K1

13 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 1

"Kumusta?" umupo siya sa tabi ng kasama na kanina pa pinagmamasdan ang kanilang prime suspect na nasa likuran ng salamin. "Any progress?"

Binuklat ng lalake ang folder na nakalapag doon sa mesa. "Malinis ang record niya. Wala akong makitang dahilan para patayin niya ang kaibigan niya."

"Parang wala nga pero based on the evidences, she killed her own friend." pinulot niya ang litrato sa folder. "She actually butchered her."

Humugot muna ng malalim na hininga ang lalake bago kinuha ang folder kasabay ng pagtayo. Pumasok na siya sa silid kung saan siya sinalubong ng nakatulalang suspek.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya. Tumingin sa kanya ang babae. Umupo siya kaharap ito. Dagli niyang binuklat ang hawak na folder. "Listen, Miss Fiasco. Hindi ka namin matutulungan kung hindi ka magsasalita. Sa ngayon, ikaw pa rin ang tinuturing na pangunahing suspek. Mas lalala pa ito kung hindi ka magsasalita."

Inantay niyang magsalita ang babae pero wala siyang nakuhang sagot mula rito. Nakatingin lang ito sa kawalan. Pumaharap siya nang kaunti. "Anong nangyari sa kaibigan mo?"

Umatras lang siya nang marinig ang katok mula sa pinto, sumilip ang kasama at sumenyas. Tumayo na siya para lumabas. Nandoon na ang buong team nila.

"Nagsalita na ba?" tanong ni Denver.

Napabuntung-hininga siya. "Wala talaga. Parang wala siyang balak magsalita."

"Hindi ba nag-demand?"

"Hindi."

"Kahit ng attorney niya?"

"She looked innocent." Tila may simpatyang sabi ni Hannah. Pinagmasdan pa niya ang suspek. "Parang wala siyang kakayahang gawin ang krimen. She's genuinely shocked and she seemed helpless but she is not even asking for anything."

"Guilt, maybe." Wika naman ni Gedrick.

"M.E. is out." Tawag ni Elle pagkabukas pa lang nito ng pinto. Sumunod ang mga ito sa kanya papunta sa conference room nila. "Bukod sa multiple laceration sa kamay at paa, nakatanggap din siya ng 16 stab wounds. She died from the loss of blood but there's more. Don't lose your appetite." Abot niya ng folder kay Denver, ang kanilang team leader.

"She was ripped alive?"

"So much of a sadistic killer. Hindi ko ma-imagine kung anong hirap ang pinagdaanan niya bago siya natuluyan."

###

"Sir, nandito na po ang pamilya ni Miss Cortes." balita ng isang pulis.

"Ged," tawag ni Denver sa kasama. "Cy, Hannah, kayo ang kakausap sa pamilya ni Miss Fiasco oras na dumating sila. Elle, ikaw na munang bahala rito."

"Yes, sir." Koro ng mga ito.

Pinuntahan na nina Denver at Gedrick ang nagluluksang pamilya ng biktima. Iginiya nila ang mga ito sa isang silid doon. Hindi matigil-tigil sa pagluha ang ginang samantalang pigil naman ang mga luha ng ginoo, nababakas din ang matinding galit sa mukha nito.

"Ikinalulungkot po namin ang nangyari sa anak ninyo." Simula ni Denver. "At maraming salamat po sa pagtugon ninyo sa tawag namin."

"Handa po kaming makipagtulungan para sa mabilis na paglutas sa kasong ito." Anang ginoo.

"Sir, may alam po ba kayong kaaway ang anak ninyo o nakaalitan na maaaring gumawa nito sa kanya?" simula ni Gedrick.

"Wala, masayahing tao si Angel. Hindi siya mahilig makipag-away, hindi ko siya nakitang nakipag-away o nakipagsagutan kahit pa siya na ang agrabyado." Sagot ng ginang. "Pinalaki namin siyang magalang at mapagkumbaba."

"Kilala niyo po ba si Miss Luna Fiasco?"

Tumigil sa pag-iyak ang ginang at napalitan naman iyon ng pag-aalala. "Si Luna, oo. Bestfriend siya ni Angel, kumusta na siya? Nakita ba niya kung sinong gumawa nito sa anak ko?"

"Nasa maayos po siyang kalagayan." Simpleng sagot ni Denver. Hindi alam ng mga ito na ang kaibigan ng anak ang pangunahing suspek. "Ano pong pagkakakilala niyo sa kanya?"

"Magalang at mabait na bata. Hindi man siya iyong malambing na anak, ramdam ko namang mahal niya ang pamilya niya."

"Isa siyang taong may ambisyon at napaka-competitive." Dagdag pa ng ginoo.

"Maaari niyo po bang ilarawan ang relasyon ng dalawa?"

"Para na silang magkapatid, tinuring na rin namin siyang parang anak namin. Matalik ko ring kaibigan ang papa niya. They were very close. Halos hindi na nga sila mapaghiwalay." Ang ginang ulit ang sumagot.

"Ni minsan po ba hindi sila nag-away?"

"Nagkakatampuhan pero nagkakabati rin agad, hindi nila matiis ang isa't-isa. Bakit ba ganyan ang mga tanong ninyo?"

###

"Anong nakuha niyo?" tanong agad ni Elle kina Denver at Gedrick. Nandoon pa rin siya at nakatingin sa mga ebidensiyang nakalap nila.

"Just that, there's no motive for her to kill her friend." Sagot ni Gedrick.

"Weird talaga. Lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa kanya. Her fingerprints were all over the place kahit sa murder weapon, wala siyang alibi, walang witness at wala rin siyang statement. Kahit ang motibo wala rin siya?"

"Dumating na ba ang mga magulang ni Miss Fiasco?" si Denver.

"Yes, sir. Kasalukuyan po silang kinakausap ni Cyrus at Hannah."

"Psych Eval?"

"Hindi po siya nakikipag-cooperate kaya hindi namin siya makuhanan pero p-in-ull out ko na ang mga former records niya. No major hospitalization, no drug abuse, her former psych evals were completely normal, too. She's totally clean."

"In that case, we have to find out what set her off."

###

Kabanata 1: If tomorrow I'll wake up and your smilingface I'd find, I'd drift to sleep tonight and lay my worries aside.'

Case #366Where stories live. Discover now