Agad kong nilingon ang direksyon na tinitignan ng bata para alamin kung sino ang tinutukoy niya. Napasinghap ako ng makita kung sino iyon. "Fritz..." halos pabulong kong sabi. Natutuwa ako dahil nagpakita na siya at hindi ako makapaniwala.
Lalong lumakas ang pag-uga ng tren kaya mas lalong nagsigawan ang mga tao sa loob. Maski ako ay napatayo na sa kinauupuan ko at halos matumba ako nang tinangka kong puntahan ang mga kasamahan ko. "Andiyan na si Fritz! Matutulungan niya tayo!" malakas kong sabi para marinig nila.
Dali-dali naman nilang tinignan ang labas para makumpirma ang sinabi ko. Nakita namin si Fritz na halos patakbong tinatahak ang tren na sinasakyan namin. Rinig ko ang sabay sabay nilang pagbuntong hininga nang makalapit siya sa amin.
Napaatras kami nang marinig ang kalabog ng pinto ng tren mula sa labas. Pwersahan nang binubuksan ni Fritz ang pintuan gamit ang ability niya at sa isang iglap lang ay nasira na nga ito. Bumagsak ang kinakalawang na pintuan na mula sa bakal sa sahig.
"Dali, labas na!"utos ni captain Conrad sa aming mga miyembro. Agad namang nagsilabasan ang iba, kasama na ng iba pang mga pasahero. Hindi muna ako nakipagsiksikan at pinuntahan ko nalang ang batang babae para ayain na ito palabas.
Nang makalabas kami ay agad na hinanap ng mata ko si Fritz. Nang matanaw ko siya ay tumakbo ako papunta sa kanya at walang pasubali siyang niyakap. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong sumaya ng makita siya at nagkaroon ako ng ibang pakiramdam.
"Pinag-alala mo ako ng sobra alam mo ba yun?" hindi ko na napigilang sabihin. Pero imbes na sumagot ay nabigla ako ng hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at mariing inilayo sa kanya.
Tinignan ko ang mga mata niya at wala akong nakitang anumang expression dito. Yung hitsura niya ay parang nung una ko siyang nakita noon. Cold at nakakatakot. Ilang segundo kaming nagtitigan pero siya din ang unang pumutol nito at nilagpasan ako na para bang hindi niya ako nakikilala. Siguro galit pa rin siya sa akin. Siguro ako ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nawala.
"So wala tayong magagawa guys, iyang tren nalang sana ang pag-asa natin pero nasira pa. Wala ng ibang transportasyon kaya lalakarin ulit natin." dismayadong sinabi ni captain Akiko na ikinabagsak naman ng aming mga balikat.
"Tara na, wag na tayong magsayang ng oras. Aabutin na naman tayo ng gabi nito." sabi naman ni captain Conrad na mukhang naubusan na din ng pasensya. Panay na din kasi ang reklamo ng mga kasamahan ko pero wala naman na kaming magagawa kundi lakarin ang daan patungo sa Mt. Shibu. Malamang kapag inabot kami ng gabi ay makikituloy na naman kami sa isang bahay sa distritong mapaghihintuan namin.
-----
Katulad nga nang inaasahan, inabot na naman kami ng gabi sa paglalakbay. Pero sa kasamaang palad ay wala kaming nadaanang distrito o kahit na mga tribo man lang. Ang mahirap pa doon ay nasa kagubatan pa kami. Ito lang kasi ang tanging daan.
"Dito na muna siguro tayo magpahinga, Conrad. Hindi na kaya ng mga kasamahan natin." hinihingal na sinabi ni captain Grey. Halos wala kasi kaming pahinga at hinto sa paglalakad dahil hindi kami pinapayagan ni captain Conrad. Bigla na lang siyang naging pursigido ngayon at masyadong naging seryoso.
Nakapamaywang kaming hinarap ni captain Conrad sabay nagpakawala ng buntong-hininga. "O sige..." tangi lang nitong naisagot.
"Hay. Buti naman..." rinig kong sabi ng mga kagrupo ko at isa-isa nang nagsisalampak sa damuhan.
"Brix, nagugutom na ako." parang batang sinabi ni Zoe sabay himas pa sa kanyang tiyan.
