Case #366: Kabanata 11
Tumingin lang si Luna kina Denver at Hannah. Ganoon pa rin siya, tikom ang bibig at nakatingin sa pader o sa labas ng maliit na bintana ng selda.
"July 17, 2012, isang babae ang natagpuang tadtad ng saksak sa isang kotse sa Quadron Highway. Ginahasa siya at tinanggalan din ng bahay bata. Sa panahong iyon kayo ang nakadiskubre sa kanya. Nakapagtataka namang nagkataon na kayo ang nakakita sa kanya?"
"Charge me if you have the evidence."
"Don't worry, we will." Ani Denver bago sila umalis ni Hannah. Nakasalubong nila si Cyrus pagkalabas nila roon.
"Akala ko pinuntahan mo si Miss Caitley?" takang tanong ni Hannah.
"Papunta raw siya rito, bibisitahin ang kapatid niya."
"Sa office lang muna kami." Paalam ni Denver pero bago pa man sila makahakbang palayo natanaw na nilang parating ang babae at kasama pa rin nito ang kapwa nila pulis na si Lance.
"Hey, lover boy." Nakangiting bati ni Cyrus sa kasamang maluwag ang pagkakangiti.
"To serve and protect." Anito na ikinatingin ni Kate sa kanya. "That's our duty."
"Sige na, balik sa trabaho." Taboy ni Cyrus. "Miss Kate, dito tayo."
"Sandali lang, puwede ko ba munang makita si ate. Ibibigay ko lang itong mga libro niya. Hindi iyon sanay na walang binabasa."
~
Interruption: SSA Hotchner was kicked out of Criminal Minds. Two main casts exits in one season. Good luck Season 12.
~
"Mind if I check it first?"
"Ako na." pagpipresenta ni Lance bago kinuha ang hawak ni Kate na bag. "Sige na, ako na rin magbibigay nito sa kapatid mo. Sasabihin kong dadaan ka bago ka umalis."
Nakunot-noo si Cyrus na ikinangiti ni Lance sabay tapik sa balikat nito bago umalis.
###
"Tungkol saan po ito, Sir?" agad na tanong ni Kate pagkaupo niya sa silyang inalok ni Cyrus sa kanya. Dinala siya nito sa silid kung saan din sila kinausap ng mga magulang niya noon.
"Miss Kate, naaalala mo pa ba ang nangyari noong gabi ng July 17, 2012?" napaisip ang kausap. "Sa Quadron Highway?"
"Ang tinutukoy mo ba ay iyong pagkakabangga namin sa isang kotse na may lamang bangkay pala." Napahawak siya sa sarili habang inaalala ang pangyayari na iyon. "Oo, naaalala ko pa. Madalas ko pa iyong mapanaginipan noon, buti na lang at hindi ko nakita talaga."
"Puwede mo bang ikuwento sa'kin ang nangyari bago mangyari ang aksidente?"
"Makakatulong ba ito sa paglutas sa kaso ni ate Luna?"
"Maaari."
Tumango si Kate bago tumingin sa mesa habang inaalala ang nangyari sa gabing iyon. "Galing ako sa duty ko noon at si ate naman ay kagagaling din sa trabaho niya sa ospital. Pinuntahan niya ako sa Pharmacy dahil nahuli ako sa pag-a-out. Sabay kaming pumunta ng parking lot. Ako sana ang magda-drive noon pero sabi niyang siya na lang kaya hinayaan ko na. Pagod na kasi ako noon."
"May iba ba siyang kasama o kausap bago o habang nasa biyahe kayo?"
"Hindi, wala." Iling niya. "Hindi siya masyadong gumagamit ng phone kasi hindi rin siya mahilig mag-text o maglaro roon. Kami ang magkausap buong biyahe."
"Anong pinag-uusapan ninyo?"
"Tungkol sa trabaho, nagtatawanan pa nga kami dahil sa mga kliyente na nakakasalamuha namin araw-araw. Mga pantanggal stress na mga scenario at para hindi rin kami antukin. Nagulat na lang kami nang may makita kaming kotse sa kurbada, hindi na kami nakaiwas kaya nasalpok namin iyon. Wala kasing ilaw-"
"Ilaw ang alin? Ang kotse?" untag ni Cyrus, tumigil kasing bigla si Kate sa pagsasalita.
"Hindi, pagkatapos kong tumawag may sasakyan na ng pulis doon. Hindi ko napansin o maalala kung kailan dumating." Nag-iisip pa ring sabi niya.
"Siguro dahil natataranta ka na noon. Pero bukod sa mga naisulat mo sa statement mo noon, may iba ka pa bang naaalala?"
"Hm?" umiling siya. "Hindi po ako nagbigay ng statement noon, si ate ang nagsulat ng lahat kasi hindi niya ako pinayagang alalahanin pa ang nangyari."
"She didn't? Why?"
"Because," napakibit-balikat siya. "Maybe because she's stronger than me. She's a doctor, she knows what is best for me."
Tumango si Cyrus. "Alam mo ba na ang biktima rito ay ang anak ni Mr. Lopez? Ang lalakeng maaaring kasabwat sa pagpatay kay Miss Cortes."
"A-anak niya? Kaya ba niya idinidiin si ate ngayon dahil hanggang ngayon si ate pa rin ang sinisisi niya sa nangyari sa anak niya?"
"Iyan ang inaalam namin. Gusto rin naming malaman kung anong pagkakaugnay ng dalawang krimen at ng mga taong sangkot dito."
"Walang kinalaman dito ang kapatid ko." Matatag ang paninindigang sabi ni Kate.
"Malalaman din natin ang totoo."
Nabakas sa mukha ni Kate ang pagkairita. "Pupuntahan ko na ang kapatid ko."
###
"Nangyari?" salubong na tanong ni Elle kay Cyrus.
"Hindi pinayagan ni Miss Fiasco ang kapatid niyang magbigay ng statement sa nangyaring aksidente noon."
"Bakit daw?"
"To protect her from remembering a traumatic event."
"Or to keep her from telling something that would compromise them." Ani Gedrick.
"Kayo? May nahanap kayong iba?"
"Kagaya na lang ng pagfa-file ng kaso ni Mr. Lopez kay Miss Fiasco?" ani Elle. "Pero na-dismiss din ang kaso."
"He filed a case?" napapalatak si Cyrus. "Hindi ko alam kung masyado bang narcissistic ang mga ito o sadyang madrama lang talaga sila."
"Or neither." Nakakunot-noong sabi ni Gedrick habang kinakalikot ang laptop niya. "I found something."
###
Kabanata 11: No truth is a secret, no words tocovet. Reality is absolute that no one can elude.\��%�ܧ��

YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...