Chapter XXXVI: Sorry

2.4K 95 9
                                    

Matapos ang isang araw naming pamamalagi ay napagisip-isip namin ni Fritz na ipagpatuloy na ang aming paglalakbay. Noong una ay ayaw niya pang pumayag dahil baka hindi pa maayos ang kalagayan ko pero mabuti na lang at nakumbinsi ko din siya. Hindi ko alam kung ano nang plano namin ngayon at kung saan ba kami patungo pero hindi pa din kami nakakalabas sa kagubatan hanggang ngayon. Wala pa naman kaming mapa.

"Fritz, kausapin mo naman ako!" halos kinakapos ang hininga ko nang sinabi iyon.

Naiinis na ako. Simula kanina pa walang nag-iimikan sa aming dalawa at sobrang nakakabingi na ang katahimikan. Nang sinubukan ko namang magsalita ay wala man lang siyang pagtugon kaya nagmumukha lang akong tanga dito na para bang kinakausap lang ang sarili ko. Ito na ba yung sinasabi niyang pag-iiba ng kanyang pagtrato sa akin?

Napabuntong-hininga ako nang huminto siya at liningon ako. Muli ko na namang nakita ang kanyang mukha na walang emosyon. "Ano bang problema mo?" naiirita niyang sambit. Inirapan niya pa ako at napahawi sa kanyang medyo humahaba ng buhok na nakaharang sa kanyang noo. Para bang nababagot ito.

"Kinakausap kasi kita kanina pa pero hindi ka naman sumasagot!" hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses. Nagsimula ng kumulo ang dugo ko at kapag hindi niya pa tinigilan 'tong kagaguhan niya ay magngingitngit na talaga ako sa galit.

"Fuck. H'wag mo 'kong sigawan. Naririnig kita." sabi niya na para bang nagtitimpi. At ano?! Siya pa ang may ganang magalit ngayon?!

Sa sobrang pagkainis ay dali-dali akong lumapit sa kanya at tinulak siya pero mukhang hindi naman siya natinag sa kinatatayuan niya. "Sana hindi mo nalang ako pinuntahan kung ganito lang din naman pala ang itatrato mo sakin! Sana hindi mo nalang ako niligtas! Sana hindi ka nalang nagpakita!" sunod-sunod kong sinabi habang malakas ko siyang hinahampas na sinasalag niya naman gamit ang kanyang mga braso.

Nang makakuha siya ng pagkakataon ay mariin niyang hinawakan ang aking mga kamay para mapigilan ako sa paghampas sa kanya. Lakas loob kong tinignan ang kanyang mga mata na sa palagay ko'y nag-aapoy na sa galit.

"Ganyan ka ba talaga?!" bakas sa boses niya ang galit. Siguro ay napuno na talaga siya sa akin. Pero siya naman ang may kasalanan eh.. "Lagi mo ba talagang ipapamukha sa akin na sana wala ako dito?! Ayaw mo ba talaga sa akin, ha?" Nakita ko ang pinaghalong galit at kalungkutan sa kanyang mga mata. Bakit niya naman naisip na ayoko sa kanya? Ayoko nga ba?

Napayuko ako nang makaramdam ng pagod. Nakakapagod pala ang pakikipag-away sa lalaking ito na sobrang tigas ng ulo. Huminga ako ng malalim at pinakalma muna ang sarili ko bago magsalita. "Mabuti pa sigurong wag na tayo magsama, Fritz..." sabi ko sa pagod na boses.

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Ano?" tanong niya na para bang hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Ang ibig kong sabihin, magkanya-kanya na tayo. Maglalakbay na akong mag-isa at ikaw... bahala ka na sa buhay mo o kung anong gusto mong gawin." mariing pagpapaliwanag ko. Muli kong nakita ang kalungkutan sa kanyang mga mata ngunit nawala din ito kaagad.

"Kaya mo?" tanong niya sa naghahamong tono. Sa unang pagkakataon ngayon araw ay nakita ko din siyang ngumisi. Tignan mo ang isang 'to. Kanina lang ay galit, ngayon naman ay naging pilyo. Hindi ko na ata matatagalan ang lalaking 'to.

"Kaya ko." buong loob kong sinabi. "I'm not a damsel in distress, Fritz. Kaya ko ang sarili ko."

Pagkasabi ko noon ay sinadya ko siyang banggain at nagsimula ng maglakad palayo. Narinig ko naman ang kanyang pilyong tawa pero hindi ko nalang ito pinansin at taas-noo pa din akong naglalakad papalayo sa kanya. Akala niya siguro ay nagbibiro ako.