"Guys, ano kaya kung humanap tayo ng makakain? Tutal gubat nasa gubat naman tayo eh, baka may mga makuha tayo." suhestiyon ni Brix sa Paradox group. "Ano, wala bang gustong sumama sa amin?" Sunod na tanong nito ng makitang wala man lang sumang-ayon sa kanya. Halos lahat sila ay pagod at ang iba pa ay diretso nang nakatulog.
"Ako na lang..." pagprisinta ko. Wala naman kasi akong magawa kaya sasama na lang ako.
"Good, tara na." Tumayo na ako at sumunod kila Brix at Zoe na naglalakad na palayo.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko ng mapagtantong lakad lang kami ng lakad.
Lumingon naman sa akin ang dalawa at sabay na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit nagdala sa akin ito nang nakakakilabot na pakiramdam. "May nakita akong ilog doon, oh. Isda na lang ang kainin natin." aniya ni Brix.
Nagsimula muli silang maglakad kaya sumunod na lang ulit ako. Bakit ganun? May kakaiba akong nararamdaman? Parang may mangyayaring hindi maganda? Napailing na lang ako dahil sa naisip. Baka nasisiraan na ako ng loob.
"Tara na, Astrid. Tulungan mo na kaming manghuli ng isda." bumalik ako sa huwisyo ng marinig si Brix na nagsalita.
Nandito na pala kami sa ilog. Nakita ko sila ni Zoe na nakalusong na sa tubig at nagsisimula nang maghanap ng isda. Marahan akong naglakad at dahan-dahang inilusong ang mga paa. Tinatantya ko kasi kung hanggang saan ang tubig, pero hanggang baywang lang naman pala ito. Bigla na lang akong napayaka sa sarili ko ng makaramdam ng ginaw. Sobrang lamig ng tubig at medyo malakas pa ang ihip ng hangin.
Nagsimula na akong maghanap ng isda. Mataman kong inaaninag kung may gumagalaw sa tubig. Sinumulan ko na ding ilublob ang dalawa kong kamay at pilit na kumapa. Napalingon naman ako sa dalawa pero wala na sila sa kaninang pwesto nila. Nasa lupa na si Zoe at nakita ko naman si Brix na naglalakad papalapit sa akin.
"Anong ginagawa si Zoe doon? May nahuli na ba kayong isda?" nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. Naguguluhan ako sa nangyayari.
Imbes na sumagot ay ngumiti lang sa akin si Brix. Ngiting nakakatakot. Napaatras ako ng malamang malapit na siya sa akin. Shit. Kapag nagpatuloy pa ako sa pag-atras ay mapupunta na ako sa bandang malalim.
"Anong binabalak niyo?" lakas-loob kong sinabi. Alam ko na. Tama nga si captain Akiko. Hindi sila mga kaibigan kundi mga kalaban din.
Mas lumawak ang ngiti nito pagkatapos ay inilubog ang dalawa niyang kamay sa tubig. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi! Walang anu-ano'y may bigla na lang dumaloy na kuryente sa katawan ko.
"Ahhhhhhh!!!!" habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kuryenteng pumapasok sa akin at halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Namamanhid na ang buong katawan ko at naginginig na ako, hindi dahil sa lamig ng tubig kundi dahil sa kuryenteng pumapasok sa akin.
Dali-dali siyang pumunta sa akin at walang anu-ano'y hinawakan ang leeg ko ng dalawa niyang kamay. Kahit halos namamanhid na ako ay pinilit ko pa ding iangat ang dalawa kong kamay para alisin ang pagkakasakal niya sa akin.
"Bilisan mo, Brix. Tapusin mo na yan! Baka pumunta na sila dito!" rinig kong sigaw ni Zoe.
Dahil sa sinabi niya ay mas lalong hinigpitan ni Brix ang pagkakasakal niya sa akin at unti-unti na akong hindi nakakahinga. Pagkatapos ay buong pwersa niya akong inilublob sa tubig. Fuck. Katapusan ko na ba ito?
Muli ulit siyag naglabas ng kuryente sa kamay niya at diretso itong dumaloy sa leeg ko patungo sa buo kong katawan. Pilit kong nilalabanan ang sarili ko na mawalan ng malay gamit ang natitira kong lakas. Hindi ako pwedeng mamatay.
Hindi..
Hindi...
Hindi...
BINABASA MO ANG
ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)
FantasíaThe world where Astrid lives has no room for mundanes like her. But what if life gives her opportunity to have power by means of finding the lost phoenix? An extraordinary bird that can give power to an ordinary human by just a drop of tear from it...