K4

3 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 4

"Hey, is this true?" tanong ni Hannah kay Elle habang hawak ang kopya ng statement ni Luna.

"Iyan ang ibinigay niyang testimonya. Hindi ko rin alam, siguro sobrang na-guilty. Considering how people describe them, they were very close before the murder happened."

"O baka isang paraan ito upang makatakas siya sa kaso."

"Hindi ko rin alam, pero kung magagawa niya iyon mabibilib talaga ako."

Umikot si Elle sa kinauupuan niyang swivel chair. "Matatakot ako kapag nangyari 'yon."

"Asan na ang iba?"

"Bumisita sa crime scene. Si Ged kausap ang fiancé ni Angel."

Hinawi ni Hannah ang blinds ng bintana para silipin ang mga ito. Nakita niya ang dalawa sa mesa ni Ged, kasalukuyang nag-uusap. Bukod sa kanila may iba pa siyang napansin doon. "May media sa labas."

"Salamat sa taong nag-tip sa kanila."

Lumapit siya sa white board kung saan nakadikit ang larawan ng mga sangkot sa krimen. "Amnesia caused by painful memories, huh?"

"Possibly." Tugon ni Elle na nakatingin na rin sa white board.

"Masyadong brutal ang pagkakapatay kay Miss Cortes, parang walang kakayahang magsisi ng gumawa nito. Sinira niya ang mukha ni Miss Cortes na ikinabasag ng bungo niya. Sinaksak siya ng labing-anim na beses pero hindi niya iyon ikinamatay, parang gusto talaga siyang magdusa. At ang pinakamalala pa, inalis ang bahay-bata niya habang gising siya. Screw that painful memory, parang natutuwa siya habang pinapahirapan ang biktima. She left her in a very humiliating and degrading position."

"She must have hated her for being behind her shadow all the time. Pero alam nating lahat na may posibilidad ang sinabi niya."

"This will be a tough fight."

"It will be."

Muling sumilip si Hannah sa bintana, sa pagkakataong ito nakita na niya ang isang kasamahang kinakapanayam ng mga taga-media. "Ako lang ba ang nakakapansing parang spokesperson na natin si Lance rito?"

"Siya ang pinakasanay sa'ting humaharap sa kamera kaya hayaan mo na siya. Alam na niya kung paano i-handle 'yan."

"Kasama na ba doon ang pagiging malapit niya sa mga babae?"

"That's our lover boy." Napangiting sabi ni Elle.

"Sana lang hindi siya maging bias sa kasong ito."

Napakunot-noo si Elle. "Bakit naman?"

"Nakita ko siyang kausap ang kapatid ni Miss Fiasco kahapon. Maganda ang kapatid niya."

Natawa na siya sa sinabi ni Hannah. "Parang hindi mo siya kilala, nasabitan na 'yan ng medalya dahil sa dedikasyon niya sa trabaho." Nagkibit-balikat ang kausap na ikinahalukipkip niya. "Don't tell me nagseselos ka?"

"Hey, there's nothing like that. Balik na sa trabaho."

Nailing na siya. "Be sure to catch that love bug when it comes."

"Shut up, Elle."

###

"Bakit pa ba tayo bumalik dito, sir?" tanong ni Cyrus habang umiikut-ikot sa kusina, nasa sala naman si Denver at nangangalikot ng mga gamit doon.

"Gusto ko lang siguruhin na wala tayong na-miss na kahit anong ebidensiya." Sagot nito.

"Dahil ba 'yan sa sinabi niya sa statement niya?"

"Matibay na ang ebidensiya laban sa kanya pero ayaw kong magbakasakali, minsan kahit maliit lang ang butas nalulusutan pa rin."

Magulo sa kusinang iyon, nagkalat ang mga basag na plato sa baba ng lababo. Nasa sahig na rin ang nabasag na water dispenser at nahalo sa dugo ang natapong tubig. Duguan rin ang pinto ng nakasarang C.R. Nakatabingi ang mesa na katabi ng bangkay ng biktima. Medyo masikip ang kusina na may maliit na bintana sa pader sa tapat ng lababo. Ang isa pang pintuan ay naka-lock.

Binalikan ni Cyrus ang kasamahan sa sala. "May nakita ka bang bago?" Hindi siya sinagot nito. Tiningnan nito ang isang sofa na maraming dugo. May hiwa iyon. Pinagmasdan niya ang paligid, nagkalat ang dugo, halatang nakipaghabulan ang biktima sa suspek.

Sinundan nito ang bakas ng dugo at sinuri ang bawat hiwa sa mga gamit at sa dingding. Tumigil siya sa tapat ng sofa. Doon niya napansin na may hiwa pa roon pero walang dugo sa paligid nito. "One missed shot. Mas malawak ang sala pero bakit sa kusina siya pinatay?" tanong nito.

"Dahil nagsawa na siyang habulin ito rito? O baka tinangkang tumakas ng biktima at nahabol niya ito sa kusina."

Pinuntahan ni Denver ang isa pang upuan. Mula sa kinakatayuan niya, nakikita niya ang magkabilang bahagi ng silid—ang kusina at ang sala. "Kung tinangka niyang tumakas bakit walang bakas ng dugo sa magkabilang pinto palabas ng silid?"

Lumapit si Cyrus sa kusina. "Dahil dito." Turo niya sa nakaharang na mesa pero napaupo siya at tiningnan ang paa ng mesa. May palatandaan na iniurong lang ito. Doon na niya napagtanto ang isa posibilidad. Sinubukan niya buhatin ang mesa. "Hindi ito kayang buhatin ng isang babae lang."

Sinuri na rin ni Denver ang upuang katabi. "May isang nanonood at may isang gumagawa ng krimen."

"She has a partner and they had watched each other's work." Pinuntahan ni Cyrus ang pintuan sa kusina at binuksan iyon.

Kinuha ni Denver ang cellphone at tinawagan ang Medical Examiner nila. "Jess, may indication ba ng sexual assault sa biktima?" nakinig siyang maigi sa sinagot nito. "Salamat."

"May emergency ladder pababa ng apartment, posibleng dito siya pumasok nang walang nakakapansin sa kanya. Bakanteng lote na ang nasa likuran, marahil iyon ang ginamit niyang escape route." ani Cyrus pagkabalik niya.

"May posibilidad na ginahasa din ang biktima. Bumalik na tayo sa opisina, may isa pang suspek tayong hahanapin."

Bago pa man sila lumabas ng silid napansin ni Cyrus ang isang kahoy sa tabi ng pintuan. "Too bad, hindi niya nagamit."

###

Kabanata 4: Your eyes don't see that's how it hasto be, to weigh in your hand the truth which you are judge.zoN 

Case #366Where stories live. Discover now