Case #366: Kabanata 20
"Any luck?" tanong ni Hannah kay Elle.
"A handful of stabbing incidents." Napabuntung-hiningang sabi ni Elle. "Na-summarize ko na pero may ilan pa ring kaso na considered closed, cold cases."
"Nag-cross reference ka na."
"Nobody fits. Either nasa kulungan sila, malayo sa lugar o patay na. Some can be called for an interview or we better visit them. You?"
"Nothing out of the ordinary-I mean, nothing more than the extra ordinary."
Napangiti si Elle. "Siguro nag-withdraw ang mga nag-file ng kaso o closed case na lahat ng na-fax kaya iyan ang mga ihinuling hindi sinama sa database."
Kinuha ni Hannah ang isa pang papel. MANDY DORIA MURDER CASE, ang nakalagay sa cover nito. "Another murder case." Napabuga siya ng hangin bago binasa iyon. Napakunot-noo siya. "Hey, Elle."
"Ano?" tanong nito na nakatingin pa rin sa laptop.
"Kailan pa naging one page ang isang murder case?"
Tumingin si Elle rito. "Single page lang 'yan? Baka naman hindi nila kinumpleto ang isinend nilang report."
"Tatawagan ko lang sila." anito at tumayo na para tawagan ang istasyong pinagmulan ng kaso. Kinuha niya ang cellphone at nag-dial, agad naman siyang sinagot sa kabilang linya. "It's me, Hannah from Quadron Police Station. Itatanong ko lang sana iyong tungkol sa Mandy Doria Murder Case, kulang yata ang naipadala ninyong papers tungkol sa kaso niya. Hm? Oh, I see. Thanks."
"Anong sabi?" agad usisa ni Elle.
"Nawala raw ang ibang bahagi ng file at hindi na na-retrieve pa. Inurong na rin daw ng pamilya ang kaso kaya case closed."
"Pero?"
"Anong pero?"
"Hindi mo pa rin binibitawan ang hawak mo." Puna niya sabay turo sa papel. "Anong nakita mo diyan?"
"Sabi rito, natagpuang patay ang biktima sa loob ng kanilang bahay, ng kanyang ama. Ini-report sa police pero bukod sa detalye ng pagkakatagpo wala nang laman pa ang report. Isn't that weird enough?"
"Who handled the case?"
"Hm." namangha si Hannah sa nabasa roon sa papel. "This was a case given to a certain Eaven Paige? Foreigner? Sino 'to?"
"P.I.?"
"Then it should have not fallen on our desk."
"Sigurado ka diyan?"
"Puntahan ko lang si Jess." Napatayong sabi niya. "Baka may kakilala siyang makakatulong para rito."
"Sige."
Ibinalik ni Elle ang atensiyon sa laptop. May lumabas na aabot sa isang daang unsolved files. Napabuga siya ng hangin bago inasikasong muli ang mga iyon.
###
"Hi, Jess." Bati ni Hannah pagkapasok niya sa opisina ng mga ito. "Kailangan ko ng tulong ninyo."
"Aha!" napangiting sabi ng lalakeng nasa isang mesa. "We just don't do anything for free."
Napameywang si Hannah. "Nakakalimot ka na yata." Pakita niya sa badge.
"Wala yatang nagsabi sa'kin na may ranking na rin tayo rito ngayon." Tumindig ito at sumaludo. "At your service, ma'am." Aniya tunog militar.
"Good." Napangiting sabi nito sabay hampas ng papel sa lalake. "Kidding."
"Sorry, Niel. Hindi ka niya type." Tawa ni Jess. "So? Ano ang kailangan mo sa'min?"
"Baka alam niyo ang tungkol sa kasong ito from eight years ago. Mandy Doria."
Natigilan si Jess pagkarinig sa pangalang iyon habang inaabot ang papel kay Hannah. "Eight years ago? Bakit dito mo tinatanong?"
"Maybe related to our case. At nagbabakasakali lang na baka may magawa kayo para makuha ko ang buong report niyan. Specially the medical report."
"Hmmm." Napaangat ng kilay si Jess. "This looks like a highly classified, highly confidential case you're asking about, Hannah."
"Highly classified, highly confidential?" napangiting ulit ni Hannah. "Ano 'yon?"
Itinuro ni Jess ang nakalagay na pangalan ng humawak ng kaso. "Her, Eaven Paige."
"Kilala mo siya? P.I. ba siya?"
Nakunot-noo ito. "Hindi mo siya kilala?" Napakunot-noo na rin si Hannah. "Wow."
"Will you please enlighten me?"
"Si Miss Eaven ay isang undercover agent, a spy and a former FBI trainee."
"Trainee? Hindi siya tumuloy as agent?"
"Dahil pinabalik siya for some military expedition, confidential mission, whichever."
"Ha? Akala ko ba—ang gulo. Ano ba talaga siya?"
"A government employee? Hindi ko rin alam."
Kinuha ni Niel ang hawak na papel ni Jess. "Eaven Paige. Mandy Doria murder case."
"Anything, Niel?"
"The name sounds familiar." Inabot nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. "Hello. Hindi po, hindi po. Wala po. Mabait po ako rito, tanungin niyo pa si Jess."
Iniwasan ni Jess ang kamay nito sabay layo rito. "Huwag mo akong dinadamay."
"Ayaw daw kayong kausapin."
"Busy po ako, sir." Sigaw ni Jess, kinakausap ang kausap ni Niel. "Dalian mo na diyan at naghihintay si Hannah."
Natawa si Niel bago bumalik sa telepono. "Uncle, may isang kaso kasi kaming hindi ma-access, baka alam niyo ang tungkol rito. Ang pangalan po ng biktima ay Mandy Doria, hinawakan po ng isang Eaven Paige. What is she anyway?" nakinig ito sa sinabi ng nasa kabilang linya habang nag-aantay ang dalawang kasama niya roon. "Okay po, salamat po. Bye."
"Anong sabi?" usisa ni Hannah.
"Ifa-fax na lang daw." Napabuga ito ng hangin bago napamulsa. "And, Eaven Paige, is not a single person."
###
Kabanata 20: Two of whom you do not know, fragmentsof mysteries you wouldn't miss./
YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...