K21

2 0 0
                                    

Case #366: Kabanata 21

"Ma'am."

Napaangat ng tingin si Elle at nakita ang partner ni Lance, si Bardon. "Kumusta? May balita na ba kay Lance?"

"Wala pa po, ma'am. Pero, may gusto pong kumausap sa inyo."

"Sino?"

"Ang nanay po ng nagpakamatay na preso."

Napatayo si Elle at inayos ang mesa. "Tawagin mo rito."

"Opo." Anito bago umalis. Ang sumunod na nagpakita sa harap niya ay ang may edad na ginang.

"Umupo po kayo, ma'am." Anyaya niya. Sinabayan niya ito sa pag-upo sa isang sofa roon. "Bakit po kayo naparito, ma'am?"

"Totoo bang umamin si Ronaldo na siya ang pumatay sa doktora?"

Hindi kaagad sumagot si Elle. "Opo, ma'am."

Napaiyak muli ang ginang. "Kung alam ko lang, sana pumunta na ako kaagad rito. Pero walang magbabantay sa kanya, inantay ko pang mailibing siya. Sana pumunta na ako kaagad rito."

"Kung ano man po ang sasabihin ninyo, makikinig po ako."

Pilit pinigil ng ginang ang mga luha niya. "Simula nang mamatay si Leah, tila nawalan na rin ng saysay nag buhay ni Ronaldo. Wala na siyang ibang inisip kundi maghiganti. Pero, sinisigurado ko pong hindi siya ang pumatay sa doktora."

"Ma'am, nakita po ang mga gamit niya na itinapon sa malapit na ilog doon sa apartment-"

"Dahil natakot siyang mahuli."

Naguluhan si Elle. "P-pero ang sabi niyo po, hindi siya ang pumatay."

"Hindi, hindi tungkol doon sa pagpatay." Hinawakan ng ginang ang kamay ni Elle. "Noong umuwi si Ronaldo, sabi niya tinangka niyang maghiganti sa doktora,"

"Kay Miss Cortes?"

"Hindi ko sigurado kung anong apelyido niya pero ang pangalan niya ay Luna." Tumango si Elle. "Pero hindi niya tinuloy, noong gabing iyon, pumunta siya sa'kin. Humingi siya ng tawad. Sabi niya may nakakita raw sa kanyang pulis at sa mga sandaling malaya pa siya ay gusto niya akong makasama. Nagsisisi siya sa ginawa niya, kaya imposibleng siya ang pumatay sa doktora."

"Kung hindi po ang anak ninyo, bakit alam niya ang nangyari noong gabing iyon?"

Napaisip ang ginang. "Siguro oo, meron. Meron nga."

"Ano pong meron, ma'am?" mas naguluhan pang tanong ni Elle.

"May nilalagay siya noong kamera sa isang laruang pambata. Sabi niya gagamitin niya iyong pang-security sa bahay niya."

"Tinutukoy niyo po ba iyong teddy bear na purple?"

"Hindi ko na matandaan ang kulay pero, oo teddy bear na ganito lang kalaki." Inilarawan nito kung gaano kalaki ang sinasabing laruan.

"Alam niyo po ba kung saan nilagay ng anak ninyo ang laptop niya?"

"Ang alam ko nasa apartment niya."

Tumango na lamang si Elle. "May iba pa po ba kayong sasabihin?"

"Nahanap na ba siya?"

"Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin po namin siya."

###

"San ka pupunta?" tanong ni Hannah kay Elle. Papasok siya ng opisina at paalis naman ito.

"Sa CR lang. Balik ako agad."

Pinuntahan na lang niya ang ginagawa ni Elle. Patuloy pa rin ang pagco-cross reference nito. "Nag-report na ba 'yon?" tanong niya sa sarili pero kinuha pa rin ang cellphone at tinawagan si Cyrus.

"Anything?" agad na tanong ng nasa kabilang linya.

"Yes, pero hindi ko alam kung tapos na ito. Kumusta diyan?"

"Ito, nagbabahay-bahay para mahanap kung saan nagpunta ang babaeng iyon."

"Ang kapatid niya?"

"Nagkaproblema kanina pero stable naman na raw. She'll survive, and I pray na sana magkamalay na siya."

"Anong initial findings?"

"May saksak si Luna sa may tagiliran at ginamot ng fiancé ni Miss Cortes."

"Ganun-ganun lang? Ni hindi tayo kinontak?"

"Wala na siya bago pa man mapansin ng doktor. Kumusta diyan?"

"Elle is working on something here. Nga pala, Cy, may kilala ka bang Eaven Paige?"

"Eaven Paige? May naririnig ako pero hindi ko pa siya nakikita o nakikilala nang personal. Pero narinig ko madalas siya sa covert ops. Bakit?"

"Eight years ago, may hinawakan siyang murder case. Binasa ko ang medical exam niya at sabi namatay ito from a single gunshot to the chest."

"Alam ko na. Nagtataka ka kung bakit isang malaking tao ang humawak sa isang murder case." Natawa ito. "Hindi naman ibig sabihin na kung malaki ang pangalan ay hindi na puwedeng humawak ng maliliit na kaso."

"Maliliit? FYI, mister. The vic is Mandy Doria, a woman from a very wealthy family. Nagtataka lang ako kasi kung gustong mahuli ng mga ito ang salarin bakit ginawa pa itong sekreto. Ano bang klase ng operasyon ang isinasagawa ng mga Eaven na ito? Assasination?"

"Mga Eaven?"

"Bakit? Di mo alam? Sabi ng tito ni Niel, hindi lang iisa ang taong gumagamit ng pangalang Eaven Paige." Wala siyang narinig na tugon mula rito. "Cy, you still there?"

"I don't know that-Ah, got to go."

"Okay." Nawala na si Cyrus bago pa man niya masabi iyon. Napatingin siya kay Elle na paparating. "Oh? Nangyari sa'yo? Upset stomach?" biro niya.

Umiling ito. "I'm actually upset, not my stomach."

"Bakit?"

"I saw Mr. Lopez' mother outside again. Nakakaawa." Iniikot ni Elle ang laptop at napanganga na lang. "Nakita mo ba ito?"

"Yup, tapusin na natin at naghihintay sila ng update."

Napatingin si Elle sa kasama. "But you're not surprised." Nabakas ang pagtataka sa mukha ni Hannah sa sinabi niya. "Lahat ng kaso kasama si Lance."

###

Kabanata 21: The mind does not bore 'causethoughts runs to its door, to cut the chase you had to run the maze.,\"iq

Case #366Where stories live. Discover now