Case #366: Kabanata 5
"Elle, anong lumabas sa M.E. tungkol sa murder weapon?" agad na tanong ni Denver pagkapasok pa lang niya ng opisina.
Napatayo si Elle at hinanap ang folder doon sa mesa. "Ahm... Single kitchen knife sir, lacerations were caused by broken glasses, injuries in the face by blunt object possibly from the handle of the knife itself."
"There are two weapons."
"Two? Pero isa lang ang nasa crime scene, nasaan ang isa?" napatanong na sabi ni Hannah.
"We're dealing with a tandem, man and woman." Pagtatapat ni Cyrus. "At malamang nasa kanya pa rin ang murder weapon."
"May kasama siya?" nagtaka ring tanong ni Gedrick. "Sino? Sabi ng fiancé ni Miss Cortes, walang naging karelasyon ang suspek nitong nakaraang mga taon."
"Elle, Cyrus, bisitahin niyo ang ex ni Miss Fiasco. Ged, isama mo si Lance para bisitahin ang mga Cortes. Hannah sumama ka sa'kin." Lumabas na kaagad sila ni Hannah matapos niyang ibigay ang gawain ng bawat isa.
"The lover boy?" react ni Ged.
"Huwag kang mag-alala, Ged. Isang paligo na lang at lalamang ka na sa kanya." Biro ni Elle.
"Busy ako ngayon, pasensiya na."
"You mean hindi ka naliligo?"
Napangiti si Ged. "Wala ka namang naaamoy di ba?"
"Gross."
Natawa si Ged sa tila nandiring kasamahan. "Kidding."
###
Napalingon si Luna kina Denver at Hannah na dumating sa selda niya. Iniiwas din niya ang tingin at tumitig sa puting pader na narumihan at nagtutuklap na.
"Kaya ka ba hindi nagsasalita dahil pinagtatakpan mo ang kasama mo at nang makatakas siya?" tanong ni Denver pero hindi iyon tinugunan ni Luna. "Alam na naming may kasama ka Miss Fiasco. Sino siya at nasaan siya ngayon?"
"Luna," si Hannah. "Ang sabi mo wala kang maalala sa nangyari noong gabing iyon. At alam mo ang dahilan higit kaninuman. Hindi mo maalala dahil hindi mo gustong saktan si Angel pero pinilit ka niya at ngayon ikaw ang paaakuhin niya sa buong krimen. Ginagamit ka lang niya para makatakas siya at pagkatapos iiwanan ka na rin niya."
Tumayo si Luna at tinalikuran ang mga ito.
"Hindi ka na niya babalikan. Hindi ka niya tutulungan. Hahayaan ka niyang mabulok dito habang siya ay makakahanap ng bago niyang kasama at malayang makakagalaw sa paligid. Hahayaan mo lang ba siya?" ani Denver. "He betrayed you."
"Umalis na kayo." Iyon lang ang itinugon ni Luna sa dalawa.
"Nakita mo na ba ang mga magulang ng kaibigan mo? Kahit ikaw pa ang prime suspect, hindi sila galit sa'yo. Naniniwala silang hindi mo magagawa iyon. Sila ang tunay na nagmamalasakit sa'yo? Tatalikuran mo ba silang lahat para sa taong sumira sa pamilya ninyo?"
Niyakap ni Luna ang sarili at malalim ang mga hiningang nanahimik. Napailing na lang si Hannah at naglakad na sila palayo sa seldang iyon.
"She' the submissive one, she'll be loyal to him." Aniya kay Denver pagkabalik nila sa opisina. "Ayaw niyang makinig at kinokontrol niya ang sarili niya para hindi siya makapagbitiw ng kahit anong salita."
"She's a psychiatrist, she knows how people like him thinks and behaves."
"Oo, pero kung kahit siya nagkaroon ng psychotic break malamang nagiging unreasonable na rin siya."
Napatingin sila sa bumukas na pinto. Pumasok sina Cyrus at Elle. Umiling si Cyrus. "Wala ang mag-asawa, lumipad sila papuntang Hawaii para sa honeymoon nila."
"Sana lang marunong silang mag-family planning." Komento ni Elle na ikinatingin ni Cyrus sa kanya. "Sinasabi ko lang, bakit?"
"Hindi na natin problema 'yon."
"Tingin ko kailangan nating bumalik sa apartment." Ani Denver. "Kausapin ulit natin ang mga tenants doon."
###
"Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa'min at nakikiramay po kami." Ani Ged sa mga magulang ni Angel. Nasa silid sila noon ng biktima dahil ayaw nilang pag-usapan ang bagay na iyon sa lugar na maraming nakakarinig. Kasalukuyang nakaburol ang biktima roon at maraming bisita ang dumalo.
"Salamat," tugon naman ng ginang.
"Ang lalaking ito, maaaring siya ang pumatay sa anak namin hindi ba? Kapag nahuli niyo siya makakalaya na si Luna?" tanong naman ng ginoo.
"Iyan po ang hindi ko masisiguro. Pero gagawin po namin ang lahat para mapanagot kung sino mang gumawa nito sa anak ninyo." Paniniguro ni Ged.
"Athlete ang anak niyo?" nakatingin sa mga litratong tanong ni Lance.
"Oo, magkasama sila ni Luna na nahilig sa Archery. Sa club na 'yan rin nagkakilala si Luna at ang naging kasintahan niya." sagot ng ginang.
"At hindi na ako magtatakang maraming medalya rito, mahilig ring mag-aral ang dalawang iyon." Puna na naman ni Lance sa isang litrato roon ng dalawa na nasa library. Nagsusulat si Luna samantalang nakahawak ng libro si Angel.
"Laging naglalaban ang dalawang iyan sa honorole pero hindi naging problema iyon sa kanila. They love each other so much to care for that."
Ngumiti si Gedrick. "Sige po, magpapaalam na rin po kami." Aniya sabay tayo. Sinabayan naman siya ni Lance at ng mag-asawa. "Condolence po ulit."
Ngumiti ang mag-asawa bago sila sinamahan hanggang sa makalabas sila ng pintuan. Napabuntung-hininga na lamang si Gedrick habang binubuksan ang pinto ng sasakyan nila.
"Bakit?" tanong ni Lance.
"Naaawa lang ako sa pamilya nila. Nag-iisang anak lang siya tapos nawala pa. Ang masaklap pa roon, kaibigan pa niya ang pumatay sa kanya."
"Pero, pa'no nga kaya kung mali nga talaga tayo?"
###
Kabanata 5: One was lost when the coin wastossed, what side was right in the absence of light?
YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...