Case #366: Kabanata 26
"Puwede ba akong magtanong, Ben?"
Napatingin ang lieutenant kay Denver sa pagtataka. "Personal?"
"Kayo ba ang nagpatakas kay Miss Fiasco sa kulungan?" Natigilan ang lieutenant sa itinanong niya. "You did."
"We didn't interrupt your investigation. We did our own. Nanatili siyang tahimik pero hindi namin siya mapuntahan so not to blow her cover off. We planned her escape pero hindi namin siya inabutan roon."
"Puwede mo naman akong kausapin tungkol doon. Bakit kinailangan niyo pa siyang itakas?"
"We came up to a conclusion na maaaring nasa loob rin ang hinahanap naming kriminal kaya nanahimik si Miss Fiasco."
"Kasama na ako roon?"
"Everyone in your department."
"Suspect pa rin ba kami?"
"Monitored." Pag-amin nito.
"Naiintindihan ko." Binuksan ni Denver ang pinto ng driver's seat pero hindi muna siya pumasok pagkakita sa isa pang sasakyan ng kasama nilang humimpil sa tapat nila. Bumaba mula roon si Dovan at Hannah. "Anything?"
Umiling ito. "Walang palatandaan na nagpunta siya roon."
"Hindi siya pupunta sa mga lugar na agad maikokonekta sa kanya, pero it's still worth a try. Pupuntahan namin ang mga lugar na alam kong madalas niyang puntahan, including those places where we conducted operations." Pahayag ni Dovan.
"Dovan," pigil ng lieutenant.
"Sir, I will execute my duty if necessary, kung iyon ang inaalala ninyo."
"Even if it means killing your own friend?"
Hindi kaagad nakasagot si Dovan. "If necessary, sir."
Napatingin si Hannah sa kanyang immediate supervisor. Tumango lang ito.
"Magpapadala ako ng back-up." Anang lieutenant bago umalis si Dovan. Sumakay na rin ng sasakyan sina Denver at ang lieutenant.
"May shoot-to-kill order ba siya?" usisa ni Denver sa lieutenant.
"Pagkatapos ng nangyari sa kaibigan at kapatid niya, hindi niya basta-basta isusuko ang pulis ninyo."
"Hindi mo sinagot ang tanong ko."
Napabuntung-hininga ang lieutenant. "Yes, if necessary."
"Kahit pa siya ay isang Eaven Paige?"
"Dahil siya ay isang Eaven Paige."
###
"Hello, Elle. Ano na-locate mo ba?" tanong kaagad ni Gedrick pagkasagot niya ng cellphone.
"Sabi ng mga Fiasco sa Zackze Communal Forest daw kinunan ang litrato. Two hours ride from here. I looked into that place at may mga caves diyan at ilang kubo na binabantayan ng mga rangers."
"Pupunta kami, send us a map."
"At mag-iingat kayo dahil may sightings daw ng mga poisonous na ahas doon."
"Okay, thanks."
"Wala pa akong naririnig mula kay Hannah."
"Kasama iyong bagong dating. Baka nag-iimbestiga pa."
"Okay, sige, ingat kayo. Kokontakin ko kayo anumang makita ko."
"Mag-ingat ka rin diyan." Ibinaba na niya ang cellphone matapos niyon. "Cy, may possible lead tayo."
"Tara na kung ganoon." Tapik nito sa balikat ng kasama bago sila nagtungo sa kanilang sasakyan.
"Two hours ride."
"Make it fourty-five." Ani Cy na ikinangisi ni Gedrick.
"Alright, just don't get us killed first."
"May balita kina Hannah?" tanong niya bago binuhay ang makina at nagsimulang magmaneho.
"Wala pa raw sabi ni Elle. Ako nang tatawag." Ani Gedrick habang nag-da-dial sa cellphone.
"I'm here." Sagot ng kasama sa kabilang linya.
"Saan kayo?"
"Wala kaming nakita sa property ng mga Cortes pero papunta kami ngayon sa iba pang lugar na maaaring puntahan ni Miss Fiasco. Nandito na kami, call you later." At nawala na ito sa linya.
"May pinuntahan daw na ibang lugar, suggestion siguro ni Dovan."
"I don't like this Dovan."
"Yeah, you have the right to feel insecure sometimes. Lalo na sa isang katulad ni Dovan."
"Insecure?" natawa si Cyrus sa ideyang iyon. "Hindi ako insecure. Hindi ko lang gusto iyong parang minamaliit tayo dahil lang sa nasa elite group siya."
"Wala akong problema roon."
"Naririnig ko ba 'yan mula sa isang police officer o sa isang genius officer?"
"Both."
Nangiti si Cyrus sa sinagot nito. "Hindi ka nga lang nagmumukhang genius."
"Thanks." Tugon niya bago namalayan ang pagtunog ng cellphone. "Hannah, naka-speaker ka."
"Nandito kami sa isang diner di-kalayuan sa apartment ni Miss Caitley. Sabi ng manager nagpunta raw si Kate rito bago siya nawala."
"Bakit daw?"
"Purchased food enough for two people for a week. Where does that lead us to?"
"May kasama siya? Sino?"
"Si Luna." Ani Cyrus. "That explains why the garbage can is empty."
###
Kabanata 26: The promise I kept, I must dismiss.The words I'll speak, now they won't break.RB%

YOU ARE READING
Case #366
Misterio / SuspensoStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...