Case #366: Kabanata 9
Naupong muli sina Cyrus at Elle. Nasa labas pa rin si Denver at nanonood. "Sir," tawag ni Gedrick pagkabukas nito ng pinto. "Nandito po ang kapatid ni Miss Fiasco. Gusto raw pong makita ang suspek."
"Nakita na niya ang litrato?"
"Yes, sir pero ipinipilit pong makita nang personal ang suspek. Sabi niya medyo pamilyar daw ang mukha."
"Siya lang." pagpayag niya. Umalis si Ged at kasunod naman niyon ang paglabas nina Cyrus at Elle. "Anong nangyari?"
"Idini-demand na makausap si Miss Fiasco." Sagot ni Cyrus. Tumingin lang sa kanya si Denver na para bang nag-iisip kung papayag sa hinihiling nito. "Maybe we should give it a shot. Siya na lang ang pag-asa natin para malinawan sa kasong ito. Siya lang ang makapagpapatibay sa kaso laban kay Miss Fiasco."
"Go get her." Pagpayag na rin niya. Nakasalubong pa nila sa paglabas ng silid si Caitley. "Miss Fiasco,"
Ngumiti si Caitley, iyong walang buhay, bago tumingin sa salamin. "Siya na ba?"
"Nakikilala mo ba siya?"
Matamang tinitigan ni Caitley ang lalakeng nakaupo sa kabila ng salamin. "Hindi ko sigurado kung saan ko siya nakita pero pamilyar talaga siya sa'kin. Alam ko nakita ko na siya noon."
"Isa siyang online tutor, dati ring guro sa isang private school pero nag-resign three years ago."
Umiling si Kate. "Hindi, hindi sa school."
Bumukas ang pinto at ang nakangiting mukha kaagad ni Lance ang nagpakita. "Puwede bang sumali?" walang itinugon si Denver kaya naman pumasok na siya at tumingin din sa salaming bintana. "Ang walanghiya, akala ko nagmamalasakit lang. Hinuli ko na sana siya kaagad noong inabutan ko siya sa apartment."
"May mga bagay talagang hindi natin inaasahan."
Bumukas muli ang pinto at magkakasunod na pumasok sina Cyrus, Elle at Luna. "Ate," lalapitan sana ni Caitley ang kapatid pero pinigil muna siya ni Denver.
"I'm okay." Ani Luna sa kapatid bago siya ipinasok sa loob ng interrogation room. Doon siya sinalubong ng tingin ni Mr. Lopez. Pinaupo siya ni Elle habang sila ay nakatayo sa likuran niya.
"Kumusta ka na, Miss Fiasco?" unang tanong ni Mr. Lopez.
"Kilala mo ba siya, Miss Fiasco?" segundang tanong ni Elle.
"No." simpleng sagot nito.
"Hindi mo na rin ako maalala?" nainsultong tanong na naman ng ginoo.
"Nakatira kayo sa iisang building pero sinasabi mong hindi mo siya kilala?" si Cyrus ang nagtanong.
"Hindi ko kakilala halos lahat ng nasa building namin." Sagot nito na ikinakunot-noo ni Cyrus.
"Matutulungan kita diyan." Ipinatong ni Mr. Lopez ang nakaposas na kamay sa mesa at inilapit ang sarili rito. "Noong gabing iyon, lasing ka, sinamahan kitang pumasok sa apartment niyo at pinaupo ka sa pinakamalapit na sofa. Nandoon si Doktora at alalang-alala sa'yo. Humingi ako ng tubig at dahil mabait siya sinamahan niya ako sa kusina. Sinabihan pa akong mag-ingat sa mga bubog ng basag na baso. Alalang-alala siya, hindi niya alam na siya ang dapat mag-alala sa sarili niya. Pero huli na nang malaman niya iyon. Alam mo ba kung gaano siya katakot sa mga oras na iyon? Takot na takot siya pero wala siyang magawa dahil akala niya sasaktan kita. Ang hindi niya alam, magkasama tayong may plano niyon."
Nakikinig lang si Luna habang nakatingin dito, pilit pinipigil ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Tahimik din sina Cyrus at Elle doon.
"Nagmakaawa siya. Duguan siyang lumapit sa'yo, umiiyak at mahigpit na kumapit sa mga kamay mo pero wala kang ginawa, pinanood mo lang siya. Sinaksak ko siya, paulit-ulit pero matibay siya, humihinga pa rin. Kaya hiniwa ko siya, halos kulayan na ng dugo niya ang kusina pero wala akong pakialam. I crushed her skull." Tumangu-tango pa siya. " She was totally destroyed, physically ang emotionally. We destroyed her. But her life was in your hands. Ikaw ang pumatay sa kanya."
"Umiiyak siya?" nagtakang tanong ni Lance. Kahit si Denver ay nagtaka sa inasal nito. Pinahid nito ang mga luha at sumandal sa upuan nito.
"Ako ang pumatay sa kanya?" tanong ng lumuluhang si Luna.
"At ngayon nag-iiyakan na sila? Anong nangyayari rito?" komento na naman ni Lance. "Naaawa ba sila sa biktima?"
"Silence please." Ani Denver.
"Pinatay mo siya." Patuloy nito. "Hinayaan mo lang siyang mamatay."
"Mr. Lopez, anong galit mayroon kayo kay Miss Cortes para brutal niyo siyang patayin?" sumingit na si Cyrus.
Bumuntung-hininga ito. "Hindi ko kailangan ng dahilan, gusto ko ang ginagawa ko."
"Bakit si Miss Cortes?"
"Dahil isa siyang kasalanan."
"Gusto ko nang umalis." Putol ni Luna sa usapan. "Ibalik niyo na ako sa selda ko."
"Bakit? Ayaw mo bang malaman nila?" pang-aasar ni Mr. Lopez sa babae.
"Malaman namin ang alin?" tanong na lang din ni Elle.
"Ibalik niyo na ako!" tumaas ang boses ni Luna.
"Okay, ibabalik ka na namin. Hindi mo na kailangang sumigaw." Pagpapakalma ni Elle bago ito pinatayo. Pinagbuksan niya ito ng pinto.
"Anak ni Mr. Fiasco kay Mrs. Cortes," pagsisiwalat pa rin nito. "Si Miss Angel Cortes."
Isinara na ni Elle ang pinto, kahit siya ay nagulat rin sa narinig. Nilapitan sila ni Kate na nasa labas lang at narinig din ang sinabi ng suspek.
"Ate, totoo ba ang sinabi niya?" hindi pa rin makapaniwalang tanong nito.
"Umuwi ka na, Kate. Sa ibang araw na lang tayo mag-usap." Taboy niya bago tumingin kay Elle. "Pakibalik na ako."
Walang imik na sinamahan ni Elle si Luna palabas ng silid habang ang mga naiwan ay hindi pa rin nakakabawi sa mga narinig. Walang anu-ano'y marahas na bumukas muli iyon at pumasok ang pamilyang nasasangkot.
"Pa," kunot-noong tawag ni Kate. "Totoo bang anak mo si Ate Angel?"
Ang mga galit na ekspreson ay napalitan ng pagkabigla. Nagmartsa na palabas roon si Kate nang walang makuhang tugon mula sa mga ito.
###
Kabanata 9: I uttered a prayer that I hope won'twaver, knowledge is my power but one I couldn't answer.

YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...