Case #366: Kabanata 30
"Luna, I forgive you. Those were the last words I can remember from her."
Maririnig pa rin ang beeping ng life support ni Caitley sa puting silid na iyon. Malayang pumapasok ang hangin ng umaga sa nakabukas na bintana at pinagsasayaw ang mga puting kurtina roon. Kasabay ng pagkabuhay ng umaga ang muling pagmulat ng mga mata ng pasyente.
###
Tinanaw ni Caitley ang naiwang bakas ng sinabing factory kung saan nila hinihinalang nagtago at nahimlay ang kanyang kapatid at si Lance. Muli na naman itong inangkin ng kagubatan. Hindi na halos makita ang factory dahil sa mga lumot at mga damo na bumalot rito.
"Sa dalawang taon na lumipas, wala na kaming narinig o nalaman pa tungkol sa kanila." Ani Dovan. "Iniimbestigahan nila noon ang rice mill ni Lance pero kasunod ng pagkasira ng factory dito ang pagkasunog niyon. Whether planned or not, nobody knows."
"O baka pinasira din mismo ni Lance."
"Puwede, pero bukod sa motive at pagiging first respondent to the crime scenes, wala na kaming nakuhang ebidensiya na makakapagturo sa kanya. Walang kaming hard evidence para i-charge siya, kung sakali sanang,"
"Sorry, kahit ako ay hindi ko siya nakita kung siya man ang umatake sa'kin. It was a blitz attack."
Tumango lang si Dovan. "We never found remains, everything was incinerated. Pero may palatandaan na naparoon ang kapatid mo. We found a gun which we believe was hers. Ipinagpatuloy namin ang paghahanap, even used facial recognition softwares but we never got any hint on them until now."
"You don't believe it would work that way, do you?"
"No, she knows that."
Tumingin si Caitley sa kasama. "Naniniwala ka pang buhay pa siya, tama?"
Nagkibit-balikat ito. "To see is to believe. But your sister is an insensitive fellow. And stubborn, too. Iisipin ko na lang na nasa maayos siya kung nasaan man siya. She gives us no choice."
Napangiti si Caitley. "She hates drama and she might hate us right now."
"Pa'no na 'yan? Itutuloy mo ba med school mo?"
"Mag-e-enroll ako this sem pero bago iyon gusto ko munang mamasyal abroad."
"You deserve it. Mag-iingat ka."
"Salamat. Tara na, umuwi na tayo at mag-gagabi na."
###
Agad umupo si Caitley sa kanyang kama pagkauwi niya. Marami siyang natamong damage sa katawan dahil sa pagkakasaksak sa kanya at patuloy pa rin ang psychotherapy niya pero sa kabila niyon ay may ipinagpapasalamat pa rin siya.
Tumayo siya at tinanggal ang larawan ng White House na nakadikit sa pader. Kinuha niya ang plane ticket roon bago tinungo ang study table niya. Kinuha niya ang litrato ng huling mensahe ng kapatid at tinignan iyong mabuti. "You still kept your promise despite this?"
"Kate?"
Itinago niya ang ticket maging ang hawak na larawan bago pa man mabuksan ng ina ang kanyang pinto. "Po?"
"Dinner is ready."
"Sige po, may aayusin lang po ako sandali."
Napunta ang tingin ng ina sa kanyang mesa. "Anong meron?"
"Ah..." sandali siyang nanahimik. "May iniwan po si ate, plane ticket."
"Iyong promise niya sa'yo para sa graduation mo?"
Tumango siya. "Scheduled this year."
"Then go. Gusto mo bang samahan ka namin?"
"Hindi na po."
Tinapik-tapik ng ina ang pintuan bago tumango. "I know." Ngumiti siya. "Baba ka kaagad."
###
[Paris, France]
Naupo si Caitley sa isang bahagi ng daan kung saan tanaw niya ang tore na dinarayo ng mga tao. Kinuha niya ang memory card na nasa bulsa. Binigay iyon ni Mr. Lopez sa kanya noong binisita niya ito, bago siya dukutin ni Lance. Isinilid niya ito sa isang kuwintas na pag-aari umano ng anak nito bago iabot sa kanya. Hindi pa niya iyon tinitignan. Sandali pang minasdan ni Caitley ang tanawing iyon bago tumayo.
Dalawang taon na ang lumipas, ilang buwan na siyang gising pero hindi wala pa rin siyang balita mula sa kapatid.
"Caitley? What a coincidence bumping into you here."
"Dovan? Anong ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito ako?" takang tanong niya. "Did you spy on me? Oh, please don't do that even if my sister ordered you to."
Natawa lang si Dovan sa sinabi niya. "Hindi naman. Work actually. Pa'no? Ayoko namang sirain ang pamamasyal mo. See you around."
"Hope not." Biro niya bago kumaway. "See you."
"Oops! Sorry." Paumanhin niya sa nakabanggaan pagkapihit niya. Dumeretso na rin siya sa isang restaurant hindi kalayuan sa pinagmulang kalye. Naupo siya malapit sa salaming bintana at umorder na rin.
Nakunot-noo na lang siya nang makarinig ng pamilyar na ringtone. Napalinga siya sa paligid pero wala naman siyang nakikitang sumasagot sa tawag na iyon. Kinapa niya ang cellphone para tignan kung sa kanya ba galing iyon at mas lalo siyang nakunot-noo dahil hindi lang isa kundi dalawa ang nasa magkabilang bulsa niya.
Luminga siyang muli sa paligid. Tumigil ang pagtunog niyon pero muli na naman itong tumunog, napatingin tuloy sa kanya ang ilang katabi.
"Hello?" sa wakas ay sagot niya na rin. Walang sumagot sa kanya. "Hello?" ulit niya.
"How could you travel here without me?"
Napalinga kaagad si Caitley sa paligid para hanapin ang kausap. "Asan ka?"
"Here, watching you."
###
Kabanata 30: From ash you were made, to ash you will banish.
Editor's note: I havea different ending in mind but let's see, after I re-edit. Str.11.07.16.16.31/re-edithm.11.08.16.21.14.hm.12.31.16.14.42m [H�
YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...