Case #366: Kabanata 12
"Sigurado ka ba?" tanong ni Denver na nagmamadaling pumunta ng opisina nila matapos tawagan ni Elle.
"Yes, sir. Nakausap ko na po ang mga bus operators na bumibiyahe sa rutang iyon." Sagot ni Gedrick bago ipinalabas ang huling video na pinapanood. "Ito ang CCTV sa istasyon kung saan nanggaling ang bus. Umalis ito ng mga bandang 7:26 PM. Sa ibang video makikita kung anong oras naman ito dumating sa destinasyon nito. It's 10:17 PM. Sabi ng kundoktor, mga lima lang silang isinakay mula sa highway, panghuli si Mr. Lopez. Kung tuloy-tuloy lang ang biyahe, aabutin ito ng mga isang oras at kalahati, kung patigil-tigil nasa halos dalawang oras. Pero higit dalawang oras nagbiyahe ang bus ibig sabihin binagalan niya ang pagpapatakbo hanggang sa maisakay nito ang huling pasahero."
"Mula sa tulay hanggang sa destinasyon aabutin iyon ng 30 to 40 minutes kung tuloy-tuloy, at kung ika-calculate natin, sumakay si Mr. Lopez sa bus ng mga 9:30 to 9:40." Patuloy ni Elle.
"Hindi iyon magiging posible." Naguluhang sabi Hannah. "Nangyari ang krimen between 9:30 to 10 ng gabi."
"Iyon nga rin ang pinag-uusapan namin ni Ged kanina." Ani Elle. "We are thinking that we might have the wrong guy."
"Let's go talk to him." Iyon ang binitawang mga salita ni Denver bago nila ipinakuha ang suspek mula sa piitan nito.
###
"Anong nangyayari rito?" tanong ni Lance pagkatapos niyang iwanan sa loob ng interrogation room si Mr. Lopez. "Akala ko ba tapos na ang interrogation niyo? Umamin na di ba?"
"Iyon din ang akala namin." Tugon ni Cyrus. "Pero may iba pa kaming nalaman na maaaring makaapekto sa kaso."
"Tulad ng?"
"Maaaring hindi siya ang kasabwat o maaaring hindi lang dalawa ang hinahanap nating salarin."
Napakunot-noo si Lance. "Tatlo?"
"Papasok na kami," pagpapaalam ni Gedrick. Sa pagkakataong ito, sila naman ni Denver ang magkasama sa pakikipag-usap rito. Sina Cyrus, Lance, at Hannah ay nanatili sa labas.
"Tungkol saan na naman ito?" salubong na tanong ni Mr. Lopez sa dalawang pulis. Mas mahinahon na ito kaysa noong unang makausap nila ito. "Nasabi ko na sa inyo ang lahat."
Tahimik na umupo si Gedrick kaharap ang suspek samantalang pinili ni Denver na tumayo na lamang. "Mr. Lopez," inilabas ni Gedrick ang isang litrato ng babae at ipinaharap dito. "Nakikilala niyo po ba siya?"
"Ano 'to?" hindi nagustuhang tanong nito. "Kung may itatanong kayo, tanungin niyo na lang. Hindi niyo na kailangang ungkatin pa ang tungkol sa anak ko."
"Sige po," binawi ni Gedrick ang litrato. "Sinong pumatay kay Ms. Leah Lopez?"
Nag-iwas ng tingin ang ginoo, bumuntung-hininga bago tumingin muli kay Gedrick. "You tell me. Who killed her?" tila hamon nito.
"Huh," napaismid si Lance. "Is he challenging us? Akala ko ba siya ang submissive partner."
"It is possible that they're both dominant but that's yet to be confirmed." Sagot ni Cyrus.
"Hindi na ako magtataka kung hindi na sila magsasalita pa tungkol sa mga kaso. Remember that they were not caught the first time, now, they're both here."
"How'd you know that's the first time?" usisa pa rin ni Lance. Kunot-noo lang na tumingin si Hannah sa kanya. "What if, just what if, that was not their first?"
"Babalik lang ako sa office." Paalam ni Hannah bago umalis doon.
"Si Miss Fiasco ang pumatay sa kaibigan niya," ani Gedrick. "Ikaw din ba ang pumatay sa sarili mong anak?"
"Maybe."
Napakunot-noo si Denver. "Ang ibig mo bang sabihin ay may iba pa kayong naging biktima bukod kay Miss Cortes at sa anak mo?"
"Who knows." Kibit-balikat pa nito.
Tinignan niya ang suspek bago sinagot ang tawag sa cellphone niya. "Thank you." Tugon niya bago humarap muli sa mga nasa silid. "Anong dahilan mo sa pagpatay sa sarili mong anak?"
"Ano nga ba?" hindi pa rin natitinag na tanong nito. "Ano bang dahilan ni Miss Fiasco?"
Inilabas ni Denver ang mga larawan ng anak nito na mula pa crime scene. Isa-isa niya iyong inilapag sa mesa pero saglit lang itong tinignan ng suspek. Ang pokus nito ay sa kanila. "Why did you kill your daughter?" tanong niyang muli.
Nagkibit-balikat itong muli.
"Sinaksak mo siya nang paulit-ulit, walang bahid ng pag-aalinlangan. Hindi ka natinag sa kabila ng pagmamakaawa niya sa'yo, wala kang pakialam kahit na makailang ulit ka pa niya tawagin bilang ama niya." Umiling lang ito, iwas ang tingin."Ginahasa mo siya at tinanggalan ng bahay-bata para parusahan ang asawa mong nang-iwan sa'yo. Wala kang pakialam. Wala kang pakialam dahil hindi mo naman siya tunay na anak hindi ba?"
"Hindi totoo 'yan! Anak ko siya!"
"Alin ang hindi totoo? Na anak mo siya at hindi ng pinakamatalik mong kaibigan? Look at her, Mr. Lopez." Pakita niya ng litrato ng duguang biktima. "Ito ba ang kayang gawin ng isang ama sa kanyang anak?"
"Wala kayong alam." Diin nito. "Wala kayong alam," ulit nito pero sa pagkakataong iyon ay nagsimula nang kumawala sa mga mata nito ang mga luha. Pinulot nito ang isang litrato doon. "I love her so much. Handa akong gawin ang lahat para sa kanya."
"Bakit mo ginawa iyon, Mr. Lopez?" tanong naman ni Ged.
Lumuluha pa rin itong umiling. "Hindi ko alam."
"Anong laman ng laptop na itinapon mo?" sunod na tanong niya pero umiling lang ito.
"Kasalanan ko." Patuloy sa pagluhang sabi ng ginoo. "Dapat lang kaming makulong pareho."
"Sir, hindi niyo kasalanan ang nangyari sa anak ninyo." Napatingin sa kanya ang ginoo. "Alam na namin ang totoo. Hindi kayo ang kasama ni Miss Fiasco pero kailangan niyong sabihin sa'min ang lahat-lahat ng nangyari noong gabing iyon para sa ikalulutas ng kasong ito. Para sa anak ninyo. Anong laman ng laptop ninyo na ayaw niyong makita namin?"
"I have been stalking them." Sagot nito. "Apat na taon na."
###
Kabanata 12: Nobody knew even what is true aswell as nobody saw what measures I had to do.
YOU ARE READING
Case #366
Mystery / ThrillerStr.08.07.16.10.23 It's red. All I can see is red. The walls, the windows, the floor, everything is painted with the ugliest color I have ever seen. My hands are stained. I tried removing it, wiping it on my shirt but it just gets di...