sa kusina. Mababakas doon na may ilang bagay na sinunog, mga papel sa basurahan.
"Ah, sir. Baka gusto niyo ring makita ito." Tawag ni Lance na nasa tapat ng isang bukas na pintuan ng silid. Pinuntahan nila ito at nakita ang pader na puno ng hiwa. May nag-iisang litrato sa ibabaw ng mesang katabi ng kama.
"Teka, di ba iyan iyong taong nag-report ng krimen?" turo ni Elle sa litrato.
"Who killed cock Robin?" nasabi na lang ni Lance.
###
Kabanata 6: He who spoke had yet to unfold, hewho'll speak have mystery to break.
YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...