K18

1 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 18

Paakyat pa lang sina Cyrus at Gedrick nang makasalubong nila si Hannah na papunta na rin sa opisina nila. "Lab tests?" tanong ni Cy.

"Yup, sunod kayo." Nagmamadali nitong tugon.

"Sir, lumabas na po ang resulta ng mga tests. Dugo nga po ni Lance ang nakita sa loob ng police mobil. Pero sir, hindi po sa tumakas na preso ang nakitang fingerprints sa crime scene kundi sa kapatid niyang nawawala rin ngayon." Balita ni Hannah sa mga kasamahan.

"He's really into her, huh?" napailing na sabi ni Cyrus. "Kakatapos lang din naming kausapin ang mga kapitbahay nina Miss Cortes. Wala ni sinuman sa kanila ang nagbigay ng teddy bear which leaves Mr. Lopez the only person unquestioned."

"Hula namin, spy gadget ang teddy bear. Baka may build-in camera to spy them. At marahil, nasa laptop niya lahat ng video."

"Iyon ang dahilan kung bakit alam niya ang nangyari sa apartment noong gabi ng krimen." Ani Elle na nagtataka. "Bakit siya nagsinungaling? Ikaka-absuwelto niya iyon sa kaso pero sa halip na gamitin iyon, inako pa niya ang krimen. Was that for revenge? Dahil cold case na ang kaso ng anak niya?"

"O baka natakot siyang madiin sa kaso." Si Hannah.

Napaisip na naman si Denver habang nakatingin sa mga isinulat sa white board. "Or maybe he's paying the price for not being able to protect her child. Kaya noong nag-uusap sila ni Miss Fiasco, mas nangibabaw ang pagsisisi sa kanya kaysa sa pagmamalaki sa ginawang krimen. He's blaming themselves for her daughter's death."

"Kung anuman ang nasa laptop na iyon, may kinalaman iyon sa kaso kaya sinira agad ni Mr. Lopez. Hindi kaya ginawa niya iyon dahil alam niyang maaari itong ika-absuwelto ni Miss Fiasco? Kung gumaganti siya, lahat gagawin niya kahit ang pag-amin sa krimeng hindi niya ginawa." pahayag na rin ni Gedrick.

"Kung hindi si Miss Fiasco ang salarin, sino?" si Elle.

"Ang sabi ng isang nakausap namin. Pumunta raw si Miss Caitley sa apartment ng ate niya ilang araw matapos ang krimen." Ani Cyrus. "Pero matapos niyon, hindi na nila siya nakitang bumalik pa roon."

"Asan na sila?" napatanong na lang sa sarili si Hannah.

"Excuse me, sir." Katok ng isang kasamahan nilang pulis sa nakabukas nilang pinto. "Sir, may natanggap po kaming tawag mula sa kasamahan nating nagpapatrolya sa may District 4, Shagum Hospital. Nakita na po si Miss Fiasco."

"Sino sa kanila?" usisa ni Denver.

"Si Miss Caitley po."

"Alam na ba ng mga magulang niya?"

"Hindi pa po, sir."

"Huwag niyo munang ipaalam. Kakausapin muna namin siya." Utos niya. "Cy, Ged," tawag niya. "Hannah, tulungan mo si Elle sa ginagawa niya."

"Yes, sir." Ani Hannah. "I will. I will..." umikot siya sa puwesto pagkatalikod na pagkatalikod ng mga kasama. "What do you want me to do?" tanong niya kay Elle. "Ano bang ginagawa mo?"

"Researching for similar unsolved cases and cross-referencing with the suspects."

"Kahapon ka pa nandiyan, masyado bang marami?"

"Hindi, medyo mahirap lang hanapin lahat. Hindi kasi lahat ng police station natin naka-database ang mga kaso kaya kailangan ko pang mag-request ng kopya at i-fax sa atin."

"I'll handle those. Ikaw na sa mga naka-database."

###

Nakarating sina Denver sa ospital at dumeretso agad sa may nurse station. Napatingin sa kanila ang mga nagtatakang nurse. "Yes, sir?" anang isang nars.

Ipinakita nila ang mga badge nila. "Nandito kami para kay Miss Caitley Fiasco."

"Room 037 po, second floor." Sagot nito. "S-sir!" tawag ng nars na ikinalingon ng mga ito. "Sir, baka po hindi niyo rin siya makausap."

Nakunot-noo si Denver. "Bakit?"

"Sir, nasa coma po ang pasyente."

Tuluyan nang umalis sina Denver para bisitahin ang pakay. Inabutan pa nila ang doktor na inaasikaso ito. "Sino po sila?" tanong ng may edad na doktor.

"Kayo po ba ang doktor ng pasyente?" tanong ni Gedrick.

"Ako nga. Kaanu-ano kayo ng pasyente?"

"Mga pulis po kami at may ilang araw na po namin siyang hinahanap. Kumusta po ang lagay niya?" sabi ni Gedrick.

"She suffered so much physical trauma and was stabbed several times. Mabuti na lang at nabigyan siya ng first aid kaagad at nadala rito, kung hindi baka nawala na ang pasyente."

"Sino pong nagdala sa kanya rito?"

"Iyan ang hindi ko alam. Dinala namin siya kaagad sa ER kaya hindi na namin nakausap kung sinong nagdala sa kanya."

"Kailan po siya nadala rito?"

"Mga dalawang araw na ang nakakaraan. Nakakaawa ang batang ito. I have a reason to believe that she might also be sexually assaulted."

"Doc, was she ripped out?" tanong ni Denver.

"Ripped? No." Iling ng doktor na nakunot-noo. "She was not. But considering her wounds, it almost seemed like she was."

"May posibilidad po bang magising siya nitong mga susunod na mga araw?"

"Hindi ko masasabi. Kagaya ng sabi ko, masyadong marami siyang natamong mga injuries sa katawan. Milagro nang maituturing na naisalba pa siya, salamat sa naunang nakakita sa kanya."

"Base po sa pagkakabigay ng first aid, maari po bang may medical training ang tumulong sa kanya?"

"Absolutely, actually she or he know very well what to do."

"Caitley!"

Napalingon ang mga ito sa dumating na ginang. Kasama nito ang asawa nito. Agad silang lumapit sa anak at hinawakan ang kamay nito sabay halik ang ginang sa noo nito. "Oh, my God. Anong nangyari sa'yo? Anong ginawa nila sa'yo?" pagtangis nito.

"Anong nangyari sa kanya?" baling ng ginoo sa mga pulis. "Saan niyo siya nakita?"

"Itinawag lang sa'min ng mga kasamahan namin." Sagot ni Denver na nagtataka kung paanong nalaman ng mga ito ang tungkol sa anak. "Puwede ko bang malaman kung sino ang nagpaabot sa inyo ng balita?"

Nagkatinginan ang mag-asawa bago nag-iwas ng tingin.

"Kinontak niya kayo, tama ba?" Hula niya at hindi nga siya nagkamali.

###

Kabanata 18: Before you know it I will be donewith, before you even realize I already marked the price.e�!�َ��

Case #366Where stories live. Discover now