Magpapatuloy pa sana ako sa paglalakad ngunit nabato ako sa kinatatayuan ko ng makita ang isang malaking tigre na nakaharang sa daraanan ko at para bang inaabangan ako nito. Kitang-kita sa mata ng hayop na ito ang pagkatakam at samahan pa na naglalaway ang malaking bunganga nito. Kitang-kita ko din ang matatalas na ngipin nito.

"Ano, kaya mo?" napalingon ako sa nagsalitang si Fritz na tumatawa tawa pa. Prente itong nakasandal sa puno at naaaliw akong pinapanood nito na para bang nasa isa akong palabas. Fuck! Anong gagawin ko?

Hindi ko magawang makapagsalita dahil baka pag ginawa ko iyon ay mas lalo kong maudyok ang tigre na lumapit sa akin. Ni hindi nga ako makagalaw sa puwesto ko dahil baka sakmalin ako nito. Mataman akong tinignan ng tigre at nagpalakad lakad papaikot sa akin. What am I gonna do now?

Napaatras ako nang nagsimulang maglakad papalapit sa akin ang tigre. Halos pigilan ko na ang paghinga ko dahil sa sobrang paghaharumentado ng puso ko. "F-Fritz..." oh fuck! Did I just call his name? Parang gusto ko nalang talagang magpakain sa tigre sa kahihiyan.

"Now look who's asking for help." He said in a playful voice.

"I'm not asking for your help!"agad ko namang depensa.

"Oh, come on." aniya nito at marahang tumawa. "Just say the magic word, Astrid."

"Ano namang magic word pinagsasabi mo?!" muli na naman akong nakaramdam ng pagkairita. Nagagawa niya pa talagang magbiro sa ganito kadelikadong sitwasyon?!

"Say "I'm sorry, Fritz. I won't fight you again and I will keep my mouth shut.
Promise.""

"Tangina, huwag mo akong pinaglalaruan, Fritz. Hindi na ako natutuwa." may halo ng pagbabanta ang boses ko. Pilit kong itinatago ang kaba at takot na nararamdaman ko dahil dahil mukhang konting-konti nalang talaga ay susugurin na talaga ako ng tigre.

Muli ko na namang narinig ang nakakapikon niyang tawa. "Sabagay, ang haba nga pala masyado nun. Ito nalang... just say "baby".."

"What the fuck, Fritz! Are you for real right now?! Mamamatay na ako dito oh!"

"Just say it!"

"Ayoko!" Bakit ko naman sasabihin iyon?! That's ridiculous.

"Bahala ka." Lumingon ako sa kanya at nakita kong naglalakad na siya palayo. Fuck! Seryoso nga siya.

"B-baby..." mariin akong napapikit ng sinabi ko iyon. Shit.shit.shit. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi mura.

"Damn! Don't you ever say that word again!" napakunot ang noo ko ng bigla niya itong sinabi. Sinabi niyang sabihin ko tapos ngayong sinabi ko ay magagalit siya. Napakabipolar!

"Bakit? Eh sabi mo eh!"

"Fuck, because it's giving me orgasm!" What the-

Mumurahin ko pa sana siya ng bigla nalang tuluyang tumakbo ang tigre papunta sa akin. Nagpakawala ako ng malakas na sigaw nang makita ang hayop na handa na akong sakmalin. Napapikit ako sa sobrang takot pero mabuti nalang ay naagapan ako ni Fritz.

"Tumabi ka, Astrid." utos niya sa akin na agad ko namang sinunod.

Tuluyan na nga siyang nakipagsagupaan sa tigre. Mabuti nalang ay mayroon siyang dalawang daggers na nagagamit bilang pandepensa. Nasugatan niya na ng madaming beses ang tigre pero dahil sa ginagawa niya ay lalo itong tumatapang at nagiging mabagsik. Pero hindi din nagpapatalo si Fritz. Mas lumalakas ang enerhiyang inilalabas niya sa kanyang katawan. Napasinghap pa ako ng walang anu-ano'y binuhat niya ang tigre at malakas na ibinalibag. Tumama ang katawan ng tigre sa isang malaking puno at sa sobrang lakas ng impact ay naputol din ang kalahati ng puno at dali-daling bumagsak sa katawan ng tigre.

Hindi mababakas sa mukha ni Fritz ang kapaguran nang humarap siya sa akin. Pagkaraa'y lumapit siya sa akin at hinigit ang baywang ko. Ako naman ay nanigas dahil sa biglaang kilos na ginawa niya. "Sorry.." mahina niyang sambit.

"Huh? Para saan?" nagtataka kong tanong. Bakit siya pa itong nagsosorry gayong iniligtas na nga niya ang buhay ko?

"For this.." nanlaki ang mga mata ko at tuluyan na nga akong nabato nang inilapat niya ang labi niya sa labi ko sa pangalawang pagkakataon. Fuck, why are you doing this, Fritz? Why are you making me feel something that I shouldn't have to?

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon