Tahimik kong pinapanood ang mga ulap sa himpapawid. Matapos ang insidenteng nangyari sa amin kanina ni Fritz ay bumalik na ako sa kinauupuan ko. Hindi ko na naipaliwanag sa kanya ang aming plano at hindi ko alam kung maipapaliwanag ko pa ito sa kanya. Nakaramdam ako ng guilt. Tama naman siya. Wala naman talaga akong alam kaya wala akong karapatang husgahan siya.
"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land on an open area because there is no airport in the island of Enrocho. Please make sure that your seatbelt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you." rinig kong sinabi ng inflight director.
"Astrid, we're here." nakangiting sabi ni Captain Grey sa tabi ko. "Look." sabi niya sa akin sabay turo sa may bintana. Tinignan ko ito at nakita ko ang isang napakagandang isla. Ito na ba ang Enrocho?
Makikita sa mukha ng mga kasamahan ko ang excitement at saya. Halos lahat ay sumisilip sa bintana para makita ang isla.
"We made it." maginhawang sinabi ni Captain Conrad.
"Uh-uh. Not yet. Wag kang magsalita ng tapos Conrad, hindi natin alam ang mangyayari satin pagkababa ng eroplanong 'to." Captain Akiko said in her usual monotone voice.
Napairap si Captain Conrad sa kanya. "Oh come on, Akiko. Can you please stop being a pessimist?"
"What? Hindi naman nagative yung sinabi ko ah, nagpapakatotoo lang ako. Hindi tayo magbabakasyon dito kaya dapat hindi sila magdiwang ng ganyan." Sagot naman niya na ang tinutukoy ay ang mga kamiyembro namin na mukhang excited na excited.
"Tss. Ba't ganyan ka? Ang init ng ulo mo. Meron ka ba ngayon?" Captain Conrad teased her. Hindi naman ito sumagot kaya natawa nalang si Captain Conrad.
Maayos na lumanding ang eroplano sa lupa. Mabuti nalang ay malawak at patag na area dito sa Enrocho na maaaring mapaglanding-an.
Halos lahat ng miyembro ay nagmamadaling alisin ang kani-kanilang seatbelt at kinuha ang kanilang mga gamit sa overhead bins. Ang mga gamit na ito ay binigay samin ni President Mcewen.
"Paradox members." panimulang sabi ni Captain Conrad kaya nagsitigilan ang lahat sa mga ginagawa nila. "Huminahon kayo, maaari ba? Makinig kayo sa instructions na sasabihin naming mga captains sa inyo. Ang lahat ay pumila ng maayos at sumunod kay Captain Akiko sa pagbaba." maawtoridad niyang sinabi. Nauna nang maglakad palabas si Captain Akiko at nagsisunudan naman ang lahat.
"Tara na, Astrid." sabi sa akin ni Captain Grey ng makitang hindi pa din ako umaalis sa kinaroroonan ko.
"Teka, pupuntahan ko muna si Fritz."
"Okay. Antayin nalang kita sa baba." sabi niya at naglakad na palabas ng eroplano at ako naman ay pumunta sa dulo para tawagin si Fritz dahil mukha atang wala itong balak na bumaba.
"Kaya naman pala." Sambit ko ng makita ang kalagayan niya. Mahimbing itong natutulog at walang kamalay-malay sa nangyayari. Nakita ko ang kamay nito na nasugatan at may benda ng nakapulupot dito.
"Hoy." sabi ko. Hindi pa din ito nagigising. "Fritz." muling tawag ko pero wala itong epekto kaya tinapik tapik ko ang balikat niya.
"Tsk." iritang saad nito at hinawi ang kamay ko saka tumalikod. Aba!
"Hoy, Fritz ano ba?! Andito na tayo sa Enrocho. Nakababa na ang mga kasamahan natin at ikaw nalang ang inaantay!" pagtataas ko ng boses sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito ng dumilat.
"Ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Tara na!" para akong nakakatanda niyang kapatid at siya naman ang pasaway kong kapatid sa inaasal naming dalawa. "Tangina." mahinang sambit nito. Walang gana siyang tumayo at dahan-dahan pang kinuha ang gamit niya. Napairap nalang ako sa inis at sinimulan ng maglakad palabas.
"Kumpleto na ba?" rinig kong tanong ni Captain Conrad.
"Andito na sila." sabi naman ni Captain Grey ng makita ako at si Fritz sa likuran ko na palabas ng pinto.
"Okay. Makinig ang lahat, para sa susunod nating plano tutungo tayo sa-"
"Ren!!!" napalingon kaming lahat sa sumigaw naming miyembro at lahat kami ay napasinghap sa nakita. Ang babae naming miyembro na si Ren ay may panang nakatusok sa kanyang ulo at ito'y nagdudugo. Bumagsak siya sa sahig at mukhang patay na.
"Shit." I heard Captain Akiko cursed.
Napalingon ako kung saan ang pinanggalingan ng panang tumama sa kanya pero wala akong nakita. Baka nagtatago ito sa loob ng gubat.
"Walang tatakbo." malakas ngunit mahinahong sinabi ni Captain Grey. "Wag kayong gagawa ng kahit ano. Walang gagalaw kung ayaw ninyong matulad sa isa nating kamiyembro." hinigit niya ang kamay ko at itinago niya ako sa likod niya. "Dito ka lang." sabi niya ng hindi lumilingon sa akin.
"S-sino gumawa nun?" Hindi ko maitago ang pagkatakot sa boses ko.
"Haptha tribe." matipid nitong sagot.
Napaatras kami ng magsilabasan ang mga nasa trenta-katao na nasa gubat. Maitim ang kanilang balat at kulot ang kanilang mga buhok. Karamihan sa kanila ay mga lalaki at halos nakabahag na sila dahil sa kakapiranggot lang na damit na suot. May kanya-kanya silang hawak na pana at sibat at pinapalibutan nila kami.
"Teka, wag niyo kaming sasaktan. Wala kaming intensyong masama." sabi ni Captain Conrad sa mahinahong boses. "Hindi niyo na ba kami naaalala?" dugtong na itinanong nito na nagpakunot ng kanilang mga noo.
"Kami ang Paradox group. Madalas kaming bumibisita dito." saad naman ni Captain Akiko.
"Ibaba na ninyo ang mga sandata niyo." napatingin kami sa babaeng kadarating lang. "Mga kaibigan sila." nakangiting sinabi nito.
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasyThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...