Chapter XXXIX: Man in the Painting

2.3K 95 2
                                    

Maaga kaming ginising ni lola Dita para mag-almusal at pagkatapos ay linisan na namin ang tirahan nila. Sinamahan nila kami ng kanyang apo na pumunta sa Valier district kung nasaan nakatira ang Valiente group. Kagaya nga ng sinabi ni lola Dita ay tutulungan nila kami na makuha ang libro na pag-aari ng Royal Family. Hindi namin alam kung magtatagumpay kami dahil sabi ni lola Dita ay malalakas sila at mahigpit ang mga bantay nila sa bawat sulok ng kanilang teritoryo.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa Valier district ay sinasabi ni lola Dita ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa Valiente group at siya ang nagbigay sa amin ng plano para makuha ang libro. Hindi kasi kami maaaring makapasok sa loob o kahit nga makatungtong sa labas ng kanilang distrito ay hindi pwede. Agad nilang pinapatay ang makita nilang dayuhang umaaligid sa kanilang lugar. Sabi pa ni lola Dita ay sobrang malakas at mahigpit daw ang kanilang pinuno na si Ziek II.

Nang makarating kami malapit sa kanilang teritoryo ay agad kaming naghanap ng mapagtataguan. Nag-antay kami ng mangilan-ngilang gwardiya o alagad ng Valiente group na dadaan sa pinagtataguan namin upang patayin. Sakto namang may dumaang tatlong guwardiya at lakas-loob namin silang sinugod. Natagalan kami bago sila mapatumba pero nagawa naman namin iyon. Kinuha namin ang mga uniporme nilang suot at sinuot iyon para makapasok sa loob ng distrito.

"Alam niyo naman na siguro ang gagawin, hindi ba?" aniya ni lola Dita.

"Opo." sagot naman namin ni Fritz.

"O sige, tumuloy na kayo sa loob. Aantayin ko ang paglabas ninyo dito." sabi ni lola Dita.

Tumango kami at nagsimula nang maglakad papasok ng distrito. Kabado kaming dalawa ni Fritz ng pinagbuksan kami ng gate ng dalawang guwardiya na mukhang sinusuri pa kung sino kami.

"Bago ba kayo?" mapanuring tanong ng isang gwardiya.

"Oo." agad namang sagot ni Fritz na nagagawa pang makipagtitigan sa dalawang gwardiya samantalang ako nakayuko lamang.

"Saan naman kayo galing??" tanong pa ng isa.

"Sa labas. Inutusan lang kami ng pinuno." sagot ni Fritz.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil na sa pagtanong ang dalawa at pinapasok na kami. Nagmadali naman kaming pumasok sa loob at agad tinunton ang palasyo ng pinuno na nakapuwesto sa pinakadulo ng distrito. Tahimik kaming naglalakad at pinapakiramdaman ang paligid. Nakakapanibago. Wala kaming makitang residente sa labas ng kani-kanilang bahay. Ang tangi lang naming nakikita sa paligid ay mga gwardiya at iba pang mukhang may posisyon sa distritong ito. Hindi ko alam na ganito sila kahigpit.

"Ano nang gagawin natin?" pabulong kong tanong kay Fritz nang makatungtong kami sa tapat ng palasyo.

"Magtago muna tayo, hintayin natin ang gagawin nila lola Dita." sagot niya

Marahan kaming tumakbo papunta sa likod ng palasyo. Doon namin balak pumasok sa likod na pinto dahil wala namang nakabantay na gwardiya doon. Nang makarating kami doon ay sakto naming narinig ang sunod-sunod na pagsabog. Iyon na ang signal. Napag-alaman naming explosion manipulation ang kapangyarihan ni lola Dita at iyon ang ginamit niya bilang signal. At kagaya nga nang inaasahan, lahat ng mga gwardiya, pati na si Ziek II ay nagsilabasan upang alamin ang nangyari.

Nang mawala na ang mga tao sa loob ng palasyo ay mabilisan naming tinungo ang pintuan at pumasok sa loob. Nalula ako sa sobrang laki ng palasyo. Napakataas ng ceiling nito at sobrang luwang sa loob. Napatingin ako kay Fritz na nilioibot din ang paningin sa kabuuan ng palasyo.

"Saan na tayo?" aligaga kong tanong sa kanya. Kailangan naming magmadali dahil mbaka mamaya ay pumunta na ang pinuno at mga alagad niya dito.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon