Chapter IX: Company

2.8K 126 2
                                    

"Ito na ang simula ng ating misyon. Gusto ko lang na ipaalala muli sa inyo, na walang sinuman sa grupong ito ang sisira ng plano. No matter what happens, just stick to the plan. Understand?" sabi ni Captain Conrad nang umandar na ang barkong sinasakyan namin.

Alas-nuwebe na ng umaga nakalayag ang barko dahil nagkaroon pa kami ng madaliang medical test at muli pang ipinaliwanag sa amin ng tatlong captains ang plano. May dalawang miyembro na hindi nakasama dahil ang isa ay hindi nakapasa sa medical test at ang isa naman ay umatras kaya labing tatlong miyembro na lamang kami ngayon.

Mag-isa akong nakatayo sa board ng barko at matamang pinagmamasdan ang karagatan. Hindi ko alam kung nasaan ang iba. Malamang natutulog ang mga ito o kaya naman ay kumakain ng almusal. Kami lang ang pasahero ng barkong ito dahil pagmamay-ari ito ng Paradox Ins. Ihahatid kami nito sa isla ng Enrocho kung nasaan ang Phoenix pero mukhang aabutin kami ng ilang araw sa paglalayag dahil napakalayo nito.

"Coffee?" nagulat ako nang makita si Captain Grey sa tabi ko. May hawak-hawak itong dalawang tasa ng kape at iniabot sa akin ang isa. Agad akong sumimsim ng kape pagkakuha ko nito. "Anong sabi nila? tanong niya at humigop din ng kape.

"Sinong nila?" nagtataka kong tanong.

"Pamilya mo. Papa mo, boyfriend mo." sagot niya at tinignan ako ng diretso sa mata. Umiwas ako kaagad at ipinukol ang tingin sa karagatan.

"Hindi naman alam ng pamilya ko. Hindi ko sinabi." pagsabi ko ng totoo at huminga ng malalim. Ano nga kaya ang sasabihin nila kung sakaling nagpaalam ako?

"Bakit?? Mag-aalala sila sayo sigurado ako. Baka nga mabaliw pa sila sa paghahanap sayo." I scoffed. Sila hahanapin ako? Malabong mangyari yun. Nasa legal age na ako at sa sobrang dami nilang ginagawa, hindi na nila ako pag-aaksayahan ng oras na hanapin pa. Nasabi ko sa aking sarili.

"Pwede bang 'wag nalang iyon ang pag-usapan natin?" iritable kong sagot na siyang ikinatawa niya. "Fine." sabi niya saka bumungisngis ulit.

Hanggang ngayon ay nagtataka parin talaga ako kung bakit niya ako kinakausap. Samantalang ang dalawang Captains na kasama niya ay hindi man lang kinakausap ang ni isa sa aming mga miyembro. Maliban na lamang kung tungkol ito sa misyon namin. Is he really that friendly, huh?

"Sige, ito nalang. If you were to have a superpower, what would it be and why?" he asked, smiling at me. Kung ibang babae ang kausap nito ay malamang naattract na ito sa kanya. Sure he's attractive lalo na't palangiti ito, but Mico is more attractive than him. Teka bakit ko ba sila pinagkukumpara?

"An ability to fly," sagot ko sa tanong niya.

"Oh, really? You know what? That's Akiko's ability," talaga? Ngayon ko lang ito nalaman dahil hindi ko naman siya nakikita na ginagamit ito. Eh si Captain Grey kaya, anong ability meron siya? "Ikaw, ano sayo?" tanong ko naman sa kanya.

"Me? Force-field manipulation," sagot niya pagkuwa'y humilig sa railings. "Cool," mangha kong sinabi. Isa rin kasi ito sa pangarap kong ability noong bata pa ako.

"But you know what? When I was a kid I badly wanted to be like them than to be a force-fielder." sabi niya at namamanghang itinuro sa di kalayuan ang isang lupon ng mga sirena. Napanganga ako sa nakita ko. Bihira lang akong makakita ng mga taong tulad nila that's why I'm also amazed.

They are also humans like us at fish mimicry ang kanilang abilities.They can breathe underwater at kaya din nilang makipag-usap sa mga isda at iba pang sea creature. Bumabalik din ang kanilang mga paa kapag nasa lupa na sila at depende din sa kanila kung mag-aanyong sirena sila kapag nasa tubig.

"They're beautiful." sabi niya at tuwang-tuwang pinagmamasdan ang mermaids na lumalangoy. "Indeed." pagsang-ayon ko habang pinapanood din ang mga ito na lumangoy papalayo.

Napalingon ako kay Captain Grey ng makita ko sa peripheral vision ko na tinititigan niya ako. Napakunot ang noo ko. "Why?" bumalik tuloy ang pagkairita ko sa kanya.

"Nothing. I just realized na mali pala ako sa mga thoughts ko. Hindi ka naman pala masungit." sabi niya at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.

I rolled my eyes pero napatawa din ako. "Mukha ba talaga akong masungit?" halos lahat ng tao ay ganyan ang first impression sa akin. Kahit si Mico noon ay ganun din ang akala niya. "No, not really. Wag mo nalang pansinin yung sinabi ko." he laughed in amusement. "I'm hungry. Come on, let's eat." pagkuwa'y nag-aya ito. Ngumiti ako at sumama sa kanya.

I thought I'm not gonna get a company from somebody here. Pero kita mo nga naman, ang isa sa captain pa ng grupo ang mukhang makakasundo ko ata sa buong misyon na ito.

ASTRID: Finding The Lost Phoenix (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon