Chapter X: Clues

2.6K 128 0
                                    

"Nostronum spiritus sunt unum..." said the girl who's standing about five meters away from me. Sa palagay ko'y kasing edad ko lang ito. Payat ang kanyang pangangatawan at kayumanggi ang kulay ng balat. Ang mahaba at maitim nitong buhok ay nakaladlad hanggang bewang niya. At ang kanyang mga mata ay kulay berde. Kagayang-kagaya ito ng sa akin.

I got goosebumps all over my body. Having an eye contact with her is a strange feeling. Really strange. Why is it that I see myself in her when I look into her eyes? She smiled oddly then slowly turned her back. My eyes squinted because of the light that's coming to us. Hanggang sa nakarinig ako ng maingay na tunog. Parang tunog ng makina. Then it hit me. Fuck. Nakatayo pala kami sa riles ng tren!

Tumakbo ako papalapit sa babae upang hilahin siya paalis dahil may paparating na tren at mababangga kami. Hinawakan ko ang braso niya pero nagpumiglas siya at itinulak ako paalis ng riles. Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. Tatayo pa sana ako upang hilahin siya pero huli na ang lahat. Sa isang kisap-mata ay nakita ko ang pagbangga ng tren sa babae. Napatakip ako sa bibig ko at ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa hindi ko kayang makita ang hitsura ng babae.

"Nostronum spiritus sunt unum..." narinig ko na naman ang mga salitang iyon. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang isang matandang lalaki na nakahiga sa hospital bed. May dextrose na nakaturok sa kanyang kanang braso at may nakakabit na oxygen mask sa kanya.

Dumilat ito at tumingin sa akin. Those eyes again... kulay berde din ito at katulad ng sa akin at sa babae kanina. Inalis nito ang oxygen mask at ngumiti sa akin. He seemed to recognize me.

"Do you know me?" I asked.

Tumikhim ang matanda at tinitigan lamang ako. Para bang pinag-iisipan niya kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi. Ngunit kalaunan ay bumuka din ang bibig nito "Yes. You are... me." sumilay ang ngiti sa kanyang mga mata.

"....What do you mean??" confusion was written all over my face. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Paanong nangyari na ako ay siya? I just don't get it.

He didn't respond and he just closed his eyes. Akala ko nag-iisip ulit siya ng sasabihin pero nagulat ako ng hindi na ito humihinga. Tumingin ako sa monitor at nakita ang mahabang linya. He's dead. I didn't know I was holding my breath for a few seconds because I was too shocked. Fuck. Did I just saw two people died infront of me today?

Tumakbo ako palabas ng kwarto para sana tawagin ang doktor pero nasa ibang lugar na naman ako. Heck, paanong naging playground ang labas ng hospital room? I facepalmed when realization hit me.I am dreaming... And I need to wake up now dahil kung hindi ay baka kung ano naman ang makita ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagconcentrate sa pag-aakalang magigising ako pag ginawa ko iyon. But I was wrong. When I opened my eyes ay ganun pa din ang nakita ko. Ang kaibahan nga lang ay may batang lalaki na sa harapan ko ngayon. Those eyes... again. Ano bang meron sa mga matang ito at nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam?

"You can't wake up!" napangiwi ako sa sinabi niya. Ngumisi siya sa akin na para bang nang-aasar. "Why?" tanong ko sa kabila ng pag kairita.

"Can't you see?? This dream of yours isn't just an ordinary dream. It's a riddle!" He said. "A riddle?" Napakunot ang noo ko.

"Yes. A riddle." tumakbo siya palayo sa akin at pumunta sa swing. Umupo siya doon at nagpaduyan duyan.

"Do I have to solve this riddle?" Sabi ko at tumakbo papunta sa kanya. "Of course. Silly." he giggled.

"Fuck." I cursed in a low voice. "I have to wake up. Nagsasayang lang ako ng oras dito." sabi ko at tumalikod sa kanya. Nagsimula na akong maglakad papalayo.

"You're crazy. Hindi mo ba alam na may kinalaman sa pagkatao mo ang lahat ng nakikita mo sa panaginip mo?" napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kanya. "At anong kinalaman nito sa akin?"

"Hindi ko pwedeng sabihin. Ikaw dapat ang makaalam nito." Sabi nito at itinigil ang pagduyan.

"Ikaw, anong kinalaman mo dito? Kilala ba kita? Kilala ko ba ang mga taong nakita ko kanina?" Habang tumatagal ay mas lalo akong naguguluhan.

"Maybe." He shrugged. Oh, fuck this nosy little kid. "Clues are everywhere."

I raised my eyebrow, "Ano yung mga clues?"

"Bakit ko sasabihin? Ikaw ang maghanap nun. Tinulungan na nga kita eh. Tsk tsk." napailing na sinabi nito.

"Pero-" magsasalita pa sana ako pero nawala nalang bigla yung bata at naging blanko ang paligid. Minulat ko ang mga mata ko. Kung kanina ay gustong-gusto kong gumising, ngayon ay ipinagdadasal kong sana hindi nalang pala.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon