Case #366: Kabanata 16
~
Interruption: SSA Prentiss, my fave, will be coming back as a regular for season 12. Hope SSA Hotchner and Morgan, too. Hope so. Really hoping they will.
~
"Anong nangyayari rito?" bakas pa rin sa mga mata ng ginang ang pag-aalala at pagkabalisa. "Imposibleng wala sa outreach si Kate. Tinawagan pa niya ako noong minsan at sinabing sasama siya sa outreach at nag-iimpake pa siya ng mga gamit niya."
"Kailan tumawag si Kate sa inyo, Mrs. Fiasco? Noong gabi din ba na tumakas si Luna?" tanong ni Hannah.
Natigilan ang ginang. "Hindi, hindi." Tanggi nito. "That was around 5 pm."
"Baka kadarating lang niya sa apartment niya ng mga oras na iyon. Ang klase niya ay hanggang 4:30 ng hapon at hindi siya gumagamit ng phone sa sasakyan." Dagdag ng asawa nito.
Tumango si Hannah. "Gaano niyo po katagal nakausap si Kate?"
"Mga 20, 30 minutes. Hindi ko na matandaan pero matagal talaga kaming nag-uusap sa phone minsan."
"They can take up to an hour." Anang ginoo. "At masyado silang maingay minsan."
Naiyak na naman ang ginang. "God, she was so excited that day." Pinunasan nito ang mga luha. "Kung nakipagkita siya sa kapatid niya mas mapapanatag ako pero, pa'no kung-pa'no kung hindi sila nagkita?"
"Kahit kami ay hindi pa po namin alam ang tungkol sa bagay na iyan. Pero gagawin po namin ang lahat para mahanap siya. Mrs. Fiasco, noong nag-uusap po kayo, paano niya tinapos ang phone call? Kagaya ba ng dati? O para bang nagmamadali siya?"
"Ah, wait." Nakaalalang sabi nito. "Sabi niya baka dumating na raw ang pina-deliver niya kaya sabing tatawag na lang ulit."
"Pero, hindi na siya tumawag?"
Tumango ang ginang na maluha-luha na naman. "Akala ko nakatulog na o baka nagre-review kaya hindi ko na tinawagan ulit."
###
"Anong sabi?" tanong agad ni Cyrus pagkasagot sa tawag ni Hannah. Magkasama sila ni Gedrick sa apartment ni Caitley sa mga oras na iyon.
"Nag-impake raw si Kate para sa outreach at marahil nakarating siya diyan ng mga 5 pm, pagkatapos ng klase niya. Magkausap din daw sila ng nanay niya ng mga 20-30 minutes pero nagpaalam daw si Kate dahil may delivery ito ng kung ano na hindi nila alam. Siguro pagkain iyon."
"Wala ngang nasaing na kahit ano rito." Aniya habang tinitignan ang mga kaldero roon. "Malinis." Binuksan niya ang basurahan. "There's nothing in the trashcan, too."
"That would be weird. Kumain siya sa labas? Kung ganoon ano ang kinuha niya sa pinto? Pupuntahan ko si Efin, tawagan ulit kita mamaya."
"Tama nga sila, nag-impake siya. Halatang nabawasan ang laman ng drawer niya." ani Gedrick na kagagaling sa silid ni Kate. "Maayos niyang itinabi ang mga gamit niya, kinuha din niya ang power bank niya. She was all ready for a trip."
"Ang kailangan na lang nating malaman ay kung ano ang ipina-deliver niya. Wala akong makitang kahit anong bago sa silid."
"Baka naman may dumating na kakilala niya at inaya siyang kumain sa labas, cancelled the order or took it out. Bawas sa aasikasuhin niya dito."
Napalingon si Cy sa mga kasamahan doong kumukuha ng mga litrato at fingerprints. "Kumusta?" tanong niya sa kakilalang kakatapos lang kuhanan ng fingerprint ang maliit na lamesita.
"Almost got nothing. May pagka-OC ang nakatira rito."
"Pero may nakuha ka pa rin."
"Veteran." Sabi nito. "Ipapaalam namin kaagad sa inyo kung anong magiging resulta. May balita na ba kayo sa kasamahan nating nawawala?"
"Wala pa, pero marahil nasa lab na rin ang ibang ebidensiya mula roon."
"Tingin niyo buhay pa siya?"
"Wala pa tayong nakikitang katawan, marahil buhay pa siya."
"At ang babae?"
"Iyan ang hindi natin masasabi." Si Gedrick ang sumagot. "Aasahan namin ang ibabalita mo."
###
"Sana naman okay lang si Kate." Nasabi na lang ni Hannah habang tinitingnan ang kung anu-anong lumalabas sa screen ng computer ni Efin.
"For as long as hindi siya anak sa labas, she'll be okay."
"Matagal pa ba 'yan?"
"Nandito na. May ilang beses na siyang nagpadeliver mula sa isang fast food chain, latest ay iyong araw na tumakas nag kapatid niya. Ilang orders online pero walang dumating sa bahay niya nitong nakaraang dalawang araw."
"Anong order?"
"Two pieces of chicken with rice and extra rice." Napaangat-kilay na sabi nito. "Hindi ko alam na ganoon ang kaya niyang kainin. Coke float and a medium fries. Normal pa bang diet 'to?"
"That's only normal, specially to a woman who reviews a lot. Ang alam ko nasa med shool din siya. Thanks, Efin." Paalam niya bago ito iniwanan. Nag-dial na kaagad siya sa phone niya habang pabalik sa opisina nila. "May in-order siya at nadeliver iyon ng araw ding iyon. Chicken, rice, coke float and fries. Wala pa, hindi pa siya bumabalik. Sige, bye."
"Ano daw?" bungad na tanong ni Elle sa kanya.
"Nag-impake raw si Kate, nagpadeliver ng pagkain niya pero wala silang nakitang basura sa trashcan. Malinis ang apartment niya."
"OC?"
"May routine sila, ang koleksiyon ng basura ay Saturdays and Wednesdays. Tuesday ang outreach. I don't know, parang hindi ako mapakali sa kasong 'to." nilapitan niya ang white board at pinagmasdan ang mga litrato. "Elle, anong kamay ang ginamit ni Miss Fiasco sa pananaksak?"
"Ahm... right I think. Ba't mo naman natanong?"
Kinuha ni Hannah ang isa pang laptop bago tinawagan si Efin. "Efin, puwede mo bang i-access ang FB account ni Miss Fiasco then send it to me, please?"
"Uy," nagtakang pansin ni Elle. "Nangyayari?"
"May gusto lang akong tignan. Something we might have overlooked."
###
Kabanata 16: I shut my mouth to make the wordscount, I shut my eyes to hear what lingers behind the lies.% �)���
YOU ARE READING
Case #366
Misteri / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...