K24

2 0 0
                                    

Case 366: Kabanata 24

Natawa na lamang si Lance sa narinig. "Sinasabi mo bang ikaw si Eaven Paige? Hindi mo ako maloloko, inimbestigahan ko rin ang mga taong nag-iimbestiga sa mga ginawa ko. You're not Eaven Paige."

"Tama ka." tumayo si Luna at sa ikalawang pagkakataon ay nagpakita sa lalake. "Hindi ako si Eaven, isa lang ako sa kanila. Pero tama ka pa rin dahil sa mga sandaling ito, hindi na ako isa sa kanila."

"Ibig mong sabihin, ikaw lang at ako ang nakakaalam sa kinaroroonan natin."

"At ikaw at ako lang ang makakaalam sa mangyayari rito."

"Ng gagawin mo? Mukhang interesante, dok. Oh, agent pala."

###

"Sir, nakontak po namin siya kanina pero nawala rin siya." Balita ng isang sundalo sa Liutenant sa telepono.

"Try again."

"Ginawa na namin sir pero hindi na po siya sumasagot. At sir, nandito po si Sir Dovan."

"Anong ginagawa niya rito?"

"Tutulong daw po sa paghahanap kay Eaven, sir."

"Get him on the phone."

"Yes, sir." Tugon nito at wala nang narinig sa kabilang linya.

"Excuse me for a while." Paalam ng Liutenant at lumabas ng silid.

Nagsimula naman nang mag-ayos ng mga gamit sina Denver roon.

"Kung totoong si Miss Fiasco ang isang Eaven Paige, bakit niya dinukot si Lance?" tanong ni Elle habang nag-aayos ng laptop. "Revenge?"

"Iyon ay kung dinukot siya." Ani Cyrus. "Marami pa tayong kailangan i-consider sa nangyari. May injury si Miss Fiasco, paano niyang nadukot si Lance? It could also be na na-stage lang ang crime scene, if we're not dealing with a single suspect."

"Isa siyang asset ng gobyerno. Sana lang malinawan siya at gawin niya ang tama." Tugon ni Hannah. "Pero, kung iisipin ang mga nangyari, malamang galit na galit 'yon."

"And we might not be able to save her by the time we find them." Ani Gedrick. "Maybe the reason why she didn't speak up during the investigation was because she planned this from the start."

"Kailangan nating mahanap kung saan maaaring naroon ang dalawa." Ani Denver. "Ged at Elle, kayo na ang bahala sa paghahanap ng tungkol kay Lance, Hannah at Cy kayo nang kumausap sa pamilya ni Miss Fiasco. Ako na ang makikipag-coordinate kay Liutenant."

"Sir, pa'no natin iti-treat ang kaso ngayon? Is Miss Fiasco a fugitive or a victim?" nagawa na lamang tanungin ni Hannah.

"They're both A.W.O.L." ani Denver bago lumabas ng silid.

"That lover boy." Hindi naitago ni Cyrus ang pagkadismaya. "Tapusin na natin 'to." Lumabas na rin sila ni Hannah.

"I can't believe this." Pahayag na rin ni Elle ng pagkadismaya.

###

Kumatok si Hannah sa pinto ng silid ni Caitley. Sinalubong sila hindi ng ina nito kundi ng ina ni Angel. "Ma'am, maari ba naming makausap ang mga magulang ni Miss Caitley?"

"Ahm..." Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok po kayo."

Pumasok ang dalawa pero hindi nila nakita sa loob ang hinahanap. Ang mag-asawang Cortes lang ang nandoon. "Umuwi sila sandali para kumuha ng gamit, siguro pabalik na sila." Paliwanag ni Mrs. Cortes. "Ano ba 'yon? Baka may maitulong kami."

Ngumiti si Hannah. "Ma'am, may kilala po ba kayong Eaven Paige?" Hindi kaagad nakasagot ang ginang at halata sa mukha nito ang gulat. "Alam niyo po ang tungkol sa kanya? Bakit hindi niyo sinabi noong na-interview kayo?"

"Sinabi sa'kin ni Angie na kahit anong mangyari, kahit hanggang sa kamatayan niya, wala dapat makaalam ng tungkol sa pangalang iyon."

"Kailan niya sinabi sa inyo?"

"Noong nagsimula siyang humawak ng kaso gamit ang pangalang iyon." Sagot ng ginoo.

"Iyon din ba ang itatanong ninyo sa magulang ni Kate?" tila nabahalang tanong ni Mrs. Cortes. "Sana huwag niyo nang itanong sa kanila. Please."

Namuo ang pagtataka sa dalawang pulis. "Bakit po?" tanong ni Cyrus.

"Hindi nila alam."

"Ang tungkol kay Miss Cortes?"

"Ang tungkol kay Luna. Luna never told them."

"Kung ganoon, Mrs. Cortes, may alam po ba kayo sa mga operasyon ng anak ninyo? May nasabi po ba siyang lugar na pupuntahan niya?"

Umiling ito. "Hindi niya sinasabi. Wala siyang nabanggit ni isang pangalan ng lugar."

Naputol ang usapang iyon nang may pumasok sa silid, ang mga magulang ni Caitley kasama ang isang hindi pamilyar na mukha sa kanila.

"Hi, nandito pala kayo." Anang lalakeng estranghero. "Natanong ko na sila at nandito rin ako para bisitahin ang pasyente."

"I don't mean to be rude but who are you?" ani Cyrus na tila hindi nagustuhan ang biglang pagsulpot nito sa imbestigasyon nila.

"Oh, sorry." Paumanhin nito. "I'm Dovan Arte, agent on vacation."

Lalong nagsalubong ang kilay ni Cyrus at nagkatinginan pa sila ni Hannah na nakakunot-noo rin. "On vacation pero nangingialam ka sa isang kaso?"

Nagseryoso na rin si Dovan. "Puwede ba natin itong pag-usapan sa conference room?"

###

"September 19, 2008 nang ibigay ang kaso ni Mandy Doria sa isang Eaven Paige. The victim is a daughter of a well known advocate and politician." Simula na naman ni Luna ng usapan.

"Hindi dapat siya nabuhay, isa siyang anak sa labas na walang ibang minahal kundi ang sarili niya at ang yaman niya. Marumi siya. Malandi siya kagaya ng kanyang ina."

"Pinatay mo siya hindi dahil doon, Lance." Tinignan lang siya ng lalake. "Dahil ito sa abortion, hindi ba?"

Muling nabakas ang galit sa mukha nito. "Tama lang 'yon sa kanya. Kabayaran iyon sa ginawa niya sa anak ko."

"Do you even know why she aborted the child and called off the wedding?"

"I don't care!" bulyaw nito. "Ano? Magkukuwentuhan na lang ba tayo rito? Asan na ang sinasabi mong hindi nila malalaman? Naghihilom na ang mga sugat ko. Kung gusto mo akong patayin, gawin mo na bago pa kita-"

"You have the same mother."

###

Kabanata 24: The word you curse would be yourcruise, in the world that's false no truth would come close.a

Case #366Where stories live. Discover now