"Kailan ka ba magtitino, ha?!" narinig kong sigaw ni President Mcewen sa anak niya."Bago mo sabihin sakin yan, tignan mo muna yang sarili mo!" pabalang na sagot ng anak niya.
Rinig na rinig ko ang pagbabangayan ng mag-ama sa baba mula dito sa guest room. Dito muna ako pansamantalang pinatuloy ng mayordoma na si Madam Lineth dahil kakausapin muna ni Mr. Mcewen ang anak niya ukol sa panibagong gulo na pinasok na naman daw nito.
Bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito si Madam Lineth. May dala-dala itong brownies at tasa na may lamang hot chocolate na nakalagay sa tray. "O, heto. Magmerienda ka muna." nakangiting sabi nito saka inilapag ang tray sa bedside table.
"Salamat po." sabi ko nang inabot niya sa akin ang tasa.
"H'wag kang mahihiya, iha. Kung may kailangan ka ay sabihin-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng marinig na may nabasag na babasaging bagay. Maski ako ay nagulat at natakot. Ano kayang nangayayari sa mag-ama?
"Naku naman. Ito talagang si Fritz, oo. Mababawasan na naman ang figurine na nakadisplay. Mahal pa naman ang mga iyon." sabi nito habang ang mga kamay ay nakalagay sa dibdib dahil sa pagkagulat.
"...Matanong ko lang po, bakit ganyan po umasta ang anak ni President sa kanya? Madalas po ba silang ganyan??" sabi ko na puno ng kuryosidad. Ngunit kalaunan ay nabigla ako sa sinabi ko. Gusto kong putulin ang dila ko dahil sa walang preno kong kakasalita. Ang tanga at ang tsismosa mo talaga, Astrid. Masyadong personal ang itinanong mo!
"S-sorry po." nasambit ko na lamang ng mapagtanto ang katangahang ginawa ko.
"Ano ka ba, iha. Ayos lang." sinabi nito saka muling ngumiti. Umupo ito sa kama katabi ko. "Alam mo kasi, Astrid. Simula ng mamatay ang first lady na si Ma'am Ellaine ay lumaki ang pinagbago nitong si Mr. President. Lalo na nang nagkaroon pa ng malubhang sakit ang isa sa kambal niyang anak na si Faith. He was so devastated that he even wanted to end his terminology as a President and commit suicide..." I was shocked of what I heard. Grabe pala talaga ang naging epekto nito kay Mr. President.
"...Akala ko si Mr. Mcewen lang ang nagbago. Pero pati pala ang isang anak niya na si Fritz. Naging basagulero na ito at nagkaroon ng mga bisyo. Doon nagsimula ang lagi nilang pag-aaway na mag-ama. Madalas na gabi-gabi nag-aaway ang dalawa at minsan ay humahantong pa sa pisikalan. Hindi na nila tinuturing ang isa't-isa bilang mag-ama." nakita ko ang namumuong luha sa mga mata nito. "Nakakalungkot isipin na unti-unti ng nawawasak ang masaya at nagmamahalang pamilya na nakita ko noon. Napamahal na din ako sa pamilyang ito.." sabi nito at pinunasan ang mga luhang nakatakas sa mga mata nito. Niyakap ko si Madam Lineth at marahang hinimas ang likod nito upang pakalmahin. Kahit ako ay nakaramdam ng sobrang lungkot dahil sa mga narinig ko.
Lumipas ang ilang minuto na ganun ang sitwasyon namin at kalaunan ay naging maayos naman na si Madam Lineth at nagkwento na ng masasayang bagay tungkol sa pamilya Mcewen. Kinwento niya simula noong una niyang pagsilbihan ang pamilya na minahal at tinuring siya bilang kamiyembro nila. Ako naman ay matamang nakikinig lang sa kanya.
"Ilang taon ka na nga pala, Astrid?" biglang pag-iiba niya ng usapan.
"Eighteen ho." Sagot ko naman.
"Ay, edi hindi pala nagkakalayo ang edad mo sa edad ng kambal. Mas matanda ka lang ng isang taon. Kakaseventeen lang nun eh." natutuwang sinabi nito.
"Talaga po?" tanong ko saka inilapag sa tray ang tasa na wala ng laman.
"Oo. Ano kaya kung bumaba na tayo? Mukhang tapos naman na mag-away ang dalawa. Ipakikilala kita kay Fritz" excited na sinabi ni Madam Lineth pero hindi pa man ako nakaka sang-ayon ay kinuha na nito ang kamay ko at bumaba na kami sa living room kung asan sila.
Nang makababa kami ay nadatnan ko ang mag-ama na sa tingin ko ay nagbabangayan pa din pero hindi na kagaya ng kanina. Mas mahinahon na ang pananalita ng presidente pero bakas pa din ang frustration at galit sa mukha nito. Dumapo naman ang tingin ko sa lalaki na nakaupo sa couch at nakatopless. Ang katawan nito na halos puno na ng tattoo ay puro galos at may mga dugo pang tumutulo dito. Pinapalibutan siya ng tatlong katulong nila na ginagamot ang mga sugat niya. Panay ang mura at reklamo nito sa t'wing dumadampi ang mga bulak na may betadine sa kanyang mga sariwang sugat.
"Yan ang napapala mo." sabi ni President Mcewen sa anak nito.
"Shut up" sabi nito na para bang hindi niya ama ang kausap niya.
Biglang kumulo ang dugo sa inasta niya at hindi na nakapag timpi. "Hey, jerk. Pwede bang ayus-ayusin mo yang pananalita mo? Tatay mo ang kausap mo." marahas kong sinabi.
Gulat itong napatingin sakin na para bang ngayon lang napansin ang presensya ko. "Oh, sino ka naman? H'wag mong sabihing babae ka ng magaling kong ama?" sarkastikong sinabi nito.
Ikinuyom ko ang mga palad ko para magpigil dahil baka mabigwasan ko na ito."Fritz!" pagsaway ng ama niya sa kanya. "Siya si Astrid. Siya ang sinasabi ko sayong tutulong sa atin sa paghahanap sa Phoenix. Tutulungan niya tayong mapagaling si Faith." Paliwanag nito.
"O talaga? So what do you want me to do? D'you want me to thank her or what?" hindi pa din naaalis ang pagkasarkastiko dito. Fuck, Astrid. Magpigil ka. Magpigil ka.
"No. I want you to come with her."
"What?!" sabay naming sinabi na gulat na gulat.
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...