Case #366: Kabanata 25
Sandaling natahimik si Lance pero bumalik ang kalmadong sarili. "Ano ngayon?"
"It's a lie."
Muling tumigas ang ekpresyon nito sa galit. "Papatayin kitang babae ka!" pagpupumiglas nito at sa ginawa ay natumba ang bakal na upuan. Nayanig ang buong katawan niya matapos niyon at saka lang niya nalaman ang nangyari matapos tumigil niyon.
"Oops, nakalimutan kong sabihin na kapag gumalaw ka diyan may ilang wire ng kuryente sa paanan mo ang handang sumalo sa'yo."
"F-" hindi niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil sa muling pagdaloy ng kuryente sa katawan niya.
"Careful of what you say. I'm not even beginning yet."
Naubo si Lance matapos tanggapin ang boltaheng iyon. "Ah," tila naginhawaan pa siya sa nangyari. "Hindi na ako masyadong nilalamig. Thanks."
###
"Dovan," bakas sa tono ng boses ng Liutenant ang awtoridad.
"Sir." Napasaludong sabi ni Dovan na alam naman ang dahilan ng hindi magandang pagsalubong sa kanya ng dating superyor.
"Pagpasensiyahan niyo na ang ginawa niya." paumanhin ng Liutenant sa grupo ni Denver.
"Is he perhaps an Eaven, too?" tanong ni Denver.
"Hindi." Tanggi ng Liutenant. "Isa siyang SAF commando, PSI Dovan Floyd Arte. On vacation." hindi niya nakalimutang ipaalala. "Report."
"Sir, wala raw pong any real state properties ang mga Fiasco sa ibang lugar bukod sa bahay nila rito at ang isang sakahan sa Vanca. Nagbigay na ako ng impormasyon sa pinakamalapit na istasyon ng pulis roon."
"Iyon nga rin po ang nahanap ko." Patunay ni Elle.
"Ang mga Cortes naman ay mas maraming real state na karamihan ay mga paupahang apartment or business establishment. All within the city and nothing in any other provinces. I'm narrowing the list." Ani Gedrick. "Three of the buildings have a basement but sir, lahat ng mga ito ay nasa central business district. Addresses sent to your phones."
"Elle, I need you to stay here to continue the search. Tumawag ka ng back-up." Ani Denver.
"I'll call people who can help." Anang Liutenant.
"Keep us posted. Let's go!" huling utos ni Denver bago sila mabilis na lumisan sa lugar.
"Mr. Arte." Pigil ng Liutenant. "Wala kang permiso para sumama rito."
"Sir, if there would be anyone other than Angel who knows Luna better, that would be me."
"You will be liable for your actions."
"I will take full responsibility, sir."
###
"Tingin mo nandoon siya?" tanong ni Gedrick sa nagmamanehong si Cyrus.
"Kailangan nating subukan."
"Ganoon ba siya kagaling at nag-aantay na lang tayo ng iiwan niyang clue sa kung nasaan siya? Anong ginagawa niya kay Lance?"
"Torture. I bet marami siyang alam. Kung si Lance nga talaga ang pumatay kay Miss Cortes, we can assume na buhay pa siya."
"Pero nagtataka pa rin ako kung bakit hindi niya sinabi kaagad na si Lance ang pumatay sa kaibigan niya. Mas napadali sana ang kaso."
"Sinabi ko na, hindi niya hahayaang maging madali lang ang kasong ito para kay Lance."
Naghanda si Gedrick pagkakita sa apartment na target ng operasyon. Mabilis na ihinimpil ni Cyrus ang sasakyan sa tapat ng apartment at mabilis silang bumaba roon. Dumeretso sila sa basement kasama ang ilang pulis mula sa malapit na istasyon. Pero wala silang inabutan doong tao. Bakante ang lugar, malinis na malinis.
Sakto namang tumunog ang cellphone ni Cyrus pagkababa ng hawak na baril. "Wala sila rito, sir." Napabuga ito ng hangin habang nakikinig. "Yes, sir."
"Wala rin daw doon sa pinuntahan nila." Balita niya kay Gedrick pagkababa ng cellphone. "Standby daw muna tayo. Tara sa taas at magtanung-tanong."
"Ang Liutenant?"
"Wala rin daw."
"Hindi naman sa nagdududa ako pero sasabihin kaya nila kung sakaling makita nila si Miss Fiasco? Isang agent nila ang napatay at nadiin pa ang kasama nito. Consider also the fact that they are an Eaven Paige."
"Hindi sila nakialam sa imbestigasyon natin noong nasa kustodiya natin si Miss Fiasco. Tingin ko naman gusto talaga nilang mahanap siya."
"Medyo hindi ako komportable sa nangyayari."
"Masanay ka na, marami pa tayong collaboration na gagawin kapag nagtagal ka pa."
Nangiti si Gedrick. "Sinasabi mo bang hindi ako magtatagal sa trabaho?"
Natawa na rin si Cyrus. "Sinasabi ko lang na maraming trabaho ang nag-aantay sa isang matalinong kagaya mo."
"No thanks. I love my job."
"Then do your job." Anito pagkakita sa papasalubong na babae sa kanila.
"Sinabi sa'kin na pumunta raw kayo sa basement." Alalang sabi ng babae na kasing-edad lang ng mga ito. "Bakit po? May nangyari po ba?"
"Kayo po ba ang manager ng apartment?" tanong ni Gedrick habang si Cyrus ay nag-oobserba sa paligid.
"Yes, sir. Ako po ang katulong ni Mrs. Cortes sa pamamahala rito. Ano po bang nangyari?"
"Ahm... We are just conducting a police operation for a fugitive. I'm sorry for the commotion."
"Is this about Miss Luna?"
"Excuse me," tawag ni Cyrus sa atensiyon nila. Kaharap nito ang ilang litrato sa may opisina ng manager at makikita siya mula sa bukas na pintuan. "Saan 'to nakunan?"
Mabilis na lumapit sina Gedrick at ang manager kay Cyrus at tinignan ang larawan.
"Hindi ko sigurado pero sabi ni ma'am kinunan 'yan somewhere sa isang communal forest, hindi ko alam kung saan. Pero nagpunta raw sila diyan para sa isang exploration activity ng kanilang barangay sa probinsiya."
Kinuha kaagad ni Gedrick ang cellphone at tinawagan si Elle. "Elle, I need you to check something."
###
Kabanata 25: If I would make a promise thatwould suffice, I'll cast it in the wind and let it sing what it meant.%

YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...