6:00 a.m. Marahan kong pinatay ang alarm clock na walang pakundangan kung manggising. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo. Pagkatapos non ay nagbihis na ako at lumabas sa kwarto ko.
"Goodmorning, Miss Astrid." bati nang isang kasambahay namin. Nginitian ko lang siya at bumaba na. Pumunta ako sa dining area namin at doon ko nadatnan ang mga magulang ko. Hinila ko ang pinakadulong upuan at tsaka umupo.
Hindi ko alam kung dahil lang ba busy sa pagbabasa ng dyaryo si papa at si mama naman ay sa pag kain kaya hindi nila napansin ang presensya ko. Napabuntong-hininga ako. Dapat ay sanay na ako sa mga gantong eksena. Lagi namang ganito ang pagtrato nila sakin. They always treat me like I don't exist in their lives.
Umubo pa ako para bumwelo gayong ang sasabihin ko lang naman ay "Goodmorning po." Huminto si papa sa pagbabasa para sabihin sa aking "Oh, bat ang aga mo?" sabay higop ng kape.
"Uhm, may groupwork po kasi kami eh. Tsaka dadaan na din po ako kay Mico." pagsisinungaling ko. Ang totoo ay pupunta ako sa Paradox Institute upang magparehistro. Buo na ang loob ko. Sasali ako kahit anong mangyari. Pero wala akong balak na ipaalam ito kahit na sa pamilya ko. Alam ko namang tatawanan lang nila ako at sasabihang desperado. Pero yun naman ang totoo, desperado nga ako.
"Hmm, mabuti. Pagbutihin mo yang pag-aaral mo dahil edukasyon nalang ang mayroon ka." He said.
I mentally scoffed. Hah! Magugulat nalang kayo wala na ako dito at babalik na mayroon ng special ability. Makikita niyo...
--------
"Pangalan?"
"Astrid Finch." Sagot ko. Napatingala sakin ang lalaking naglilista ng mga pangalan ng sasali.
"Anak ka ng mayor??" Tanong nito na tila ba gulat na gulat. Nagtinginan tuloy ang mga tao sa paligid namin at nagsimula na akong makarinig ng mga bulungan.
"Uh-huh." mahina kong sagot. Di ko alam kung bakit pero bigla nalang akong ginapangan ng hiya. "Disi-otso kana diba?"
"Oo." matipid kong sagot. Hindi niya na akong tinanong ng kung anu-ano pa gaya ng family background ko dahil alam naman na siguro niya iyon. "Osige. Tumuloy ka na sa Conference room." pagkuwa'y sinabi nito.
Kahit nagtataka ako ay sinunod ko ang sinabi niya. Akala ko kapag nakapagparegister ka na eh miyembro ka na agad. Hindi ko alam na may ganito pa pala.Kumatok ako sa pinto sabay binuksan ito. Doon ako mas nakaramdam ng hiya at kaba. Bakit andaming tao? Ito ba ang mga miyembro ng Paradox Association?
"Welcome to the Paradox Association, miss...?"bati nang isang lalaki sakin. Kahit nakangiti ito ay makikitaan mong may taglay itong awtoridad. May matipuno itong pangangatawan at mukhang mas matanda ito sa akin.
"Astrid. Astrid Finch." I tried to compose myself as I continue to walk in front of them. Which I regret now. Ang mga walang pakialam sa presensya ko kanina ay matamang nakamasid na sa akin ngayon. "Oh, the daughter of our dear mayor." he stated.
"Do we still need to test her?" singit ng isang lalaking nakaupo kasama ng ibang miyembro.
"Of course. So what kung anak siya ng mayor? That's not an excuse. Walang special treatment dito..."sabi naman nung babae na katabi ng lalaki. She's so thin and small. Parang manika. Tipong hindi mo aakaling may matabas na dila. Pero kagaya ng lalaking nasa harap ko at ng lalaking nagsalita kanina, maawtoridad din ito. Siguro sila ang naatasang mamuno sa grupong ito.
"Akiko's right. Skills ang sinusukat natin dito at hindi ang taas ng status ng isang personalidad. So let's start?"
"Huh?" maang kong tanong. Paanong test ba ang gagawin nila sakin? Walang anu-ano'y hinawakan niya ang kaliwang bisig ko at ipinilipit. Fuck. Napasigaw ako sa sakit. Pagkatapos ay hinawakan niya naman ang kaliwang balikat ko at idinapa sa sahig.
"Holy shit!" I cursed. I didn't expect this and I'm not prepared at all.
"Fight me!" He said. Sa pagkakataong ito, gusto ko siyang murahin. Sira ulo ba siya? Paano ako makakalaban kung ipinipilipit niya na ako dito? He should have oriented me first para naman alam ko at sana nakabuwelo ako.
Habang tumatagal ay lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sakin at kumabayo pa siya sa likod ko. "I said, fight me." Kagaya nga ng sinabi niya, inipon ko ang lakas ko upang kumawala sa hawak niya. Nagawa ko iyon at saka nagpagulong-gulong. Ilang segundo pa ay nakatayo na kami pareho. Wala akong ginawa kundi ang pagmasdan siya. Pilit kong pinakikiramdaman ang bawat pagkilos niya. But I know that I'm a little bit distracted. Behind those intense eyes is a playful amusement and I don't like the way he looks at me because it's giving me shivers.
Maya maya pa'y lumapit siya sa akin at akmang susuntukin ako pero sinangga ko ito. Abante-atras-suntok-sangga ang ginagawa namin. I need to think of another move. Dahil kung hindi ay baka maunahan niya pa ako.
Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay sinuntok ko ang abdomen niya at sinipa ko ang kanyang binti. Nang mapaluhod siya ay hinigit ko ang leeg niya ng braso ko. But I suddenly lost the upper hand. Nakabawi siya at sa isang iglap ay nakapaibabaw na siya sakin.
"Woaahh, stop! Stop!"awat ng lalaking nagsalita kanina. "That's enough guys. Baka magkapatayan pa kayo."
Huminto kami at tumingin sa mga nanunuod sa amin. Halata ang kaba at excitement nila dahil mukhang tutok na tutok sila sa nangyari. "Great." Said this guy on top of me in a breathy voice. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sakin habang nakangiti. Inabot ko ito at hinila niya ako patayo. His expression lighten up again. Parang hindi siya yung halimaw na nakalaban ko kanina.
"Congratulations, Miss Finch. You are now one of us." He said and everybody in the room clapped their hands. And that is my turn to breathe a sigh of relief. Sa wakas. Malapit na din ako sa inaasam ko..
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...