Case #366: Kabanata 29
"Sir Dovan," napalingon hindi lang si Dovan kundi pati si Hannah at Elle. "may naghahanap po sa inyo. Vyree Dunca raw po, kilala niyo raw po?"
Agad na lumabas si Dovan para harapin ang isang kakilalang matagal na hindi nakita. Inabutan niya ang babae na nakaupo sa labas ng ginagamit nilang silid. Ngumiti ito sa kanya.
"Pa'no mo nalamang nandito ako?" tanong niya pagkaupo sa tabi nito.
"Word of mouth." Tugon nito. "Si Luna?"
Umiling siya. "Wala pa ring lead. At hindi ko puwedeng i-discuss dito."
"Balita ko nga ring wala kang permiso sa kaso."
Nangisi si Dovan. "Anything in mind?"
"I don't know."
"Kahit ano, Vy. It may help."
Nanahimik ito sandali na para bang may iniisip. "There was this old factory in Toque. Accidentally discovered by us when we went out on adventure years back in college. Hindi ito madaling makikita dahil nilamon na ito ng kagubatan pero tingin ko natatandaan ko pa kung saan namin iyon nakita."
"I think that's a hit."
###
"Ugh!" napabalikwas si Lance kasabay ng pagdampi ng malamig na tubig na nabugbog na katawan.
"Did you have fun?" tanong ni Luna mula sa pasilyo kung saan nahulog si Lance. Umungol lang si Lance sa tanong niya. Napapalatak na lang siya. "Hindi ka pa puwedeng mamatay, Lance."
"Sinong may sabing mamamatay na ako?" sa wakas ay nagsalita na rin ito.
"Good dahil hindi pa ako tapos." Habang pinapanood na gumapang ang bihag ay narinig niya ang pag-beep ng cellphone na agad naman niyang kinuha sa bulsa. Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang na screen cap ng kamera na iniwan niya sa may bukana ng daanan papunta roon.
Tumawa si Lance pagkakita sa naging reaksiyon ni Luna. "Papunta na ba sila?"
Napabuga ng hangin si Luna nang may kompiyansa. "I've got just enough time."
"I really like you, doc." Nakangisi pa ring sabi ni Lance. "Mas maganda sana kung naging mag-partner tayo pero hindi, tinadhana yata tayong maging magkalaban."
Si Luna naman ang nangiti. "Drama." At itinutok na ang dalang baril sa lalake.
"Maaaring mapatay mo ako ngayon, pero panalo pa rin ako doktora. I killed your friend, I nearly killed your sister and oh, they are so pretty. Wait do you want to know what I did before that?"
Lalong humigpit ang hawak ni Luna sa baril sa nakitang kasiyahan sa mukha nito. "Shut up."
"I-" isang putok ng baril na tumama sa pader ang nagpatahimik sa kanya. Nangiti na lang siya uli. "No matter what, I still won."
Nanginginig na si Luna sa galit pero hindi pa rin niya ginawang kalabitin ang gatilyo. Ibinaba niya ang baril at kasunod niyon ang marahang pagtawa ni Lance.
"Noong nakita kita," patuloy ni Lance. "I knew right there, I know it's the same thing, the confusion and the disbelief. Did I drug you too much, doc? To a point na hindi mo na alam kung sino sa ating dalawa ang pumatay kay Doctor Cortes?"
Ang katahimikan ni Luna ang tinanggap ni Lance na kasagutan. "Who killed her? You or me?"
"Kung sinuman sa ating dalawa, wala akong interes pa." Tiim-bagang na sagot niya. "Ang maliwanag ngayon ay tinangka mong patayin ang kapatid ko."
"Ah!" agad inilayo ni Lance ang sarili sa pader matapos makaramdam ng pagkapaso. "Luna!"
Walang reaksiyon si Luna sa nakikitang takot sa mukha ng bihag. "Tama ang hinala mo. I will erase you. You will disappear and you will be forgotten like you never existed."
Umalingawngaw ang mga sigaw ni Lance sa gusali pero hindi natinag si Luna sa kinatatayuan. Pinanood niyang malusaw ang bihag hanggang sa buto na lamang ang matira rito. Tumalikod na rin siya pagkatapos at muling tinignan ang nag-beep na cellphone. Malapit nang makarating ang mga bisita niya.
Bumalik siya sa silid kung saan niya iginapos si Lance at naupo sa silyang kaharap ng silyang ginamit ni Lance. Lumupaypay siya roon habang hawak ang baril at tumingala sa kisame.
###
"Reminder, target is trained, armed and can be highly dangerous." Anang lieutenant sa mga kasamahan. "Shoot if you need to but as much as possible we need them alive."
"Yes, sir!" anang mga naroon.
Pero bago pa man sila makapaghiwa-hiwalay ay dumagundong na ang magkasunod na malakas na pagsabog, kasunod nito ang isang napakalaking sunog na nakapagpatigagal sa mga alagad ng batas doon.
"Doon din sa bandang iyon ang lokasyon ng target." Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Vyree kay Dovan. "God, are they still alive?"
"Elle, do you hear me? We have a situation here. I need you to contact the nearest fire station and other nearby departments." Ani Hannah.
"Ano iyong sumabog? Okay lang ba kayo diyan?"
"Maayos naman kami lahat pero tingin ko hindi magiging ayos ang mga kahoy na nasusunog rito."
"Okay, okay, i'm already connecting to nearby fire stations."
"What just happened?" nakatingin pa rin si Cyrus sa malaking sunog sa bahaging iyon ng kagubatan.
"Elle," tawag ni Gedrick sa kasama na nasa base nila. "Can you send me a satellite image of the place? At puwede mo bang alamin kung may mining na nagaganap rito? Also, paki-check kung anong klaseng factory ang nag-ooperate rito dati."
Ilang segundo pa at may dumating na sa cellphone ni Gedrick.
"Ano?" usisa kaagad ni Cyrus sa kasama.
"It's a company for ammunitions and bombs. At positibong may illegal mining."
###
Kabanata 29: I must ask before I pass, whopulled the rug and stabbed the heart? =

YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...