K14

1 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 14

"Kumusta?"

Napalingon si Gedrick kay Denver. "Sir, ang mga video na nai-record kagabi ay mga footages mula sa mga nakaraang buwan."

"Forged?"

"Mukhang hindi, sir." Sagot ng technical analyst nila, si Efin. "Kasi kung ganoon baka mabawi pa natin iyong original video pero tingin ko tinakpan ang mga cctv at nilagyan ng isang live video mula sa nakaraang araw. In short, ang pinapanood natin ay ang video ng isa pang video."

"Ang kay Mr. Lopez?"

"Ganoon din po, sir."

"What exactly are we dealing with here? A pack?"

"Sir," si Elle hawak ang isang folder. "Nasa office na po si Hannah."

Sumunod na sina Cyrus at Gedrick sa dalawang kasama sa pag-alis doon. Dumeretso sila sa kanilang opisina. Naabutan nila roon si Hannah na may kausap sa telepono.

"Sir, hindi daw po umuwi si Miss Fiasco sa bahay nila. Hindi alam ng pamilya niya ang pagtakas niya kagabi." Balita nito.

"Nag-search ba sila sa paligid."

"Yes, sir. Walang palatandaan na pumunta siya roon."

"Ang mga Cortes?"

"Ganoon din po. Sabi nga rin pala sa imbestigasyon sa mga katabing selda na wala raw silang narinig na ingay o nakitang kakaiba kagabi. Wala ni isa sa kanila ang nagising."

"Walang nakarinig, walang nakakita, kahit ang CCTV. Ano? They were all sedated? Ano bang tinitignan natin dito? Grupo? Imposibleng kaya itong gawin ng iisang tao lang." ani Cyrus.

"O baka naman masyado lang matalino ang kapareha niya." sagot ni Hannah.

"Ahm... Guys, ang sabi rito sa Lab analysis hindi lang dugo ng biktima ang nasa crime scene, may traces din ng dugo si Miss Fiasco."

"That's weird again." Ani Hannah. "Walang bakas ng dugo ni Miss Fiasco palabas ng compound."

"Could it be possible that she's unconscious at the time of escape?"

"Ang sabi ng mga kasama natin, sinaksak ng biktima ang sarili niya. Ang hindi malinaw ay kung sinaksak ba niya ang sarili niya bago saksakin si Miss Fiasco o vice versa?" si Gedrick.

"Puwedeng naunang nasaksak si Miss Fiasco, attack by surprise, pagkatapos she acted on defense she made the victim stab herself." Tugon ni Hannah.

"Pero walang bakas ng dugo niya sa loob ng selda, ibig sabihin nahuli siyang nasaksak." Ani Denver. "Still walang bakas ng dugo niya kahit saan. It can be that her wound is shallow. But the most important question here is, who is helping her?"

"Sir, iyon pa lang laptop ni Mr. Lopez, hindi na nila nakita." Ani Elle. "Sabi ng mga magulang niya, wala raw siyang inuwing laptop nang umuwi ito. Nag-search sila sa may ilog at sa paligid ng apartment pero wala raw silang nakitang kahit anong bahagi ng nawawalang laptop."

"At sabi ni Jess, wala raw nakitang kakaiba sa toxicology report, wala ring defensive wound to indicate foul play. Iyong suicide note niya, lumalabas na sulat-kamay ito ni Mr. Lopez." Dagdag ni Hannah.

Tumunog ang cellphone ni Gedrick na agad naman nitong sinagot. "Sir, may nakita raw si Efin. I-se-send daw po sa'kin." Anito bago binuksan ang laptop sa malapit.

Ilang segundo muna silang nag-antay bago natapos ang transmission. "Lance and Caitley." napakunot-noong sabi ni Elle. Makikita na magkasama ang dalawa habang naglalakad papuntang selda ni Miss Fiasco. "Iyan 'yong araw na kinausap mo siya hindi ba?" tanong niya kay Cyrus.

"A-huh." Tango ng tinanong habang matiim na nanonood.

"Puwede mo bang pabilisan nang kaunti." Ani Denver na sinunod naman ni Gedrick. Napabuntung-hininga sila nang makita kung ano ang sinasabi ni Efin. "What reason could there be for her to visit him?"

"I'll contact her." Ani Hannah.

"Hindi na." pigil ni Cyrus. "Kami na ang bibisita sa kanya." Aniya tinutukoy silang dalawa ni Gedrick.

"Si Lance na lang ang kakausapin namin." Sabi naman ni Hannah.

"Babalik ako sa crime scene." Sabi ni Denver.

"Sasama na lang ako sa inyo, sir." Boluntaryo ni Elle na ikinatingin ng mga kasama sa kanya. "Bakit?"

Sunod naman silang napatingin kay Hannah. "Wala." Sagot ni Cyrus.

###

"Bloody here." Puna ni Elle sa dugo sa sahig. "Okay. Nakahiga rito si Miss Fiasco, dumating ang pasyente niya binuksan ang selda gamit ang susing kinuha niya sa guwardiya." Napatingin siya sa nahulog na mga libro mula sa maliit na mesa. "Nakaramdam si Miss Fiasco, tumayo siya at inabot ang isang libro for defense, pagkatapos ano?"

"She was her patient. Siguro sinubukan niyang kausapin pero hindi gumana. Sinaksak niya ang sarili niya, bakit? Para saan?"

"Para makatakas si Miss Fiasco pagkatapos?"

Sinundan ni Denver ang bakas ng dugo hanggang sa labas ng selda. "Mas kaunti ang dugo rito. It could be that she tried to stop the bleeding."

"Sinubukan niya itong tulungan pero may balak rin itong saktan siya kaya siya tumakas, ganoon ba? Pero bakit hindi niya muna inuna si Miss Fiasco?"

"Iyan din ang ipinagtataka ko. Unless, Miss Fiasco had the upper hand. May na-research ka ba tungkol sa mga clubs na kinabibilangan ni Miss Fiasco?"

"Bukod sa Archery Club, medical organizations, academic affiliations nila, wala na. Nothing related to man-to-man combat."

"Simulan mong mag-research ulit tungkol sa biktima, ginamit siya ng mga suspek kaya marahil may koneksiyon sila sa kanya."

"Yes, sir."

"Oh! There you are." Tila tuwang-tuwa na tawag-pansin ni Jess habang papalapit sa kanila. "Kanina ko pa kayo hinahanap, wala kayong lahat sa opisina niyo. Yikes, blood everywhere."

"Parang hindi ka naman sanay." Ani Elle rito.

"Well, no one really gets used to anything. They just accept things as they are."

"Okay, so? Bakit mo kami hinahanap, Miss Jessica?"

"Kanina kasi bago kunin ng mga kamag-anak ng namatay ang bangkay, nasabi nila na nitong mga nakaraang araw daw ay kakaiba ang inaasta ng namatay."

"Paanong kakaiba?" tanog ni Denver.

"Hindi niyo pa ba alam? May split personality d/o ang namatay."

###

Kabanata 14: Even when you find the answers youseek, deep somewhere silent there still hides questions to break.    

Case #366Where stories live. Discover now